PROMISE "ANNULMENT?" Pagak na natawa si Ali at saka muli akong tiningnan. Akala niya ba na nagbibiro ako? "You are kidding, aren't you?" 'di makapaniwalang tanong niya. I sighed heavily and gazed at the waves of the sea that knocked the body of the yacht. Wala na akong ibang paraan para pareho kaming 'di masaktan. "Masiyadong kong mahal si Mosaic, Ali. And he deserves peace. Ayaw ko rin maging miserable ang buhay niya dahil sa akin." "Hey, you are not miserable," alo niya sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko. Pinaharap niya ako sa kanya at puno ng pag-iintinding tinitigan. Ayaw ko ng umiyak pero heto na naman, nag-uunahan na namang magsilaglagan ang aking mga luha. "Don't cry. I don't want you to cry..." Pinahid niya ang mga luha ko sa pisngi at nginitian. "Mag-usap

