BTLY |15

2219 Words
Mabigat ang bawat lakad ko. Sobrang bigat sa dibdib na itinanggi niyang girlfriend niya ako. Nga naman, bakit niya nga ba ako ipangangalandakan sa pamilya at mga kaibigan ng babaeng pinakamamamahal niya? "Miss Psyche?" Marahas kong pinahid ang luha at pilit na ngumiti sa doctor na tumingin sa akin noon. She's standing in front of me, looking at me with sympathy. "Buti na lang at naisipan mo mag pa check up. I know this is hard for you, pero kailangan mo gumaling. Agnes is my friend at alam kong gustong-gusto ka niyang ipagamot, ija." Ngayon ko nga lang ulit naalalang may karamdaman rin pala ako. Hindi ko magawang makapagsalita kaya naman hinila niya ako papasok sa opisina niya. "Doc, I am willing to undergo on a surgery. " Muntik na mabitawan ng doctora ang hawak na basong tubig na ibibigay sana sa akin at masayang ngumiti sa akin. "I'm so glad you have made up your mind, miss psyche." Walang emosyon akong napatitig lang sa kanya habang pinakawalan ang malungkot na ngiti sa labi ko. It doesn't matter whether I survive the surgery with low rate of chances or live a life without Boo. It's painful... I feel pathetic... When will it end? Nakauwi ako sa apartment nang hindi ko man lang namamalayan. Tinawagan ako agad ni Agnes na ihahanda niya na ang mga dokumento ko at ang mga kailangan para makalipad agad sa Amerika.. She even assured me that she'll pull some strings para mapadali ang pag proseso ko ng passport at visa. Nanghihina akong napasalagmak na lang sa sofa, pilit kong winawaksi sa isip na tapusin na lang ang lahat. It's either I'll die for Agatha to be save or I'll live and letting her die. In the past life I've killed Agatha for me to live with boo, but now I've decided to live for myself. I don't care if she'll die. I'm not even the heroine of my own story. Marahas Kong pinunasan ang pag agos ng mga luha sa mata ko. Tahimik na nakikiusap na tumahan na. Hindi man lang ako naka-react nang may kumalabog sa labas ng apartment ko at pabalang na bumukas ang pinto, nasira pa nga ang lock nito at iniluwa ang gwapong si Boo. I humourlessly laughed with what I've thought. Yung sinaktan ka na lahat pero mahal mo parin. Hindi naman parang silo yung pagmomove on ko eh na madaling humalang. Na madadala ng overnight at isang tulugan at the next morning wala ka na agad na nararamdaman... Kung sana gano'n na nga lang ka dali. "L-love.." He tried to hold me but I drawn back. Natatakot ako na pag hinawakan niya pa ako ay makakalimutan ko na lang ang p*******t niya sa mahina kong puso... Grabe pala ma-broken, nakakapag caused ng ka-cringeyhan. "Did you love me?" I asked. Napatanga pa siya at hindi inaasahan ang tanong ko pero mabilis din naman na tumango. "Yes, please don't doubt." "Not as a friend nor as your sister but your lover, Jaeden ". Takot man sa isasagot niya at hindi ko din alam saan ko napulot ang lakas para magtanong. Basta ang alam ko lang ay baka ito na ang huling usapan namin bilang magkaibigan o 'di kaya'y mag kasintahan. "I don't know..." He answered honestly. Napatungo siya at iniiwasan ang tingin ko. Hindi niya man kita ang mahina kong pagtango ay alam ko na ramdam niya ito. Hinayaan kong magsibagsakan ang mga luha ko dahil hindi ko alam kung kailan ako ulit luluha para sa isang lalake. I hoped that I didn't have the chance to be reincarnated. I feel unworthy of the opportunity, hindi namin deserve ang paulit-ulit na trahedya. Because of Paige's selfishness at intense love--- or baka nga obsession na lang ang nararamdaman ko noong nakaarang mga buhay ko. Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon na i-meet and greet past selves ko ay baka pinagsasabunutan ko na sila. How could they hurt themselves over and over. Mga Tanga. And I am too. "I'm sorry Love, let me make it up to you" walang emosyon kong tinignan ang lalaking mahal ko. All I can see in his eyes are regret and guilt. Regret for loving me and choosing me instead of Agatha the girl she truly loves? And guilt for hurting her best friend? "Bakit kasi dinala mo pa ako doon? Bakit hinayaan mong marinig kong ipagkaila mo ako sa pamilya ng babaeng mahal mo. Haha." I laughed without humor. "Please leave.." nanunuyo na ang lalamunan na utos ko sa kanya, mahinahon pa rin naman ako at walang murderous intent na nararamdaman para kay Agatha. Maybe because my feelings for him is love and not obsession. I know that it's pure. Now, it's clear. I'll let him go. Masakit Oo. I should not regret this decision. Pero kung hindi talaga--- gustuhin man natin ipilit, kung ayaw talaga, wag na. "Okay, Im going to leave for now. I'll give you space. Let's talk when you're feeling better and ready to listen to my explaination, hmm." Malambing niyang saad bago ako niyakap. Hindi ako tumugon sa yakap niya at walang Buhay lang akong tumango, hindi ko alam kung ako lang 'yon pero pakiramdam ko ayaw niya akong bitawan at inabot pa ng limang minuto ang yakap niya. Alam ko naman na pinapaasa ko lang ang sarili. Malamang guni-guni ko lang 'yon. I left the country without saying boo a goodbyes, ni isang beses sa tatlong araw kong pagkulong sa apartment ay walang boo na nagpakita para mag explain. Na-excite pa nga ako nang may kumatok sa pinto ko pero nanlumo din dahil hindi naman pala ang inaasahan kong tao ang dumating kun'di ay mga tauhan pala ni Agnes at ipinapasusundo ako. Walang kasiguraduhan ang surgery pero wala na akong pakealam d'on. It's now or never. Wala pa rin naman pinagkaiba kung mananatili ako sa bansa, mamamatay pa rin naman ako. Caused of death: Cardiac arrest kahit walang sakit sa puso. Sakit sa utak meron. °°°°°°° 7 years later..... "Mathilde, how could you sell the Agnes corporation!" Pakiramdam ko ay mapuputol na ang litid ko sa leeg dahil sa gigil sa anak ni Agnes na ngayon ay prenteng nakaupo sa malawak na sala ng mansion. "It's my mother's company, why do you care?" Mataray niyang tanong sa akin. "I know it's Agnes's company. She build that company from scratch and you got the audacity to sell it!? " Naiiyak ako sa pinaghalong inis at galit sa babaeng 'to. Wala na ngang ginawa ku'ndi magwaldas ng pera na hindi niya naman pinaghirapan. Kakalibing lang ni Agnes noong naraang buwan pero hindi na siya makapag-antay sa iniwang mana ng ina---kingina niya... Kung hindi pa ako dumaan sa kumpanya kanina ay hindi ko pa malalaman, naabutan ko pa ang mga lulugo-lugong itsura ng mga empleyado na tila ba natalo sa sabungan. "Drop the act, Paige. I know you just wanted to have the company all by yourself. " Matalim niya akong tinignan kaya binalik ko ang tingin sa kanya at pinantayan ang intensidad. " We aren't the same, Math. Now, tell me kanino mo binenta ang kumpanya? " Sa pagmamadali ko sa pag sugod sa babae, dala na rin sa inis ay hindi ko na nagawang itanong sa mga empleyado ng kumpanya ang iba pang mga detalye. " Hah! You came all the way here just to ask me that?" She mocked me. Kinakalikot niya pa ang bagong pinta niyang mga kuko at nasisiyahan sa itsura ko na iritang-irita na sa kanya. Kung pwede kong bawiin ang kumpanya sa kahit na anong paraan, gagawin ko. All these years, sobrang dami kong utang na loob kay Agnes. Hindi ko kayang makita na mapunta lang sa wala Ang pinag hirapan niya. After, waking up from a deep slumber. White ceiling, white walls, white gown, and even the people around me are all in white, the only thing that differ is that I see red strings flowing around everywhere. There's nothing I couldn't remember.... I don't even know who I am. "Thank God, Paige." A woman in a wheelchair move towards me as she holds my hand tight. She was teary eyed tho, while I have this confused reaction all over my face. "Na...saan ako?" My throat run dry when I first spoke as soon as I woken. "You're currently here in a prestigious hospital in America. You were comatose for almost a year, I almost lose hope not until today.... I'm glad, " She burst into tears but still I don't get what's happening. She immediately understand my confusion so she collected herself and tried to explain everything she know as she tried not to get too emotional. "Your condition is severely deteriorating. Buti na lang at magaling ang mga doctor na humawak sa iyo. Malala na ang tumor sa utak mo bago ka nag undergo ng operasyon. You seems like forgotten about yourself, but don't worry I am here to guide you, Paige. " She assures me at hindi naman ako binigo sa mga salitang binitawan niya. She made sure na makakapagtapos ako ng pag -aaral at tinulungan niyang maka alala kahit-konti. Yes, I remembered that I came from the Philippines and Agnes was a good friend of mine at naalala kong siya ang nag offer sa akin nang tulong para maipagamot ako, kung tutuusin ay baka nga nakalibing na ako ngayon kung hindi lang dahil sa kanya. So far yun pa lang ang naaalala ko.. It was like... I am restrained to remember my past. Mahirap, but I did survive on my own thanks to Agnes's help and guidance. Kaya hindi ko maatim na makitang mapupunta lang sa wala ang mga pinag hirapan niya. "Wilde Empire Corporation, heard of it?" I was back to reality when she dreamingly utter the name of the company.... Wilde Empire... Madalas kong marinig ang pangalan ng kumpanyang 'yan, It's a well known company from the Philippines. They produces branded and fine jewelries all over the world. Sobrang laking pader ang mababangga mo kung sakaling kakalabanin mo ito. Natuyo ang lahat ng laway ko at halos manlambot ang katawan ko sa isipin na napakaliit ng tyansang mababawi ko ang kumpanya ni Agnes. I took all the courage within me and storms out of that hell of a mansion--- well the devil is in so I must call it hell, I guess. I must take back Agnes's company, by hook or by crooked. Wait for me Wilde Empire. Could I really get through this? Taking a rough path? ....... "What's with the long face, darling?" A man said with a blonde hair and blue eyes occupied the empty chair in front of me. I'm currently having a moment with my coffee not until this man interrupted me. He's the owner of this coffee shop and he always pester me whenever I come to visit. Hindi ko naman maiwasan pumunta dito dahil sobra naman talagang napakasarap nito magtimpla. Isang sulyap niya lang ay mahuhuli niya agad ang panlasa ng bumibili. "I'm not in the mood, Pedro." I said then I took a sip and savor the bittersweet taste of my coffee. "Whenever you came for my coffees and pastries I know that you're not feeling okay, honey. I know you. " He sweetly caresses my hair with his gentle touch. If only I don't know him, I might fall for his actions. He's a flirt. He's not my type. But to be honest, nakikita ko naman kung paano kuminang and mapulang sinulid sa palasinsingan niya. He's already reserve for someone else. He's fated with Elesse. His employee. "Elesse is lovely today, don't you think?" I blurted out with a grin on my face that made his cheek immediately blush. Irita niyang tinampal ang noo ko na agad ko rin naman na naiwasan. "I'm gay okay, don't play cupid Paige." Maarte niyang kinumpas ang kamay sa hangin at kunwaring may nifi-flip na mahabang buhok bago ako inirapan. Taray ni bakla. Undenial. For the past years of living having this ability to see whom they will end up with, nasanay na ako at minsan nangengealam ako sa love life nila. I contain my laugh and look at Elesse sakto naman na tumingin din siya sa gawi namin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Kinawayan ko siya at nginitian pabalik. I can already foresee their story and it excites me. "You always meddle with other people's love life. I can recommend you for blind dates, dear." Pagkuha ni peter sa atensyon ko. "Nahh, I'm fine with this. I already accepted that I am not made to love and be loved." I took a sip from my coffee and glance outside of the glass window. Idadagdag ko pa sana na ayaw ko maging cheesy at alipin ng pag ibig kaso ayaw Kong idiscourage si bakla baka mapurnada pa love life nila ni Elesse. "Let's go to a party this Saturday night. Let's hunt boys. You're not getting younger, FYI." He suggested. "Pass-" " I heard that the CEO of the W. E. will be there." Dagdag niya na ikinahinto ko sa paglagok ng kape. Nasamid pa ako at nagkanda ubo. Tinulungan naman niya akong mahimasmasan at marahan na tinapik-tapik ang likod ko. "What time and where?" Ramdam ko ang pagkinang ng sariling mga mata dahil sa nalaman. TBC_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD