Hindi ko alam kung mainis ako sa kanya. Boxer iyon... For sure... Wala nang kasunod na pangtakip sa pagkalalaké niya kung ipahubad niya sa akin.
How could he do this to me? Sinasadya niya bang asarin ako o seryoso talaga siya na ipahubad niya sa akin ang boxer niya?
"With all due respect sir? Sure ba talaga kayo? You want me to pull your boxer off?" panigurado ko. Baka kasi magbago pa ang isipan niya.
His eyebrows lift in annoyance.
"Ayaw ko nang paulit-ulit nang sinasabi, Doc Devina. Just do what I say," walang kabuhay-buhay niyang sagot.
Uminit ang pisnge ko. Bakit ba awkward sa akin ito? Ilang beses na akong nakakita ng mga ari ng lalaki. Iba't-ibang sizes na ang nakikita ko, dahil na rin sa mga pasyente ng Hospital. We also tacled it during my medical school. Parang wala naman sa akin iyon at naging normal na lang ang lahat. Pero bakit tila hindi ako mapalagay ngayon pagdating sa kanya. Huhubaran lang naman siya ng boxer. Bakit hirap pa akong gawin iyon?
"Uh... Okay sir Kelvis. If that's what you want."
I really don't have a choice. Kung magpakipot pa ako baka magtaka pa siya lalo na't doctor naman ako. This is normal to us.
I cleared my throat. Pinakita ko talaga na kalmado lang ako ngayon. Hindi pwedeng magpa-apekto ako sa ganito. I should acted professionally. He is my patient right? I should treat him like that, not like some newbie doctor. Pati paghubad lang nahihirapan pa ako.
Hindi dapat ganoon, Devina!
Pumunta ako sa harapan ni Mr.Kelvis para hubarin na ang suot nitong boxer. Nakatingin lang siya gamit ang walang emosyon niyang mata sa gagawin ko. Kagat labi ako sa ginagawa. Hinawakan ko na ang laylayan ng kanyang boxer. I was going to pulled it off when he suddenly gripped my pulse.
"You know what? Forget it... I'm gonna take a shower wearing my boxer."
Nagkatinginan kami. Umawang ang labi ko habang wala naman siyang reaksyon.
Malakas akong nagpakawala ng hininga, tila nawala ang tensyon.
Napaatras ako nang inikot niya ang wheelchair para makaalis na. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa bathroom. Nakatunganga pa rin ako kung saan niya ako iniwan sa ere.
Pinagloloko ba ako ng lalaking iyon!? Akala ko talaga maghuhubad siya!
"Let's make it faster, Devina. Come to the bathroom now!"
Naigtid ako sa utos niya. Mas lalo yata akong namula sa narinig. Umaalingawngaw ang boses niya sa bathroom. It feels like he is waiting for me so that we can do something else. Parang nagka-double meaning yata ang sinabi niya sa utak ko.
Gusto ko na lang pukpukin ang ulo sa mga iniisip ko. Ang dumi kong mag-isip. Simula talaga nang malaman ko na siya pala ang lalaking nakakuha ng pagkabirhen ko parang lumulutang ang isipan ko sa nangyari sa amin noon. Why, am I acted like a teenager now?
Pinuno ko ng hangin ang dibdib. Nilakasan ang loob bago naglakad para pumasok sa loob ng banyo. Naabutan ko si Mr.Rivero na tinitingnan lang ang shower. Bumaling siya sa akin bago sumenyas.
"Hindi pwedeng mabasa ang kaliwa kong paa. You already know what to do,right?"
Tumango ako saka ngumiti. Nilapitan ko siya upang paliguan.
"Don't worry sir Kelvis. I'm here to assist you... Babasain ko lang ang parte ng katawan mo nang hindi natatamaan ng tubig ang kaliwa niyong paa."
Kinuha ko ang spray hand shower. Tinutok ko iyon sa kanang paa nito. Bago iyon tinakpan ko muna ng plastic ang kaliwang hita niya na may bandages. Pati ang kaliwa ring mata nito, tinakpan ko iyon ng silicon eyes cover, para hindi rin mabasa. Pagkatapos pinaliguan ko na siya.
