Hindi ko namalayan na napalayo ako kay Boo dahil sa sobrang bilis kong maglakad. Naiwala niya ako!
Hayssttt! Paano 'yan? Wala pa naman akong dalang pamasahe. Napasalampak na lang ako sa gilid at napabuga ng malalim na buntong hininga.
Nabuhay lang 'yata ako para malasin. Dinukot ko ang gamot ko sa bulsa ng short shorts ko dahil sa biglaang pagkirot ng ulo ko. Nahihilo ako sa dagsaan ng mga tao sa paligid, tapos na ang fireworks display pero tuloy parin ang pagdatingan ng mga tao dito sa central Ave.
Sa tingin ko nga ay galing pa ang iba sa naglalayuang mga syudad para lang makita ang ganda ng paligid.
Sobrang sarap iumpog ng ulo ko sa pader na semento dahil sa sakit. Maraming nagtangkang lumapit sa akin at nagtatanong kung okay lang ba ako pero mabilis ko silang nginingitian at sabay bigay ng thumbs up.
Hindi ako komportable sa binibigay na tingin ng mga tao sa paligid ko kaya naman naisipan kong pumasok sa isang horror house maze na isa sa pakulo nila rito. Sumingit at pilit akong nagsumiksik sa mga nakapilang grupo ng magkakaibigan at kunwaring isa sa magbabarkada.
"Basta kapit ka lang sa akin pag takot ka ha," Hindi nakalagpas sa pandinig ko na ani ng magkasintahan sa likuran ko. Ang ibang nakarinig ay walang hiyang nagpaparinig ng 'Sanaol', 'Maghihiwalay din yan', 'Sa una lang 'yan masaya', at iba pang mga kabitter-an.
Kahit ako ay napapasamid din sa kawalang hiyaan nilang magpakita ng Public Display of Affection, lalo pa't hindi ko pa naman kasama si Boo! Wala silang karapatang maglandian dahil naiingit ako!
"Next!" Sigaw ng staff sa grupong kasabay ko kaya nagiirit ang ilan sa mga babae dahil sa excitement na nadarama. May iilan pa sa kanila ang pabebeng kumapit sa mga kasama.
Sa unang tingin para talagang makatotohanan na haunted house ang pinasukan ko, mula sa malaking staircase at madilim na mga pasilyo sa paligid. May iilan din akong nasasaging mga cobwebs at para talagang totoong tuyong dugo sa mga pader.
"In fairness nieffort-an," komento ko. Muntik pang tumalon ang puso ko paalis sa loob ng dibdib ko sa biglaang pagsulpot ng isang dummy na nakadress up as mummy mula sa bathroom na nadaanan ko.
P'wedeng hindi na ako makalabas sa Lugar na'to dahil sa dami ng pasilyo, Minsan napapadaan ako sa may dead end na at may pasulpot-sulpot na mga dummy na may kanya-kanyang role.
Dagdag pa ang creepy sound effects na mas lalong nagpapatindig ng balahibo ko sa katawan.
"Gah!" Hiyaw ko nang may malamig na kamay ang humawak sa braso ko.
"Don't provoke me to tie you up on my body." Napalunok kong bigla ang plema na na-stuck up sa lalamunan ko dahil sa lamig na dala ng familiar na boses niyang saad.
"'nayupak ka! 'wag ka ngang manggugulat!" Sigaw ko at nilingon si Boo at mahinang tinapik siya sa t'yan. Kahit malabo ang ilaw ay malinaw na malinaw na namumutla siya.
"Ba't ba ang hilig mong mawala sa paningin ko," Hinihingal niyang saad at sinandal ang noo sa balikat ko. Natahimik at natameme ako bigla at tila ba ang dating nakakatakot na lugar ay naging romantic bigla.
Kahit pa ilang nakakatakot na bagay ang nagpakita sa tabi namin ay hindi kami nabibigla kaya kamot batok lang na umaalis ang mga staff na nananakot sa mga customer.
"Paano mo'ko nahanap?" Basag ko sa katahimikan na lumukob da pagitan naming dalawa.
"I followed the strings," Sabi niya sa mababang boses. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napatingin sa palasin-singan ko at agad din nanlumong sinapak siya sa balikat.
Tinuro niya ang string ng Red ribbon na ginamit ko panali sa buhok. Akala ko pa naman nakikita niya rin ang strings of fate. Haystt, hirap talagang tanggapin na hindi ako itinadhana sa lalaking 'to.
"Aray! Nanakit ka na lang ng walang dahilan." He reacted at sinamaan ako ng tingin pero hindi naman ako nagpatalo at nakipaglabanan ng titigan.... And I loose.
I broke our staring--- I mean glaring contest first and coquettishly encircled my arms around his neck and hold his nape firmly as I tiptoed and kiss him on his lips......passionately.
SABAY-SABAY namin tinapon ang aming mga academic hat. Hindi mapawi ang saya na nararamdaman ng bawat isa sa amin, may kanya-kanyang kuha ng litrato kasama ang mga kasama at kaibigan.
