q Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa sunod-sunod na nangyari sa akin. Durog na durog ang puso ko at 'di makapaniwala na kayang gahasain ng aking ama ang aking mapapangasawa. Buong buhay ko, si Papa ang taong sa palagay ko ay 'di marunong gumawa ng masama. Harap-harapan siyang pinagtaksilan ni Mama. Nagdala ng lalaki sa bahay at sinabing pinsan umano habang ang ama ko naman ay walang kaalam-alam sa lahat– o, alam na niya pero 'di niya kayang mawasak ang pamilya namin kaya nagtitiis siya. At ang trahedya ni Mae. Ang babaeng mahal na mahal ko at pinangarap kong maging akin habambuhay ay kinitil ang sariling buhay dahil sa depresiyon. "Sabi niya aaminin na niya ang totoo... b-bakit..." lihim kong iyak dahil punong-puno na ang dibdib ko. Masakit. Masakit sa akin pero kinaka

