We were welcomed with an elegant ambiance. Nakakapit ako ng mahigpit kay peter dahil sa kaba lalo pa at nakasuot ako ng killer heels na may six inches ang haba. Hindi pa naman ako sanay na dumalo sa mga gatherings tulad nito na halos lahat ay mga kilalang tao. Puro business meetings at gatherings lang ang madalas kong puntahan!
"Relax, dear." Bulong ng katabi ko. He looks manly on his gray tuxedo hindi mababakasan ng kahit anong kabalikuan sa katawan.
"I'm trying," I took a deep sigh to calm myself. Muntik pa akong mabuwal buti na lang at nakakapit ako kay peter kung hindi ay baka nakagawa na ako ng kahihiyan!
"Woah! Pete! It's good to see you here." Lumapit ang isa sa kakilala siguro ni peter. Madalas ko siyang makita sa mga billboards at magazines, hindi ko alam na bigatin pala mga kaibigan nitong baklang 'to.
" Haha! I'm glad to see you too, Albert." Nagkamayan pa silang dalawa pagkatapos ay binalingan ako ni Albert at inabot ang kamay ko. Akala ko pa ay makikipag kamay din pero nagulat na lang ako nang dinampian niya ng halik ang likod ng palad ko.
" This is Albert my friend dear and Albert this is my date for tonight, Paige." Pakilala ni peter at pinalis ang kamay ni Albert na nakahawak pa rin sa kamay ko.
Awkward ko lang silang nginitian at nagpakilala. Normal lang naman ang paghalik sa pisngi o pag beso kahit pa sa likod ng kamay. Pero hindi ako masyado mahilig sa physical touch lalo pa at ngayon ko pa lamang nakilala. Tanging firm shake hands lang talaga lalo na tuwing may naco-close akong deals.
"Nice meeting you, Sir." Professional kong saad.
"My pleasure to meet you. I didn't even know such beauty exist. Are you a model?" Tanong pa nito na may halong bola
"No, Sir. I don't intend to be one as well." Magalang ngunit may pagka-distant kong sagot. Kilala ko ang ganitong mga galawan, mabubulaklak ang mga salita bago maghihintay ng pagkakataon para sumunggab sa bibiktimahin nila. May itsura din naman itong si Albert at kilala itong artista pero magkabilaan ang mga issue at dami ng mga nalilink ditong mga artista at models.
Inapakan ko sa paa si Peter at sinenyasan na hindi ako komportable kausap ang lalakeng kaharap.
I have business to do. Sinasayang niya ang oras ko.
"Oh please excuse us, Albert. I'll make her sit for awhile." Nakangiti naman na tumango ang kausap kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.
Pagkaupo ay mabilis din naman ako iniwan ni peter dahil maghahanap daw muna ng papabel niya, palibhasa hindi sumama si Elesse dahil may gagawin pa raw itong mahalaga. Mahalaga pa sa boss niyang si Peter.
Natampal ko na lang ang noo dahil hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Mr. CEO. Malakas pa din akong napabuntong hininga dahil maski pangalan nito ay hindi ko alam.
Kung hindi lang naka ayos ang buhok ko ay baka kanina ko pa ito ginulo dahil sa frustration na nadarama.
Hindi pa man umiinit ang pwet ko sa bangko pero namataan ko na agad si Albert na papunta sa direksyon kung nasaan ako, may hawak pa siyang inumin sa magkabilaan niyang kamay. Mukhang naka-target lock sa akin ang atensyon ni gago.
Bago pa man siya makarating sa pwesto ko ay mabilis na akong sumibat at kunwaring pupunta sa restroom. Malaki ang trust issues ko sa mga parties simula n'ong college ako ay minsan akong niyayakag ng mga kaklase ko sa mga night clubs at parties at muntikan na rin akong mapagsamantalahan just because of a fvckin' drinks! Malay ko bang hinaluan pala 'yon.
I accidentally bump someone and I almost stumbled because of my stupid heels, luckily someone caught my waist and supported my balance. Mahigpit akong napakapit sa malapad niyang dibdib, hindi ko namalayan na nagusot ko na pala ang suot niyang suit.
Nakakahiya! Naka-abala pa ako!
Pinagpagan ko ito ang nagusot na parte at inayos kahit na tanging rumerehistro lang sa utak ko ay ang katigasan ng dibdib niya. Napatingin ako sa mukha niya nang hinuli niya ang palapulsuhan ko kaya naman ay nakita ko ang mga mata niyang tila ba hinahalukay ang loob-loob ko.
"Pa..pasen- I mean, I'm sorry." I fixed myself after I came back to my senses. I've stared at him for minutes, nahihiya ko pang pinahid ang gilid ng labi at baka tumulo na ang laway ko nang hindi ko man lang napapansin.
He's handsome! Isa na namang diyos ang pinalayas sa Mt. Olympus.
"Love...." I stepped backwards when his hands touches my face. Napapaso ako. Sino ba ang taong 'to?
How could his voice enlightened my almost lifeless soul.
"Do you call that with everyone you meet?" I asked. Gulat parin ang nakarehistro sa mga mata niya pero agad din nagbago dahil sa tanong ko.
Namamangha niya akong tinignan mula ulo hanggang paa, tinubuan din ako ng hiya dahil para bang nakikita niya sa akin lahat.
Nasaan na ba kasi si Peter? Bakla kang talaga!
"You've grown. My litte flower, is now in fully bloom., eh?" He said more likely to himself while taking a few big stepped forward as he corners me between the wall. Madilim sa parte na ito at malayo sa mga tao.
We stared at each other and I can't take away my eyes off him. As if I am enchanted at the moment.
As if something wants to come out from the deepest part of my memory core. Pero hindi ko mawari kung ano.
Nagulat ako nang bigla niyang pabalang na nilagay ang kamay sa gilid ng ulo ko kaya walang malay ko siyang nasipa sa pagitan ng mga hita niya. Tila ba may narinig akong nabasag at takot ko siyang tinignan na namimilipit sa sakit.
"You startled me! It's your fault!.... Ghad! Bakit ba naman Kasi ako pumunta pa dito." I voice out loud at ginulo ko na nga ang buhok dahil sa pinaghalong inis at frustration na kanina ko pa pilit iniiwasan.
"You broke it.... Urgh!" Pilit niyang usal kahit na nahihirapan.
"Palitan na lang natin 'yan ng bago.." I stupidity said as if he'll understand me. Halos mapudpod na rin ang mga kuko ko dahil sa kaba. Baka naman kasi isa siyang kilalang artista o model at sampahan pa ako ng physical harassment or malala ay attempted murder ng mga sperm cells niya.
"Change using a chicken egg? Ha ha. Don't make me laugh, how can we make babies now if you've broke it?" He hissed. Napanganga na lang ako at naintindihan niya, eh mukha naman wala siyang lahing Pilipino. Mukhang fvck boy pwede pa.
"Tsk. Maiwan na nga kita, serves you right. " Inis ko pa siyang sinipa sa tagiliran na dagdag sa pamimilipit niya. He even cursed me multiple times, but I don't care. At least nakaganti ako physically hehe.
'Di ko inaasahan na mababastos ako ng ganito! Randam ko ang paguusok ng Tenga at ilong hanggang sa makalabas ako ng Hotel na pinagdarausan ng party.
Hindi ko na rin hinintay o hinanap man lang si Peter. Paniguradong nagmomotel na ang accla kasama ang kung sino man'g nabingwit niyang pontio pilato, basta ako uuwi na. Halata naman na fake news lang na nandito ang C.E.O ng tanyag na kumpanya sa business world.
Pumara lang ako ng taxi at nakita ko pa ang kaguluhan na naganap sa lugar bago sila nawala sa pangingin ko. May mga nagdatingan pa ngang mga men in black at mga mukhang personal bodyguards.
Hindi naman siguro kilalang personalidad ang nabasagan ko ng kinabukasan, diba? Sana lang talaga at baka balikan ako, paniguradong ako ang mawawalan ng kinabukasan kung ganoon.
Inabangan ko ang mga araw kung kailan may kakatok sa pinto ng condo ko at papakitaan ako ng warrant of arrest. So far wala namang ganung pangyayare. Tahimik parin ang buhay ko.
"What do you think, Mr and Mrs Jones? This land is good for family reunions, vacations and other type of gatherings. You can built resorts in here " I suggested to the two newlywed couple in front of me . I bought underdeveloped lands and develop it, pinapaganda ko pa ang lugar 'saka ko pinagbibili sa malaking halaga.
" You got us there Ms. Madrid. My wife here has been in love with that land for almost a decade now." Papuri ni Mr. Jones at pinagsalikop ang kamay nilang mag asawa. A bright red light is glowing around them emphasizes how strong their love for each other.
"Thank you for the compliment, Mr Jones. It's my pleasure to strengthen more your relationships with your wife." I genuinely smile at them before ending our business meeting. It's a success for the both of us but the envy is carved in my heart. I shook my head and let out a sigh before gulping all my coffee.
"Alam ko naman na hindi na ako pa-bata. Hanap kaya 'ko ng jowa." I pouted. Ako lang din naman mag isa sa office ko kaya nagagawa kong umakto na parang bata.
Nakakabored din kayang maging single-hot rich independent woman. Wala man lang spice ang buhay ko o kahit thrill man lang. Everytime I tried to flirt, this red strings hinders me. Parang parating pinapamukha sa akin na may kanya-kanya silang destinasyon in terms of love na may taong nakalaan para sa kanila at baka ako lang din ang masasaktan sa huli.
Nagpaikot-ikot pa ako sa swivel chair ko habang nakasalikop ang mga daliri sa kamay nang may mag pop sa email ko. I lazily tap my phone at agad din itong bumagsak sa marmol na sahig.
"Madame, the CEO of W. E. Invited you for their 5th annual celebration in their main headquarters in the Philippines." Biglang sumulpot sa tabi ko ang aking sekretarya na si Adelle hawak ang Ipad nito.
" Yeah, nabasa ko nga. " I state the obvious bago siya inutusan na ipagtimpla ako ng panibagong kape.
Wala pa nga akong ginagawang hakbang sa W. E. pero inimbitahan na ako mismo ng CEO. Nakapagtataka naman, hindi naman gan'on ka laki ang kumpanya ko sa katunayan nga ay nagsisimula pa lang ako sa business industry.
Malaking impact rin naman sa negosyo ko kung magkakaroon man ako ng koneksyon sa malaking kumpanya na katulad ng W. E. Pero sa kabilang banda ay hindi ko lang mawari kung bakit ako kinakabahan.
Was it because I am afraid to return to my own country? Naisipan ko na rin naman na bumalik o 'di kaya ay mag bakasyon sa pilipinas pero hindi pa ako handa harapin kung ano man ang mga bagay na naiwan ko sa bansang 'yon.
"Your coffee Madame. Don't stress yourself too much, tatandang dalaga po kayo agad n'yan." Usal ni Adelle pagkalabag niya ng kape ko sa salamin na desk.
"Kakaltasan ko ang sahod mo." Bumusangot naman agad ang mukha nito na ikinatawa ko.
"Ang pangit mo talaga mag joke Madame," Sabi niya saka nagmartya palabas ng opisina ko.
She's my Filipino-American secretary Adelle. Her mother taught her how to speak tagalog, and she's my most trusted ally in this world of business.
Agad kong binuksan ang laptop ko at nagresearch tungkol sa W. E. Maraming results ang lumabas, mga achievement ng kumpanya, mga shareholders at ang tanyag na Jaeden Andrei Wilde. He build his empire from scratch at the very young age after he graduated with flying colors. He didn't depend on his father's wealth, and connections.
"Woah, this man has a tower-level pride." I complimented. He pique my interest kaya naman I clicked the images to see the C.E.O's face, pero halos maihampas ko na sa desk at mabuga ang kapeng hinihigop dahil sa mga results na pinakita ni Boogle.
A man in his 70's at mukhang beterano na din sa pamamalakad ng kumpanya. Kaya siguro sikat at malaking kumpanya ang W. E. Dahil na rin sa magaling itong magpatakbo ng negosyo.
"Gawin ko kayang sugar daddy 'to. Malay natin ibigay sa akin ng libre ang kumpanya ni Agnes." Usal ko at nanghihinang pinatay ang laptop ubos na din ang kape na parang tubig lang.
My phone ring kaya naman sinagot ko ito nang hindi man lang tinitignan kung sino ang caller, malamang na isa lang sa mga ka business partner ko.
"Yes? Hello?" I asked on the other line. Naghintay ako na sumagot ito pero tanging hininga niya lang ang naririnig ko.
Prank call ba 'to? Tinignan ko ang screen, may konting gasgas ito galing sa pagkahulog kanina sa sahig pero hindi iyon ang mas nakapukaw ng pansin ko ku'ndi ang gamit kong numero.
The caller called me using my personal number. Si Adelle lang binigyan ko nito.
"Hello? I dont know how you've managed to get my number but if there's nothing you need from me, I am going to end this call. Thank you for disturbing." I am about to hung up when a baritone voice talk from the other line.
"I need you,"