Binabasa ko lang siya tapos siya na ang nagsasabon sa kanyang katawan, pati pag-shampoo. Pinatayo ko rin ito gamit ang isa niyang paa, para hindi siya mahirapan.
Ang kaliwang paa naman na naka bandages nakatungtong iyon sa isang mono block. Natulala pa nga ako sa katangkaran niya dahil hanggang dibdib niya lang ako. Kailangan pa niyang yumuko nang sa ganoon matamaan ko ang ulo niya ng shower.
Siniguro ko talaga na hindi ako tumitingin sa ibabang parte nito na may suot na boxer. Paano ba naman na sulyapan ko iyon isang beses habang nagsasabon siya ng kanyang mukha. Klarong-klaro ko ang bakat nun. Alam kong sobrang laki talaga nu'n. Hindi siya pangkaraniwang laki ng mga pilipino na lalaki. Paano kaya nagkasya ang ganyang kalaki sa pagkàbabae ko noong may nangyari sa amin?
Namula ako sa mga iniisip ko. Gusto ko na namang pukpukin ang ulo. Gosh! Ano ba itong iniisip ko. I should have forgotten about that.
"I'm done. Give me the towel."
Sinunod ko ang utos nito. I give him his towel. He smell really good now. Habang pinagmasdan ko siyang pinupunasan ang katawan niya. Hindi ko maiwasang humanga sa kakisigan nito. He has a really perfect body. So masculine. It is perfectly built.
Mabuti na lang hindi na ako nahirapan sa pagligo sa kanya. Hindi rin siya gaanong nagsasalita. Maski titigan ako hindi niya ginawa. Sa tuwing sumesenyas lang siya na kailangan niya ng shower agad kong itinutok ang shower spray sa kanya.
After that, he told me that I should leave his room, dahil magbibihis pa raw siya. Hintayin ko na lang daw ito sa sala para palitan na naman ng bandages ang binti nito at malinisan ang mga sugat.
While waiting for his presence. Nag-scroll muna ako sa aking mga social media. Ni-reply-an ko iyong mga colleague friends ko na nangangamusta. Until I saw my crush back when I was in college. Bigla siyang nangamusta sa akin.
I felt like I jumped in excitement upon seeing his messages. I replied faster. Tila nagkaroon ako ng enerhiya sa mga oras na iyon.
Ako:
Hi, Marc, I'm fine. How about you? I haven't seen you for decades.
I saw him seen my chat in just a second. I see him typing in the chats. Until his replied pop ups.
From: Marchangel Madrigal
- Good to know that. Actually, I've been working a lot lately here in the United States. I'm coming home now. I wanna see you, Devina when I come back in my home town.
Bago ko pa ma-reply-an ang mensahe na iyon. Narinig ko ang pagtunog ng elevator, hudyat na bumaba na si Kelvis. As usual, mabilis akong tumayo para salubungin ang pagdating nito. Pagkabukas pa lang ng elevator, bumungad na sa akin ang walang gana niyang tingin.
He's wearing a simple white shirt at isang maong shorts. He's very attractive the way he dressed formally. Kahit naka pambahay lang siya. Sobrang lakas ng kanyang appeal.
"Handa na ang medical kit sir Kelvis," magalang kong sabi.
Nilapit niya ang wheelchair sa akin. Bumalik naman ako sa pag-upo para asikasuhin na ang kanyang bandages. Tahimik lang ako sa ginagawa ko. Siya naman nagtatablet. Mabuti na lang may pinagkaabalahan ito. Baka mas mahihirapan ako nito kung kakausapin niya ako. Puro lang naman pagsusungit ang lumalabas sa bibig niya.
Sa kalagitnaan nang paglalagay ko ng bandages sa kanyang paa. Narinig kong may tumawag sa tablet niya. Agad niya itong sinagot gamit ang walang kabuhay-buhay niyang boses.
"I'm still healing. I can't go back yet."
