While getting all my important things in my condo. Bigla kong nakita ang isang familiar na puting box. Nakatago iyon sa drawer ko nang matagal na panahon. May mga alikabok na nga ito. I really forgot what's inside this box. Para siyang lalagyan ng sapatos sa sobrang laki.
"Ano bang nilagay ko rito?" kuryuso kong tanong sa sarili.
Tinigil ko muna ang paglalagay ng damit sa suitcase ko. Umupo ako sa kama habang bitbit ang white box. Nang mabuksan ko ito.
Unang bumungad sa akin ang isang brown leather jacket na mamahalin. I got all the stuff in there dahil tila bumalik sa akin ang nangyari sa akin six years ago. Familiar sa akin bawat gamit na nandito.
Napasinghap ako nang makita rin ang isang t-shirts ng pang lalaki saka boxer shorts. Nakalimutan ko na ang tungkol rito pero nang makita ko na naman ang mga gamit na ito. Gusto kong lamunin sa kahihiyan.
Isang estranghero na kumuha ng virginity ko ang may ari ng mga gamit na nasa box. I remembered na suot ko ito pauwi, dahil pinunit ng lalaking iyon ang damit saka panty ko.
Sa pinakailalim ng mga damit. Nakita ko ang wallet noong lalaki na nakasilid pa sa brown jacket noong araw na iyon. Kinuhanan ko pa ito ng 200 pesos bilang pamasahe ko doon sa taxi. The rest, hindi ko na pinakialaman ang mga gamit niya mula noong makita ko na isang US Army ang lalaking naging ka one night stand ko.
Mariin kong kagat ang labi. Nagdalawang isip kung buksan ko pa ba itong wallet.
Para saan pa? Para alalahanin ang katangahan ko noon? Hindi ko talaga matanggap hanggang ngayon dahil sa isang hindi kilalang lalaki ang kumuha ng virginity ko.
Sa totoo lang nakalimutan ko na ang pangalan ng lalaking iyon sa tagal na panahon noong mabasa ko ang pangalan niya sa wallet. At pilit ko ring kinalimutan na walang naganap sa amin. Ayaw kong ulitin ang maling desisyon na nagawa ko 6 years ago.
Malakas akong nagbuntong hininga. Ngunit tila kuryuso ako bigla kung ano ba ang mukha ng lalaking iyon kaya sa bandang huli. Binuksan ko ang wallet niya.
Unang bumungad sa akin ang plain front ng pitaka. Pagkatapos mga cards na nakasilid. Kinuha ko ang ID card nito at halos manginig ang katawan ko nang makita ang mukha at pangalan ng lalaking naka-one-night-stand ko noon.
"H-Hindi... Hindi pwede!" bulalas ko.
Nabitawan ko ang I'D at ang pitaka nito. Natulala ako nang wala sa sarili dahil ngayon ko lang na pagtanto. Kaya pala familiar sa akin ang mukha ng pasyenteng inaalagaan ko ngayon na isang US General Army ay dahil siya pala ang may nagmamay-ari ng mga gamit na nandito sa puting box. Siya ang lalaking nakakuha ng pagka-birhen ko noon. Oh heck!
Kelvis Brett Rivero- Half Filipino-American... He was just 22 years old when we had our one night stand. He is staying in America. He's a citizen there. He's also a billionaire.
Sinasadya ba talaga ito ng panahon? Bakit sa lahat ng pwede kong maging pasyente ang lalaking iyon pa?
Wait! Kilala niya ba ako? Naalala niya pa kaya ang nangyari sa amin noon?
Pinilig ko ang ulo. This isn't real right? Now, I felt really frustrated. Mukhang mahihirapan na akong humarap sa lalaking iyon lalo na't ako mismo ang kusang nagbigay sa sarili ko para may mangyari sa amin n'on. This is really ridiculous!
Wala ako sa sarili habang hila ko ang maleta papasok sa loob ng bahay ni Mr.Rivero. Nandito na ulit ako sa bahay niya. Dito na ako mag-stay. Pakiramdam ko, wala akong mukhang maiharap sa lalaking iyon pagkatapos nang mga nalaman ko.
Ilang beses akong lumunok para gawing normal ang araw na ito. Today is my second day of work as his private doctor.
Gustuhin ko mang umayaw rito sa trabaho pero may pinirmahan nga pala akong kontrata kay Mrs.Guerrero. Tinawagan ko siya kanina dahil plano kong i-pull-out itong trabaho ko bilang private doctor kay Kelvis pero nabigo ako sa nalaman ko.
"Hindi ka pwedeng umalis bilang private doctor ni Mr.Kelvis. May pinirmahan kang kontrata, Doc Devina. Nakasaad rito na kapag aalis ka... Tripleng bayad ang ibabalik mo kay Mr.Rivero."
"Bakit po? Kaya ko naman sigurong bayaran ang termination fee ko."
"It will cost a lot. Because your monthly salary will be 600 thousand. In just three months you will get One million eight-hundred thousands. You need to triple it. Kaya kailangan mong ibalik kay Kelvis ang halaga na umabot ng 5 Million."
My jaw dropped upon hearing the cost of terminating the contract.
"What? Magbabayad ako ng 5 million? Wala akong ganoong pera. I'm saving a lot of money, Mrs.Guerero. Kung ibabayad ko ito kay Mr.Kelvis. Para lang akong nagsusunog ng pera. Akala ko hindi umabot ng milyon ang babayaran!" Pumikit ako nang mariin saka nagbuntong hininga.
"Wala kang magagawa, iha. Kailangan mong tapusin ang kontrata mo hanggang sa matapos mo ang trabaho bilang private doctor ni sir Kelvis. Tiisin mo na lang ang tatlong buwan. I know you could make it."
Napahilamos ako sa aking mukha. Tila problemado ako ngayon. I'm in a big trouble.
"Ano pa ba ang ibang paraan para hindi ako makapagtrabaho kay Mr.Rivero?"
"Kung si Mr. Rivero mismo ang magpaaalis sa'yo. Iyon lang ang tanging paraan. Wala ka nang babayaran. You just need to wait until he fires you, Doc Devina."
Naisip ko na lang. Why not... Tapusin ko na lang itong kontrata ko. Three months lang naman. Makakaya ko naman siguro iyon. Isa pa, mukhang hindi na yata naalala ni Mr.Rivero ang nangyari sa amin. It was six years ago. Impossibleng maalala niya. Ako nga. Nakalimutan ko na sana pero dahil nakita ko iyong box bumalik sa akin ang lahat.
"Doc, Devina, nandito na pala kayo!" bati sa akin ng maid.
Napansin ko. Siya lang ang mag-isang katulong rito sa bahay ni Mr.Rivero. Paano niya kaya na-handle lahat ng gawain sa bahay gayong ang laki ng lilinisin niya. Nagpakilala siya sa akin kahapon. Siya si Manang Mathilda.
"Yes, Manang... Ipapasok ko lang po itong suitcase ko sa room."
"Naku! Ako na diyan, iha. Pinapatawag ka ni Mr.Rivero. Ang sabi ni ser, kapag nakarating ka na. Dumiretso ka na sa kuwarto niya."
Nabitawan ko ang suitcase na hawak. Mabuti na lang nakuha na agad ni Manang iyon.
"Po? Ngayon na talaga?" Lumunok ako.
"Aba'y, Oo... May problema ba? Namutla ka yata?" Kumunot ang noo ni Manang Mathilda.
"Ahm... Wala naman po. Hindi ko lang alam kung saan ang kuwarto ni Mr.Rivero."
"Sumakay ka lang diyan sa elevator. Didiretso na 'yan sa kuwarto ni ser." Tinuro niya ang elevator pagkatapos iniwan na ako ni Manang.
Nasa first floor ang kuwarto ko kaya hindi pa talaga ako naka-akyat sa second floor ng bahay na ito. Ang alam ko lang malaki at malawak ang bahay ni Mr.Rivero. Sobrang modern ang mga design. Marami ding tanim at mga aesthetic frames.
Inayos ko ang sarili pagkatapos sumakay na ako ng elevator. Akala ko isang elevator lang ito na kagaya ng mga hotel pero noong makapasok ako awtomatiko na itong umandar kahit wala akong pinindot. Kung sa bagay wala rin namang number button rito. It's just a plane elevator. Siguro sinadyang pinagawa ito dahil na rin sa kalagayan ni Mr.Kelvis.
Nang huminto ang elevator. Bumukas agad ito. At halos malula ako nang bumungad agad sa akin ang malaking kuwarto ni Mr.Rivero. Kahit medyo madilim dahil sa mga kurtina na natatakpan ang malaking glass wall. Hindi nabawasan ang ganda nito.
Pumasok ako sa loob. Unang nasilyan ko ang malaking king size bed sa gitna. May malawak siyang living area. Malaking television na akala mo nasa sinehan. Mga kagamitan sa paligid dahilan para mas gumanda ang buong kuwarto.
"Mr. Kelvis?" tawag ko rito. Sa pagkat hindi ko siya nakita rito sa loob.
Naglakad ako palapit sa bed side table niya. May laptop doon na nakabukas. May wallpaper siya roon na nakasuot ng army suit. May hawak siyang baril. May kasama siya roon sa picture. Isang babae na sobrang ganda. Nakahawak siya sa bewang nito at sobra silang magkadikit. They were both smiling. Sino kaya ang babaeng ito. Bakit ang ganda na para bang modelo sa ibang bansa.
"Devina!"
Lumukso ang dugo ko sa gulat nang marinig ang boses ni Kelvis sa unahan. Pagbaling ko sa kanya. Nasa veranda pala siya. Pumasok siya sa loob. As usual, sakay niya ang wheelchair. Walang emosyon ang kanyang tingin sa akin.
"Good afternoon Mr.Rivero. Pinapatawag niyo raw po ako." Ngumiti ako sa kanya.
Dumiretso siya sa laptop niya pagkatapos mabilis iyong tiniklop. Umatras naman ako palayo nang tingnan niya ako nang mariin.
"I'm glad you're here. I've been waiting you for so long."
"Medyo natagalan lang po ako sa pag-aayos ng gamit-"
"I don't want to hear an explanations. I need your help. I want to take a bath."
Natigilan ako sa sinabi niya. Kinurap ko ang mata. Ako ba ang magpapaligo sa kanya? Kaya ba pinapunta niya ako rito?
"Okay sir Kelvis...Ihahatid ko na kayo sa bathroom. Maligo lang po kayo, maghihintay lang ako dito sa labas ng banyo. Tawagin niyo lang ako kapag natapos na kayo," tikhim ko.
Tumalim ang titig niya sa akin.
"Are you stupid? Do you think, I can take a bath with myself?"
Umawang ang labi ko.
"S-Sir?"
"I said don't call me sir. Just call my freaking name, woman! How many times do I have to tell you that?!" sindak niyang sabi dahilan para maigtad ako.
"I'm sorry, Kelvis. Hayaan niyo nalang akong tawagin ko kayo nang ganoon lalo na't kayo ang nagpapasweldo sa akin."
"Tsk! Suit yourself... I need your assistance. I can't take a bath on my own... You know what to do." He raised his eyebrows. He is waiting my response.
"Uh... Sir, iyong paa niyo lang ang may deperensiya. Hindi po ang kamay niyo," dahilan ko pa kahit sa totoo lang. Namula na ako ngayon.
"Do you not hear me? I need assistance, Doc Devina. I can't stand up. What do you want me to do? Just sitting in my damn fúcking wheelchair while showering?" iritado niyang tanong.
Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Para sa akin, wala naman talaga 'yun, kung papaliguan ko siya pero iniisip ko pa lang na magkasama kami sa banyo habang tinutulungan ko siyang maligo. It's really hard for me, lalo na't may nangyari sa amin noon. I think, it's very awkward. O, ako lang ang nakaramdam nu'n.
"Okay, sasamahan na kita," pagsuko ko na lang.
"Akala ko ba, pinakamagaling na Opthalmologist doctor ka? Bakit hindi mo yata alam na kailangan ko ng kasama sa loob ng banyo lalo na sa kondisyon ko ngayon na mahirap gumalaw!" Iniling niya ang ulo. He seems disappointed. "Kung nandito lang ang bodyguard ko. I don't need your presence!" mariin niyang sabi.
Wala na nga akong magawa nang hinubad niya ang kanyang damit sa harapan ko. Tumambad sa akin ang matipuno niyang katawan.
Gosh! Of all my entire life as a doctor, ngayon lang ako nahirapan mag-alaga ng pasyente. Akala ko ba kaya ko lang ang lalaking ito. Bakit isang tingin ko pa lang sa kanya matatakot ka na. Iba siya kung tumitig sa akin. Pwede niyang panginginig ang buong katawan mo. Kahit sa simpleng salita niya lang, hindi mo na kakayanin.
"Do you need my help?" alok ko nang mahirapan siyang maghubad ng kanyang pajamas.
"Of course! I want you to take off my lower pants." Umayos siya ng upo saka hinintay na lapitan ko ito. Lumunok ako nang makita ang bukol sa kanyang gitnang bahagi, lalo na't grey pajamas ang suot niya. Bakat na bakat talaga.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib. Daig ko pa nagkaroon ng board exam sa pagiging kabado.
You can do this, Devina! Huwag kang magpahalata na apektado ka sa nangyari sa inyo noon. Hindi ka niya maalala na ikaw iyong babaeng tinakbuhan mo sa Hotel, kaya umayos ka!
Pagkatapos kong palakasin ang sarili. Lumapit na ako kay Mr.Kelvis para hubarin ang suot nitong pajamas. I can clearly see his six pack abs. His muscles and biceps. Bakit sobrang perpekto ng katawan ng lalaking ito? Kung sa bagay US Army nga pala siya. Batak yata sa training nila.
"Can you make it faster! Gusto ko ng maligo!"
Naigtad na naman ako nang sumigaw siya. Malapit pa naman ako sa kanya kaya rinig na rinig ko talaga ang bulyaw nito.
"I'm trying to get off your pajamas, Mr. Kelvis. Can you lift up your butt?" kalmadong utos ko.
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Inangat niya ang pwetan. Medyo yumuko ako para ayusin ang ginagawa. Binababa ko ang pajamas nito. Nakahinga ako nang maluwag nang may boxer shorts pa siyang suot. I pulled his pajamas down in his knees until I fully get it.
"Tara na sa banyo, sir Kelvis. Ihahatid na kita para makaligo ka na." Itutulak ko na sana ang wheelchair nito nang matigil ako sa sinabi niya.
"I want you to get off my boxers too. Hindi ako makuntento sa pagligo hangga't may suot pa ako."
Lumakas ang tibók ng puso ko. Seryoso ba ang lalaking ito? Ang kanyang boxers talaga? Aminado ba siyang babae ako at lalaki siya? Oh, hell! I felt like this is torture of myself!