For sure mapupuno na naman ang news feed ko sa social media nito ng mga mukha ng mga batch mates namin ni Boo.
"Psyche! Halika ka dito tabi kayo ni Jaeden," Ani Tita Eden. Mama ni Boo.
Sumunod naman ako sa kanila at nakangiting nag-peace hand gesture sa harap ng camera. Hindi pa ako pinapakilalang nobya ni Boo. Napagdesisyunan namin na sa probinsya na lang since sasabay kami sa mama niya at doon magce-celebrate ng graduation party namin.
Si Tita Eden lang ang nakapunta sa graduation namin ngayon dahil may urgent meeting na dinaluhan ang papa niyang si Tito Jared.
At grumaduate si Boo with highest honor na ikina-proud lalo ng pamilya niya. Hindi magkamayaw sa kaka-live sa f*******: si Tita at pag-video call sa asawa para ibalita ang achievements ng anak.
Masaya ako para kay Boo, unti-unti niyang inaabot ang mga pangarap niya. Siya kaya kailan ko maabot? Chos.
Hinawakan ko ang kamay niya dahil hindi siya mapakali kanina pa at alam kong dahil iyon sa absence ni Agatha.
Balita na hindi makaka-graduate ang babae at ang buong klase ay ako ang sinisi kung bakit daw nawalan na ng gana ang kanilang beloved Agatha na mag-aral pa.
Nalulungkot rin naman ako dahil yes, partly true. Dahil sa pagiging makasarili ko ay inagaw ko sa kanya si Boo pero sapat ba 'yon na dahilan para ipagpalit niya sa pag-aaral.
Sa aming maiigsi ang buhay ay mas pipiliin na lang namin na sulitin ang mga labing oras na natitira na lang sa amin.
"Kung nag-aalala ka sa kanya. Malaya kang gawin 'yon. " Sabi ko na ikinalingon niya sa gawi ko.
"Pinagsasabi mo?" Pinisil ko ang matambok niyang pisngi dahil sa pagtanggi.
"Maang pa, Boo. Alam ko naman na nag-aalala ka kay Agatha. Sige ako na bahala kay Tita, " pamimilit ko and I winked at him, pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Huh? Pinagsasabi mo. Selosang overthinker ka love. Kinakabahan lang ako na ipakilala ka sa buong angkan mamay-arghh!" Hindi niya na natapos ang paliwanag niya ng kinurot ko ang tagiliran niya.
"Tita! Sabi ni Boo ampon lang daw po kayo!" Sumbong ko sa nanay niya pagkabalik niya sa pwesto namin kaya naman mabilis na umilag si Boo nang umakto na si Tita na papaluin siya.
"Seriously? Naniniwala kayo sa sinasabi ni Love?"
"Mas kapani-paniwala pa siya Den, kesa sa'yo," tugon ni Tita. Sabay pa kami nitong nag-high five at pinagkaisahan na asarin ang anak niya.
Lumayo muna saglit sa amin si Boo dahil may biglaang tumawag sa cellphone nito.
"Sa tingin mo ba 'nak may nobya na 'yang best friend mo?" Pabulong niyang tanong.
Hindi ko alam ang isasagot kay Tita Eden sa biglaan niyang tanong at pabalik-balik ang tingen sa'kin at sa anak niyang nakatalikod may distansya mula sa kinaroroonan namin.
"Bakit niyo naman po natanong?" Sabi ko at hilaw na tumawa. "Palamig po muna kayo Tita. Mahirap na at baka made-dehydrate pa kayo, " Dagdag ko pa.
Hindi mapuknat ang ngiti ko sa mukha habang iniimagine kung ano ang magiging reaksyon ng buong angkan ni Boo pag pinakilala niya na ako bilang girlfriend niya.
Hindi na lang ako basta isang best friend sa paningin nila. Hmp!
"Wala. Parang ano lang, blooming si Jaeden. Ganon. 'Yung aura niya hindi usual eh. Parang Inlove." Humawak pa siya sa baba niya kunway parang nagiisip nang malalim.
"Ako din po inlove. Hindi po ba halata?" Nagpacute pa ako sa harap ng future mother in law ko pero tinawanan lang ako nito.
"Laging ganyan naman talaga ang itsura mo 'nak. Itsurang unrequited love, HAHAHHA." No wonder sa kanya nagmana ng pang-aasar si Boo tapos pag inasar sila pa yung sobra kung mapikon.
"Charot, busangot na naman mukha mo. Paano ka naman niyan liligawan ni Jaeden kung mukha kang may sakit. Kanina ko pa napapansin na namumutla ka, kitang kita ko kahit pa patungan mo 'yan ng madaming foundation nak, mapapansin ko parin. " Pinunasan niya pa gamit ng tissue ang pawis ko sa noo.
She's the future mother in law that I want. Sobrang bait niya, maalaga pa.
"Naku, baka pagod lang sa sunod-sunod na rehearsals. 'Yung wrinkles niyo nga Tita hindi ko pinuna eh." Sabay kaming nagtawanan dahil sa sinabi ko. Magka-humor lang naman kami ni Tita at palasabay din siya sa mga trip.