Hindi ko marinig ang sinasabi noong kausap niya sa pagkat nakasuot siya ng earbuds. Ang alam ko lang naka-video-call silang dalawa ngayon.
"I'm staying for at least three months. I'm getting bored here."
Inayos ko nang mabuti sa paglalagay ng pin sa kanyang bandages habang pinapakinggan siya na mukhang normal lang ang boses. Hindi nakasigaw, hindi rin galit. Sobrang malumanay nito na para bang interesado siya sa lahat ng sasabigin ng kausap niya.
"Yeah... As long as, I am fine. Babalik agad ako ng US."
Nang matapos ako sa ginagawa. Sunod ko namang binigyan ng atensyon ang mata nito. I keep on checking it. Pansin kong hindi talaga ako tinitingnan nitong Kelvis na ito maski sandali. Masiyado itong busy. Kahit pantay ang mukha namin hindi man lang ito nagbigay ng atensyon sa akin.
Sino naman ako para bigyan niya ng atensyon, Aber!?
Gusto ko sanang silipin ang screen ng tablet niya pero baka magalit ito sa akin lalo na't konting mali ko. Agad niya akong pinagsasabihan. Mas mabuti nang mag-ingat.
"No, I have surgery next week. Yeah, if you like. You can come in my house, Carmilla."
Napindot ko ang off button ng flashlight sa kamay nang marinig ang pangalan ng babaeng kausap nito.
"Do you have a problem, Devina?"
Nagkatinginan kami ni Kelvis nang bigla niyang tinanong iyon. Kumunot ang kanyang noo sa akin. Kinurap ko naman ang mata bago umiling sabay ngiti.
"Nothing sir, Kelvis... I'm just checking your eyes."
Tumitig muna siya sa akin sandali bago niya iniwas ang tingin saka ulit kinausap ang nasa tablet.
"Nope, I don't have any woman, Carmilla. I was talking my private doctor earlier. Yeah... Alright. Got to hang up now. Keep safe. Just keep on updating me."
Pinatay niya ang tawag. Ako naman maraming katanongan sa isipan ko batay doon sa Carmilla.
Siya kaya iyong babaeng nasa wallpaper ng laptop niya na nakita ko doon sa kuwarto niya? Girlfriend niya kaya ang babaeng iyon?
"You done?"
Napaatras ako ng ulo nang biglang magtanong si Kelvis. We looked at each other's eyes again before I nodded my head. Para akong napaso sa titig niya pa lang sa akin. Hirap na akong makahinga. He's really intimidating.
"Yes, tapos na. Kung may iba pa kayong ipagawa sa akin. Just call me through the intercome. Nasa kuwarto lang ako sir Kelvis." Inayos ko na ang mga gamit para ibalik sa lalagyan.
"Tomorrow, is weekdays. Are you going to work in the hospital?" he asked.
"Yup... Saturday bukas, kaya uuwi rin ako pabalik ng condo ko bukas ng umaga. Sa lunes na ako babalik rito sa bahay niyo. Pero kapag may urgent. You can contact me through my phone. Pupunta agad ako rito." Tumayo na ako at binitbit ang medical kit.
Pinaandar na rin nito ang kanyang wheelchair pabalik doon sa elevator. Bago iyon may pahabol pa siyang sinabi.
"Make sure... My surgery on Monday will be successful. Kapag gumaling na ako within three months. You are free. Kailangan kong makabalik ng US. My work needs me. That's why I need your full attention after my surgery."
Nang mawala na siya sa paningin ko. Huminga ako nang malalim. Ngayon ko lang na pansin na kanina ko pa pala pinigilan ang paghinga ko habang kaharap siya. Bakit bigla ko na lang naramdaman iyong tensyon sa katawan ko? Hindi ko naman ito ramdam noong unang dating ko rito. Kasalanan talaga ito noong box na ‘yun. Sana hindi ko na lang iyon nakita para wala akong malaman.
Pumunta na ako sa kuwarto ko saka pinagptuloy na lang ang pag-scroll sa social media. Binalikan ko iyong last conversation namin ni Marc na iniwan ko sa ere. Ni-reply-an ko ang mensahe nito. Until his messages pop up again.
