Pagkarating ng kotse sa garage ng bahay ni Kelvis. Bumaba na ako sa aking sasakyan . Diretso akong pumasok sa loob. Ngunit ipinagtaka ko dahil patay na ang ibang ilaw at tahimik na rin sa bahay ni Kelvis. Tulog na yata si Manang Mathilda. Kung sa bagay, malalim na pala ang gabi. Alas onse na ako nakarating rito. Lagpas na sa binigay na oras nang lalaking iyon. Pumunta muna ako sa kuwarto ko para magbihis saglit ng pantulog. Isang terno pajamas lang. Pagkatapos pinuntahan ko na si Kelvis sa kanyang kuwarto. Sumakay ako ng elevator. Pagkabukas ng pinto. Napakunot noo ako dahil tanging dim light ang bumungad sa aking ilaw sa loob ng kanyang silid. Iniisip ko tuloy ngayon kung nandito rin kaya si Carmilla? ‘Di ba kasama niya iyong umalis kanina pagkatapos naming makipagkita sa magulang ni