"Sa'kin ka talaga nagmana," She commented bago niya ako kinulong sa isang mahigpit na yakap.
"Mom, I'll borrow Psyche. May pupuntahan pa kame. Mauna ka na, " Ani ni Boo na katatapos lang 'yata makipag-usap sa telepono. He seems anxious. There are beads of sweat on his forehead and fear is evident in his eyes.
" May nangyare ba Jaeden?" Tita asked his son. Pero hindi niya na sinagot ang nanay at mabilis akong hinila sa braso papunta sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya.
"Sino Yung tumawag? Bakit parang nagmamadali ka?" Litong tanong ko sa kanya bago ako sumakay papasok.
"Agatha. Nasa ospital siya," Hinihingal niyang sagot. Sapat na para matahimik ako.
"Bakit kailangan mo pa ako isama?" Walang emosyon kong tanong. Nakabaling lang sa bintana ang paningin ko at halos hindi ko maaninag ang mga puno at tao sa labas dahil sa bilis ni Boo na magpatakbo.
"Bakit hindi? You're my best friend." I looked at him with widened eyes and my jaw literally drop because of what he said.
Seriously? I waited for him to say that I am his girlfriend kaya niya ako isasama.. pero makalipas ang mga oras sa byahe he didn't say a word.
"I want to assure you love." He whispered and tilt his head and slightly glanced at me while he gave me a reassuring smile. Tipid lang ito pero halos tunawin nito lahat ng doubts at takot sa puso ko.
Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa makarating kami sa hospital. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa building kung saan ako na confine n'ong nakaraang buwan na ang nakalipas.
"Let's go," Sabi ni Boo at nilahad ang kamay niya sa harap ko. Sobrang lamig ng kamay niya nang tanggapin ko ito at nanginginig ang mga tuhod ko pagtapak pa lang sa mismong lobby ng hospital. Sana naman hindi ako makita dito ng doctor na tumingin sa akin.
Tila ba alam na alam ni Boo ang pasikot-sikot sa hospital at dinala niya ako sa 4th floor kung saan ang mga private rooms ng mga pasyente.
Binitawan ni Boo ang kamay ko pagkatapat namin sa room 567, hinabol ko pa ang kamay niya pero tila ba natuliro ang isip niya at nakalimutan na kasama niya ako bago kumaripas ng pasok sa loob.
Sumilip muna ako sa loob bago pumasok at hindi naman gaanong karamihan ang tao sa loob pero mukhang mga malalapit na kaibigan at pamilya ni Agatha ang nasa loob, may mga bulalak at lobo pa nga sa paligid.
Napagilid ako dahil wala naman akong kakilala sa loob aside kay Boo na ngayon ay nakayakap na sa ulo ni Agatha.
"Mr. Wilde. Ang lakas naman ng loob mong magpakita sa harap ng pamilya ng babaeng sinaktan mo. " A man in his 50's approach Boo and he gripped Boo on his collar. Mabilis akong kumilos para hawakan sa braso ang lalaki dahil akma niyang susuntukin si Boo.
Not my Boo!
"Sir, stop!" Sigaw ko. Natataranta ako na baka saktan niya si Boo.
"At dinala mo talaga ang babae mo! Agatha's on her deathbed! Iniwan mo siya sa ere." Napupuyos sa galit niyang hinila ang braso mula sa hawak ko. Napatingin ako sa paligid at masasama ang tingin nila sa akin lalo na kay Boo. Binalik ko ang tingin kay Agatha at tanging machine na lang ang bumubuhay sa kanya.
"She's comatose. Konti na lang ang tyansa na mabubuhay pa ang anak ko. Sana naman nanatili ka sa tabi niya." Sabi nang mama at dahan-dahan na nawalan ng balanse kaya inalalayan ko siyang makaupo sa isang mono block chair pero mabilis niya rin winakli ang pagkakahawak ko.
"Don't you ever touch me!"
Gigil akong dumistansya mula dito at nanatiling tahimik lang si Boo habang hawak si Agatha sa bisig niya.
Hindi man lang niya ako pinagtanggol. Bumigat ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyayare dagdag pa ang mga mapanghusgang matang nakatingin sa akin.
"Mangaagaw"
"Ahas"
"Walang maaagaw kung walang papaagaw"
" Sana nag adjust na lang si girl since may sakit si Agatha natin. Hindi man lang naawa"
Hindi ko madigest ang mga masasakit na salitang binibitawan nila. Kung ganitong graduation gift ba naman matanggap mo.
Daig pa congratulations eh. Tagos sa puso.
"Wala siyang kinalaman dito," Natahimik ang lahat ng bulungan na narinig ko sa paligid sa pagsasalita ni Boo.
Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko. Ever since my Lola Dina died, kailangan ko ng tumayo sa sarili ko.
I am not a damsel in distress pero iba parin yung pakiramdam na may ibang taong handang magtatanggol sa'yo.
"She's just my best friend. Kaya 'wag niyo siyang pagsalitaan ng masasama. Wala siyang kinalaman dito." He uttered using the sharpest words he has.
I am lost of words.