CHAPTER 3: Mata

2157 Words
Alas singko pa lang ng umaga. Agad na akong bumangon para makapag-prepare sa pagpunta roon sa Rivero Residence. Pinasok ko talaga sa isipan ko na huwag akong ma-late sa unang araw ko sa trabaho bilang private doctor ng General Army. Ayaw pa naman nu'n na malate ako dahil sabi niya kapag na-late ako. Huwag na lang raw akong tumuloy dahil maghahanap siya ng papalit sa akin. Ako naman si masunurin. Alas syete pa lang ng umaga, nakarating na agad ako sa bahay ni Kelvis. Ang usapan ay dapat raw mga 9AM nasa bahay niya ako pero dahil ayaw ko talagang ma-late. Mas inagahan ko pa. Nagulat pa nga ang maid nang makita akong nasa sala nakaupo. Pinaghandaan niya ako ng juice saka pizza. Iyon na ang breakfast ko sa umaga na 'yun. Hindi kasi ako kumain sa kamamadali ko. "Tulog pa ho si ser, Doc. Hintayin niyo na lang po rito. Baba din po 'yun," sabi ng katulong na nag-aasikaso sa akin kahapon. "Okay...No problem." Nilabas ko ang laptop ko para tingnan ang email at records ng mga naiwan kong pasyente sa Hospital. Ang sabi ni Mrs.Guerrero sa akin. Sila na raw ang bahala sa mga pasyente ko. Dapat lang daw akong mag-focus sa pagiging private doctor ni Mr.Kelvis. Ngunit kahit na ganoon, gusto ko pa rin malaman ang bawat findings ng mga pasyente lalo na 'yung mga in-operahan ko. So far, they were doing fine. Sa sobrang busy ko kababasa ng mga records sa laptop. Hindi ko namalayan na alas nwebe na pala at napatagal ang atensyon ko sa ginagawa. Narinig ko na lang na may tumikhim sa aking likuran. Tiniklop ko nang mabilis ang laptop pagkatapos tumayo para tingnan ang nasa likuran ko. Nanlamig ako nang makasalubong ko ang titig ni Mr.Kelvis. Kung paano ko siya unang nakita kahapon. Ganoon rin ang nangyari ngayon. Kabubukas lang ng elevetor. Sakay pa rin siya ng wheelchair. At nasa likuran niya si Frias. Ang kanyang bodyguard na siyang tumulak sa kanyang sakay na wheelchair palabas ng elevator. "Good morning, Mr.Kelvis Rivero. It's nice to see you again." Lumawak ang ngiti ko rito. He just looked at me from head to foot. Alam kong pormal na ang suot ko ngayon. I'm wearing my blue jeans and a simple t-shirt. Pinatungan ko lang ng white lab coat na suot ko sa tuwing nasa hospital ako. "There's nothing good in the morning." Nagkasalubong ang kanyang kilay. Umawang ang labi ko. Wala na naman sa mood ang lalaking ito. Ano bang problema niya at mainit ang ulo niya sa akin? Kahapon pa siya ganito. Pinaglihi ata sa sama ng loob. Pinatigil niya ang wheelchair sa mismong harapan ko. Klaro ko na ngayon ang ka preskohan niya. Mukhang galing pa siya sa pagligo sa pagkat fresh look ito at maayos ang kanyang buhok. He is really good looking. Kahit saang anggulo tingnan. Mapapanganga ka sa kagwapohan niyang taglay. "How do you feel right now, sir?" pag-iiba ko sa usapan. Baka kasi insultuhin na naman ako ng lalaking ito. Ayaw kong mapigtas ang pasensiyang binigay ko sa kanya. Dapat kalma lang ako. "As you can see. I'm not really good until now... This is your first day, right? You need to take care of me from now on. Papaalisin ko na ang bodyguard ko magmula ngayon. You will be responsible to me." Pinatong niya ang dalawang siko sa armrest ng kanyang wheel chair. He is directly looking at me calmly. "What do you mean by that Mr.Rivero? Bakit niyo papaalisin ang bodguard niyo?" Dumaan ang iritasyon sa kanyang mata, tila ba may sinabi akong hindi maganda sa pandinig nito. "I told you. Call me using my name, woman. I don't want to hear you calling me like that. It's too formal. You are my doctor, so treat me like a normal patient," masungit niyang sabi. Hindi na sinagot ang katanongan ko. Pinuno ko ng hangin ang dibdib para hindi sumabog sa inis sa lalaking ito. Kung hindi lang talaga siya pasyente at normal na tao lang ito na nakilala ko basta-basta. Baka binabara ko na sa sobrang irita sa ugali niya, pero dahil isa nga lang akong pinapaswelduhan ng lalaking ito. Tanging ngiti ang binigay kong sagot sa kanya. "My bad sir Kelvis. I really forgot. Nasanay lang kasi ako na pormal akong tumatawag sa pasyente ko ng ganoon." "I don't want to hear any explanations of you. Sundin mo