From: Marchangel Madrigal
- I can't wait to see you around, Devina. I'll update you, kapag nakauwi na ako ng Pinas.
Napanguso ako sa mensahe niya. Hindi na rin ako makapaghintay na makita ang crush ko noong college ako. He is a varsity player. Ka-batch ko siya noong araw na iyon. Sabay kaming grumduate. Pati sa internship 6 years ago, we're both having the same hospital noon intern days namin.
Magkakilala kami dahil na rin naging best friend ko siya noong college. He didn't know that I secretly have a crush on him, bukod sa gwapo siya sobrang talino pa. Mabait rin si Marc, his very gentleman. Halos lahat ng batch namin na babae o bakla, may gusto sa kanya no'n. Isa na rin ako sa naka-ilang nagkagusto sa kanya ang kaso tinago ko lang iyon.
While continues scrolling my social media accounts. Naisip ko bigla na e-stalk ang buong pangalan ni Kelvis. Bigla akong na curious kung sino ba iyong Carmilla. Baka makita ko sa account niya.
Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang account nito sa social media. He is using his full name kaya nahanap ko agad.
I saw his profile pictures wearing a formal attire. 3 years ago pa ang picture na ito. Nakaupo siya sa isang black leather couch. He was sitting cross legs. Showing his wrist watch and his gold necklace. Kita ang matipuno niyang dibdib dahil ang suot nitong polo shirt nakabukas ang tatlong butones. Nasa arm rest ang dalawa niyang braso.
Napunta ko sa comment section. I couldn't believe na maraming nagnanasa kay Kelvis na babae. He has a lot of reactions. I saw a lot of girls commenting on his photo. Ngunit may familiar na pangalan ang nag-comment roon. While reading her name... I get really curious.
Carmilla Heather: Come back here in US. I can't wait to see you, Kelvis. I miss you.
Sa daming nagco-comment sa profile picture niya. Nakita kong doon sa Carmilla lang nag-reply si Kelvis. Nothing else.
Kelvis Rivero: I'll come back. As soon as possible. Just wait for me.
Kumunot ang noo ko sa nabasa. Sino ba talaga itong si Carmilla?
Out of curiosity again. Pinindot ko ang pangalan noong Carmilla. But her account is private pero iyong profile picture niya pwede kong makita. I clicked her photo and there I saw her face. Siya nga iyong babaeng nakita ko doon sa laptop ni Kelvis. She's really pretty. She's like a model.
Binalikan ko ang profile picture ni Kelvis. I stalked his account again. Konti lang ang picture niya sa account niya. Meroon siyang mga solo pictures pero nasa lima lang iyon, pagkatapos meroon siyang litrato na nagpatanga sa akin. Kilalang-kilala ko ang kasama niya sa litrato.
Iyong crush ko na si Marc. Magkasama silang dalawa. Magkaakbay sila sa bawat picturs, and they were laughing. It looks like they were so close to each other. Nasa club ang litrato. Sa kanilang likuran maraming mga babaeng nagsayawan.
"Magkakilala silang dalawa?" I murmured to myself.
I read all the comments. Mas lalo akong nawindag sa mga nababasa ko. Nalaman ko na magpinsan pala silang dalawa.
Is this real? Marc and Kelvis were cousins?!
The heck! Is this coincidence? Or faith? O baka, kahihiyan na talaga ito? Mukhang sobrang close pa naman ng dalawa sa mga pictures nila. Kwenento kaya ng Kelvis na iyon kay Marc na may naka one-night-stand siya na babae? At Ako iyon?
This is really frustrating now. Mas nadagdagan yata ang problema ko. Sana talaga hindi na maalala ni Kelvis na ako iyong babaeng nagbigay ng virginity ng kusa. Ayaw kong malaman ni Marc na isa akong babaeng pariwara lalo na't may gusto pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Baka hindi na siya lalapit sa akin dahil dismayado sa pagkat pinatulan ko ang pinsan niyang si Kelvis.