CHAPTER 2: Insulto

1840 Words
Ilang beses kong chineck ang phone ko kung tama ba ang binigay na address ni Mrs.Guerrro sa akin. She only texted me the address of my patients. The rest, ako na raw ang bahalang umalam sa kondisyon ng General Army, kapag nakarating na ako rito sa bahay noong taong iyon. Ang sabi niya mahihirapan daw ako dahil strikto ang lalaking iyon. Kung sa bagay, General Army ba naman ang aalagaan ko. For sure matanda na 'yun at bugnutin lagi. Normal na lang sa akin ang mag-alaga ng ganoon pero alam kong mapaamo ko naman agad. I have already faces many patients before. Hindi na bago sa akin ang mag-alaga ng matanda. Tinanaw ko ang malaking gate na nasa harapan ko. Ilang beses akong nag-doorbell. Bumukas ang front gate. May bumungad sa akin na security guard. Tinanong niya kung ano'ng sadya ko rito. "Dito ba nakatira si Mister... Uhm..." Tiningnan ko ulit ang pangalan noong General Army sa aking phone. Dito kasi naka-save ang data ng pasyente. "Si Mr.Kelvis Brett Rivero." Tumingin ulit ako sa security guard. Kumunot ang noo ng kausap ko. Tiningnan niya ang kabuuan ko. Sinuri ako ng tingin. "Pwede bang malaman kung sino kayo?" "I'm Dr.Devina Shania Salazar... Ako ‘yong naka-assign na maging private doctor ni Mr.Rivero." Pinakita ko sa kanya ang ID card. "Ah! Ikaw pala 'yun, Doc... Nasa loob ang hinahanap mong tao. Kanina pa siya naghihintay sa'yo. Sa susunod huwag mong tagalan sa pagdating. Ayaw ni Mr.Kelvis ang late...Pumasok ka lang sa loob. Hintayin mo siya sa sala." Pinagbuksan ako ng front gate. Sa labas pa lang napahanga na ako sa malawak na garage at bermuda grass. Lalakarin ko pa nang halos isang minuto galing sa gate patungo sa malaking bahay. Pagkapasok ko sa malaking bahay, nalula ako sa laki ng bahay ng US Army na magiging pasyente ko ngayon. His house is full of glass and so modern. Pang-ibang bansa ang bawat enterior niya. Foreigner na matanda ba talaga ang may-ari ng bahay na ito? Bakit tila walang classic design akong nakikita. "Hello po, Ma'am. Ikaw ba 'yung doctor ni Mr.Rivero?" "Yes, ako nga." May sumalubong sa akin na isang maid. Giniya niya ako patungo sa malawak na living area. She also gives ma an orange juice and a cake. Sobrang tahimik ng bahay pero maaliwalas ang buong lugar. Mula rito sa living area natatanaw ko lang ang magandang infinity swimming pool sa pinakalikod ng bahay. I looked at above, which is the ceiling. The crystal chandelier is the only thing that can make the house looks so perfect. "Pakisabi kay Mr.Rivero na nandito na ako. I'm his doctor," ngiting sabi ko sa maid. "Sasabihin ko po, pero sa mga oras na ito Ma'am. Nasa shower pa ho si ser. Maghintay lang po kayo saglit." "Okay. Thanks." "Kanina pa ho siya naghihintay sa inyo. Naiinip na nga po kaya naligo na lang muna si ser." "My bad... Akala ko okay lang na medyo matagalan ako." "Naku, Ma'am. Sa susunod huwag niyo po itong ulitin. Ayaw po ni ser Kelvis na pinaghihintay." I nodded my head. Ininom ko ang orange juice na hinanda ng maid sa akin. Kung ganoon, tama nga talaga si Mrs.Guerrero. Sobrang strikto nga talaga ng matanda. I haven't seen his face yet, walang picture ng taong iyon ang nasa data na naka-email sa akin. Tanging mga kondisyon ng kanyang katawan lang ang nandoon. Maski personal details wala rin. Only his name is on it. Kalmado lang ako sa aking upuan. I need to relax. I'm really confident right now na magagawa ko ang unang trabaho ko. Sa totoo lang, this is my first time na tumanggap ng ganitong offer. Ang maging private doctor. Mostly I decline whenever I have an offer like this. Na engganyo lang talaga ako sasahurin. Malaki na rin 'yung 500 thousand a month. Halos buong taon ko pa yata 'yang pagtatrabahuan sa hospital bago ko maipon 'yun. I'm saving money for good kaya kailangan ko rin talaga ng malaking pera. Plano kung magtayo ng sarili kong hospital. Halos nangalahati na ako sa juice nang marinig kong may tumunog sa pinakalikod ko. Pagtingin ko, nanlaki ang mata ko nang makitang isang elevator iyon. Mas lalo akong humanga. This is my first time seeing, na may elevator ang isang bahay. Agad akong tumayo para salubungin ang lalabas doon. I'm ready for my smile on my lips. I think...Si Mr.Kelvis Rivero na ito. Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng elevator. Nang tuluyan itong bumukas. Bumungad sa akin ang lalaking nakaupo sa wheelchair. Seryoso ang mukha. And he is so young... When I say young... Parang ilang agwat lang ng edad ang meroon kaming dalawa. He's not that old man like I could imagine. Natanga ako nang wala sa oras. I was really expecting na isang matandang panot ang pasyente ko pero sa mukha niya pa lang. Alam kong bata pa lang ito pero mas matanda siya sa akin ng kaunti. Kahit nakaupo lang siya sa wheelchair. I know that he is taller than me. His muscles are big also his biceps. Katawan niya pa lang, alam mo talagang sumabak na sa pagiging army. May takip na bandages ang kaliwang mata nito. And the other eyes of him is still in good condition. Nakakita pa ng maayos. Buong akala ko bulag na talaga ang pasyente ko. Ang kaliwang mata lang pala ang may deperensiya. Ngunit kahit na ganoon hindi nababawasan ang kakisigan niya. Mariing tikom ang kanyang labi. Makapal ang kilay at mapupula ang labi ng lalaki, sobrang tangos ng kanyang ilong at sobrang puti. Nagtitigan kaming dalawa. I can't speak any words. Nakakalula ang kakisigan niya. He's blank stare darted on me. He raised his eyebrows when I swallowed so hard. "Good afternoon. I guess you are my patient, Mr.Kelivis Brett Rivero?" nakangiting bungad ko nang makabalik na ako sa aking huwisyo. Unang beses na matulala ako sa isang lalaki. Para kasing anghel na bumababa ang lalaking ito at nagpakita na lang bigla sa harapan ko. Natulala tuloy ako. His face are foreigner. Para kang kakainin sa blue niyang mga mata. Ang ganda nu'n pagmasdan. Unti-unting nawala ang ngiti ko. Hindi man lang siya bumati pabalik. Kahit sagutin ang tanong ko. Maski magbago ang kanyang ekspresyon. Hindi nangyari. May lalaki sa kanyang likuran na parang bodyguards niya. He's wearing a formal black suit. Tinulak nito ang kanyang wheelchair palabas ng elevator para lapitan ako. Mas klaro ko ngayon ang bandages ng kanyang isang paa hanggang sa hita nito nang nasa malapitan na si Mr.Kelvis. "By the way. I'm your private doctor Devina Shania Salazar." Muli kong pinakita ang ngiti ko. Naglahad rin ako ng kamay. Tiningnan niya lang ang kamay ko sa blangkong mga mata. Bigla akong napahiya nang lumihis siya ng tingin para kausapin ang bodyguards niya sa likuran. "Can you tell me all about her, Frias? I wanna know her background," malamig niyang sabi. Binaba ko ang kamay at tinago sa likuran. Ako ba ang pinahiwatig niya? Gusto niyang malaman ang background ko? Pwede naman niyang tanongin sa akin. "Copy that sir." Naglabas ng tablet 'yung Frias na bodyguard niya. May binabasa siya roon tungkol sa work background ko. "Her full name is Devina Shania-Corteza-Salazar. She studied medicine in La Salle, before she became an Ophthalmologis. Nakatanggap rin po siya ng tatlong certificate sa kanyang pagiging magaling na doktora. Lahat ng pasyente niya, gumaling agad