na lang ang sinasabi ko." "Masusunod sir Kelvis-" "Drop the sir, will you?" asinta niya sa mariin na boses. Nilagay ko lang dalawang kamay sa likuran saka doon kinuyom ang kamao. Ang sarap manuntok ng lalaking naka wheelchair ngayon. Dagdagan ko kaya 'yang bandages niya sa paa? Ang daming arte ng Kelvis Rivero na ito. "Okay... Sir-- Uhm... I mean... Kelvis. Ano'ng gusto niyong mangyari ngayon?" Pinakita ko pa rin ang ngiti ko kahit inis na inis na ako sa kanya. Mukhang dito na yata mapigtas ang pasensiya ko. Daig ko pa ang nag-alaga ng batang walang modo. "As i have said... Aalis na si Frias ngayong araw. You will be his substitute. Sa'yo na nakasalalay lahat ng pag-aalaga. Maski sa pagkain ko, sa kalusugan ko. Hanggang sa gumaling ako." Nakatitig lang ako rito. Parang nahihiwagaan ako sa kanya sa tuwing straight siyang mag-tagalog. Kahit fluent siyang magsalita pero nakakapanibago lalo na't para talaga siyang foreigner sa paningin ko. "No problem, Kelvis. I will take care of you. Lahat ng utos niyo susundin ko." "Then, where is your things, Doc Devina?" Nagtaas siya ng kilay. "Things? Do you mean my medical kit?" takha kong tanong. "A side from that." "I'm bringing my laptop. Huwag kayong mag-alala nasa akin lahat ng records niyo-" "Are you stupid? I'm talking about your damn fúcking clothes!" Naigtad ako sa biglaang sigaw niya. Hindi ako nakahanda roon. Umaalingawngaw ba naman sa buong bahay niya ang baritono niyang boses. Halos panliitan niya ako ng mata. His sharpen eyes darted on me irritatedly. "I'm sorry for misunderstood your statement. Hindi ko makuha agad dahil wala sa usapan kahapon ng bodyguard mo na magdala ako ng damit ngayong araw. Obviously, I'm only bringing my laptop and my medical kit," mariin ngunit kalmado kong sabi. Tumitig si Kelvis sa akin gamit ang blangko niyang tingin. Sumandal ito sa kanyang wheelchair nang maayos. "Well then... You already know that you need your clothes. Because from now on. You will stay here in my house." Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi agad ako nakapagsalita. Prinoseso ko pa sa isipan ang sinabi niya. "Teka? Wala sa usapan na dito ako titira. Hindi 'yan ang sinabi ni Mrs.Guerrero sa akin. I won't live here. I have things to do in my life. My trabaho pa ako sa hospital every weekends. I can't be your full time doctor." "Don't worry... You still have time do that. Hanggang week days ka lang nandito sa bahay ko. Kapag weekends pwede kang bumalik sa tinitirhan mo at magtrabaho sa hospital." Tila nakaluwag-luwag ang damdamin ko sa narinig. Akala ko talaga, dito na ako magkukulong sa bahay niya. That's so boring for me. I have a life too. "Why would you like me to stay here, sir Kelvis?" Kinagat ko ang labi nang mamali na naman ako sa pagtawag niya ng 'sir". "Are you nuts? You're my private doctor. Of course, I need medical attention twenty-four-seven. Gusto kong gumaling agad para makabalik na ako sa ibang bansa para magpatuloy sa trabaho ko bilang General Army. If you're worried about your salary. I'll make it 600 thousand per month..Satisfied with my answer?" he said annoyingly. Makukurot ko talaga ang kasupladuhan ng lalaking ito. Ang sarap niyang bigwasin, kundi lang talaga siya naka wheelchair baka binalian ko na ito ng isang paa. "If that's the case. Dadalhin ko ang mga gamit ko sa bahay niyo. Uuwi ako bukas sa tinitirhan ko para kumuha ng gamit." Natapos ang mahabang usapan na 'yun na tila na-drain ako bigla. Iniisip ko pa lang na mananatili ako sa bahay na ito hanggang sa gumaling na siya. Parang ang hirap para sa akin, lalo na't hindi ako sanay na natutulog sa bahay ng ibang tao. Pero dahil sa malaking offer niya. Napa-Oo niya ako ng wala sa oras. Wala e! Naging private doctor ako bigla ng masungit na General na ito. Sa araw na iyon. Wala namang masiyadong nangyari. Nilinis ko lang ang sugat niya sa paa. Nagkaroon iyon ng 3rd degree burn na umabot hanggang sa hita niya. Kailangan linisan araw-araw at palitan ng bandages. May sprained din siya sa kanyang ankle. Which isn't good kaya hindi siya makalakad. "Ano'ng sanhi ng pagkasunog ng halos buong paa mo, sir? Pwede ko bang malaman?" saad ko habang tinitingnan ang hita nito pababa sa kanyang paanan. Para iyong na lapnos ng mainit na mantika sa grabeng pinsala. Akala ko hindi siya sasagot sa pagkat nang inangat ko ang atensyon sa mukha niya. Nahuli ko siyang nakatitig sa ginagawa ko. "We've been in Myanmar for 2 weeks, fighting the terrorists. There's a grenade throwing on us. I tried to kicked it using my feet, ‘cause I don't have a choice. As a result natamaan ng granada ang paa ko. As you can see, there's a lot of burning skin in my left leg. Nagkaroon din ako ng sprained dahil natumba ako pagkatapos kong patirin ang granada." Tumango-tango ako pagkatapos tinapos na ang pagbandages ng kanyang paa. "I see. Mabuti na lang hindi naputol ang paa niyo sa delikadong ginawa niyo, sir Kelvis." Sinunod ko namang tiningnan ang isang mata niya na nakatakip ng hugis bilog na bandages. Kahit papaano kalmado na siya ngayon. Sumasagot na rin ng maayos. Pansin kong napatitig lang siya sa akin habang chini-check ko ang mata niya. I put light in his eyes so that I can see what happened in his cornea. "Hindi ka na ba nakakita rito?" Medyo nilapit ko ang mukha para mas makita kung ano'ng nangyari sa kondisyon ng mata niya. "It's blurry... And sometimes it's getting pain whenever I tried to see clearly." Tumango-tango ako. Hindi ko namalayan, sobra na palang lapit ng mukha naming dalawa. Tumitig ako sa isang mata nito na hindi naman na apektuhan. The blue ocean eyes of him can make me shivers. Kahit wala siyang emosyon para akong lalamunin ng titig niya sa akin. His pointed noses and his darken eyes. Pati ang makapal niyang kilay at pilikmata mas nadepina ang mukha niya. Mas gumagwapo pala siya kapag sa malapitan. Iyong tipong isang dangkal na lang ang agwat sa aming dalawa. Mas klaro ko ang perpekto niyang mukha. "Are you checking my face or checking my eyes?" walang gana niyang tanong. Na tila ba normal na lang sa kanya na titigan siya ng matagal sa isang tao. "Uhm..." Tumikhim ako saka umayos sa pagkakayuko. Nilihis ko ang tingin sa mata nito na kasalukuyan kong chini-check. "Uh... You need operation of your eyes. Nagkaroon din siya ng burning sensation in your pupil kaya malabo ang paningin mo. It will cause into blind kapag hindi ka agad na operahan. Pwede ring maapektuhan ang normal mong mata. An injury to the eye can cause lasting damage, especially if left eye untreated." Marami pa akong sinasabi sa kanya. Gladly his eyes can be fix again through surgery. Maibabalik pa sa dati ang kanyang eyesight kapag natapos ang surgery nito. "How long should I need to take a rest after treatment and operation?" "You need 2-3 months bago ulit bumalik sa normal ang lahat." Tinuldokan ko ang sinusulat ko sa papel nang matapos ako sa pag-check sa vitals niya. "That's too fúcking long. Hindi ako sanay na walang ginagawa. I need to work." "Wala kang magawa sir Kelvis. Dahil 'yun talaga ang kailangan mong pahinga kung gusto mo talagang gumaling." Sinuyod niya ang buhok gamit ang daliri pagkatapos kumunot ang kanyang noo. "Then you were staying in my house for at least 3 months, Doc Devina for my fast recovery." Natigil ako sa pag-aayos ng medical kit. Tumitig ako sa kanya saglit. Naabutan ko siyang pinanood ang ginagawa ko bago niya inangat ang tingin sa akin. "Not a problem, Mr.Kelvis. As long as makikinig ka sa bawat sasabihin ko. Mas mabilis ang recovery mo." Ngumiti ako sa kanya. He just looked at me with an emotionless face, before he clicked his tongue. "Then do your job well..." Inikot niya ang wheelchair para sumakay na siya pabalik doon sa elevator. "You can take a rest now. My maid will guide you in your room. Make sure tomorrow you already bring your clothes." Pinagmasdan ko lang si Kelvis na pumapasok sa loob ng elevetor. Habang pasarado ang pintuan nito. Hindi niya man lang ako binalingan ng tingin hanggang sa tuluyang na ngang magsarado ang elevator. Naiwan ako sa sala na iniisip pa rin kung bakit tila familiar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya dati... Lalo na ang mga mata niya. Parang nakipagtitigan na ako nang ganoon. Hindi ko lang maalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD