SUMBIT "SORRY." Iiling-iling na lumingon si Beverly kay Mosaic na ngayon ay nakaupo sa kanyang lamesa habang pinapanood akong humihingi ng tawad sa babae. "You are not sincere, Lovie." God! Ano ba ang gusto niya? Ang lumuhod ako sa kanyang harapan at magmakaawa? She doesn't deserve my sorry! "Ano pa ba ang gusto mo, Beverly?" mataray kong tanong sa kanya. Mosaic held my arm and lifted his eyebrow. Isa pa 'to! Akala niya siguro ay madadala niya ako sa pa try-try niya. Neknek niya! Hindi na ako maniniwala sa paasa moves ng lalaking 'to. Ngayon mabait, bukas o sa makalawa, malamig pa sa ice ng Antartica kung makaasta. Hinawi ko ang kanyang kamay at inikis ang aking mga braso sa aking dibdib. Tinaasan ko ng kilay si Beverly at nginisihan. "Sabi lang ni Lola, 'say sorry'. Hindi ni