pagkatapos ng operasyon. She has no bad images during her intern school. She's also a business woman..." Tumigil ang bodyguard nito nang tinaas ni Mr.Kelvis ang kanyang kanang kamay. "That's it... I just wanna know kung marunong ba'ng mag-aalaga sa akin ang babaeng ito. I don't want a stupid doctor who makes my condition even worse." Umawang ang labi ko dahil fluent itong mag-tagalog. Sa sobrang pagka-foreign ng kanyang mukha akalain mo talaga na isa siyang pure American. He has a blue eyes na parang dagat. Sobrang puti na parang bampira. All I can say... He is really handsome. Pero, suplado. "Based on her information Mr. Rivero. Magaling po ang doctor na kaharap niyo ngayon. Siya po ang ni-recommend ni Mrs.Guerrero." Taas noo naman akong tumingin kay Mr.Kelvis. I'm really proud of myself dahil wala akong panget na background check na nakalap nila. "I'm really sure that I can assist you Mr.Rivero. Magagawa ko po na alagaan kayo sa abot ng makakaya ko. You can trust me." Ngumiti ako nang malawak. Walang ganang tingin ang ginawad ng lalaki sa akin. He looked at me from head to foot. Nagtagal ang titig niya sa pencil skirt kung suot. Nasa kalahati ng hita ko 'yun ang haba. I'm also wearing a sleeveless croptop. I felt conscious. Nang dumaan sa kanyang mga mata ang saglit na iritasyon. "I don't want to see you wearing like that inside my house. Are you trying to seduce me, woman?" "Po?" I blinked my eyes. Hindi agad nakasangga sa diretso niyang tanong. "Are you a slút or a doctor?" insulto niyang sabi. Napaawang ang labi ko. Gusto kong magalit sa tawag niya sa akin. Did he call me slút? "H-huh? Ito po talaga ang normal kong suot kapag wala ako sa hospital. Kung ayaw niyo sa suot ko... Bukas, papalitan ko ito." Kahit uminit bigla ang naramdaman ko. Nagawa ko pa ring maging kalmado. Trabaho ko na rin yata ang pa-amuhin ang lalaking ito. Simula noong makita niya ako kanina, hindi ko man lang nakita na ngumiti ito sa akin o maski batiin ako. In a nice way. Hindi ko alam kung normal ba sa kanya ang ganito.He's really cold to me. Na para bang may nagawa akong kasalanan sa kanya. As far as I know, this is our first meet. Kaya bakit halos iritado siya sa presensiya ko. "Be professional... Nandito ka para alagaan ako. Hindi para gawin mong pasyalan ang bahay ko!" "I'm really sorry Mr.Rivero." "Kelvis... That's my name," malamig na naman nitong sabi. "I'm really sorry Mr-Uhm.. sir Kelvis." Narinig ko ang pagtikhim niya bago niya inikot ang kanyang sakay na wheelchair. Tinalikuran na niya ako. "Bukas ka na magsisimula sa trabaho mo. Don't be late just like you did today. Once you're late tomorrow. Huwag ka ng tumuloy. You are fired. I'll find another doctor who's responsible for the job..." "Okay sir Kelvis. Hindi po ako-" "I have to go. My bodyguards will explain to you what you should do tomorrow." Sinundan ko siya ng tingin. Hanggang sa makapasok siya pabalik ng elevator. Hinatid siya ng kanyang bodyguard. Naiwan naman ako rito na nakatunganga. I'm just looking at him. Maski sulyapan ako sa gawi ko hindi niya ginawa hanggang sa tuluyang magsarado ang elevator. Naiwan kami ng bodyguard niya rito sa sala. "Doc. Devina, shall we?" alok niya sa upuan. Tinikom ko ang naka-awang na bibig sabay tango. Bago 'yun naglabas ako ng mabigat na paghinga. Muli kong pinagmasdan ang elevator na nakasarado. Mukhang mahihirapan ako sa lalaking 'yun. Pananalita pa lang niya, parang lalamunin ka na sa kahihiyan dahil sa matabil niyang bibig na prangka kung magsalita. Tsk! What's his problem with me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD