Bumiyahe pa ako ng halos isang oras para lang makalayo sa kompanya nina Jonathan. Ayaw kong may makakita sa akin doon. Ayaw kong pagdudahan na naman ako ni Kuya Marco o kahit na si Nathan. Pagdating ko pa sa itinuro kong lugar ng pagkakitaan namin ni Bernard ay naghintay pa ulit ako ng halos isang oras dahil sa kay tagal niyang dumating. Hindi ko alam kung pinaglalaruan na naman ako ng hayop na ito dahil kanina pa ako rito ngunit wala ni anino niya ang nagpapakita pa. “Ma’am, baka gusto n’yo po ng bagong delicacies namin, para naman po… hindi kayo ma-bored sa paghihintay sa boyfriend ninyo,” anyaya sa akin ng batang waitress. Napansin niya sigurong kanina pa ako nakaupo at tanging bottled water lang ang in-order ko. Nawalan kasi ako ng ganang kumain tuwing naiisip ko si Bernard. Medy

