Para parin akong nasa alapaap. Hindi ako makapaniwala na kami na nga ni Boo. From best friends to lovers. I kennat!
Pero wala naman pinagbago, parang tulad parin ng dati ang turingan namin sa isa't isa except that we became more intimate to each other. Hihi!
We hold hands privately and in public, not to the point na nagpi-PDA na din kami atsaka nagmo-movie marathon kami sa unit niya tuwing saturday nights and Date naman namin tuwing Sunday.
Kesyo magiging madalang na ang mga gan'on pag nasa college na kami kaya naman gusto niyang sulitin. Lingid sa kaalaman niya na sinusulit ko rin ang mga araw na kasama siya.
"Love, say ahhh~" I gladly ate the strawberry cake when he pointed the spoon in front of my mouth.
He watched me closely as I savored and swallow the cake. I smiled at him and gave him a thumbs up.
"P'wede ka na mag-asawa!" I Complimented him.
"Magpopropose na ba ako?" Natahimik ako sa sinabi niya at agad naman nanginit ang buong mukha ko.
"Hanggang sa school canteen ba naman naglalandian kayo." Maria stated when she arrived holding her food tray.
"Moment namin 'to. 'Wag ka ngang third wheel, " bulong ko sa kanya pagkaupo niya sa tabi ko.
"Wala ng pwesto, 'wag kang maramot." Pinanlakihan pa ako nito ng mata bago nilantakan ang pagkain niya.
Kahit si Boo ay gulat na gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Maria sa kung saan.
"Baboy mo kumain," komento ni Boo ng matapunan ng sauce ang suot kong blouse. He get a table napkin and gently wipe the stain on my blouse. I felt a sudden sparks of electricity as his finger touch on the side of my lips.
Kahit labi ko hindi niya pinalagpas!
I giggled and hide my face because of the romantic excitement.
"Nahiya naman ako sa katabi kong pinanganak talagang baboy." Pag iiba ko sa usapan sabay baling sa katabi ko.
" Nananahimik ako dito ah, " She said while her mouth is full. Sabay kami ni Boo na napangiwi sa kanya at pinabayaan siyang kumain sa paraan na gusto niya.
Days have passed at sobrang alaga sakin ni Boo after knowing the incident I've been through, He was mad at that time... Very mad.
He used connection just to file a case against Philip. Walang nagawa ang tatay niyang konsehal dahil alam niyang mas makapangyarihan si Don Marcielo Wilde- Lolo ni Boo.
At sa mga araw na 'yon lagi siyang nakabantay sa akin. Sinisiguro niyang sabay na kaming papasok at uuwi ng paaralan. Sobrang saya ko siempre. We've back together like we used to.
"Let's have a date on saturday night. Sa may Central Ave. Balita ko may fireworks event d'on. " Yaya ko sa kanya habang naglilinis ako ng apartment. Nakaupo lang siya sa sahig habang nakasandal sa sofa. Nagbabasa siya ng mga notes para sa final Exam namin bukas, siempre kailangan niyang mag aral ng mabuti dahil mangongopya lang ako bukas.
"Sure." Tipid niyang sagot at patuloy parin nakapokus ang tangin sa mga papel na hawak niya.
"Tapos kain tayo sa pennylicious restaurant." Daldal ko pa. Tango lang natanggap ko sa kanya. Napanguso ako dahil sa concentration niya sa pag aaral.
"Sana naging papel na lang ako." This time I caught his attention. Nakakunot niya akong tinignan. "Para naman may papel ako sa buhay mo. " I winked at him. Nahuli ko pa ang pamumula ng tenga niya na dahilan para mas lalo ko pa siyang alaskahin.
"Shut up, I'm studying." Kunway pagalit niyang saad pero halata naman ang pangangamatis ng mukha nito.
"And I'm stu-dying. Simula nang umupo at nambuklat ka ng mga notes mo. Hindi mo na ako tinapunan ng tingin." I pouted and sit next right to him. He give me a peck on the lips bago tahimik na binalik ang tingin ulit sa mga libro na nasa harap niya.
"Sabayan mo kaya akong mag-aral para naman hindi ka ma-bored. " Usal niya. Tinapunan ko siya ng throwing pillow at nasapol ko siya sa ulo.
"Dati ka bang adik Psyche!?" Irita niyang tanong.
"Oo, adik sa'yo."
"Overrated na mga banat na yan," Pambabasag niya.
"Tsk, break na tayo." Usal ko. Tinaasan niya ako ng kilay bago tinagilid ang ulo.
Hinila niya ako sa braso at dinaganan ako sa sahig, ramdam ko ang exposed kong binti na napapagitnaan ng mga binti niya. Nagliparan at kumalat na din ang mga papel at reviewers niya sa sala ng apartment ko.
"Now you got my fulll attention, Love." Namumulang napanganga ako dahil sa ginawa niya.
"Joke lang!" I shouted when he started tickling me on both sides of my waist. He stopped and looked at me with full of emotions in his chocolate brown eyes.
"As usual hindi ka magaling mag-joke." He said and captured my lips and kiss me aggressively. Nagpatianod ako sa nakakalunod niyang halik.
Our making out session was interrupted when his phone rang and at first we didn't mind it and he continued kissing me down to my jaw. Pero naka-ilang beses pa itong tumunog kaya nangangalaiti ko siyang tinulak 'saka nagmartsa at galit na pinulot ang cellphone niyang nasa maliit na salamin kong mesa sa sala.
Habang inayos niya naman ang sarili at pinulot ang nagkalat na mga papel sa sahig.
I stopped for a moment when I saw the name registered on his phone. It's Agatha. I answered it without thinking.
"Den... Can you please pick me up? P-pwede ba na d'yan muna ako sayo? Naglayas kasi ako sa'min. " She sobs on the other line. Nanatiling tahimik lang ako at napapakuyom ang kamao.
Bakit niya gugustuhin tumira sa condo ni Boo? Mayaman naman sila. For sure she can afford to rent or buy a condo for herself.
Walang emosyon kong pinatay ang tawag niya at mabilis na dinelete ang tawag sa call logs bago nilapag sa mesa.
" Sino'ng tumawag?" Boo asked. Balik na ulit siya sa pag-aaral. Huminga muna ako ng malalim 'saka siya sinagot.
"Prank call lang. Walang sumasagot sa kabilang linya," I lied. I'm the villain in my very own story and Agatha's the princess... The heroine.
Magmula ng maging kami hindi na pinagtuunan ng pansin ni Boo si Agatha. I Know it's for me to felt assured. Pero hindi 'yun matanggap ni Agatha at ng halos kalahati ng mga estudyante ng academy.
Literal naman talagang against the odds ang pagmamahalan naming dalawa.... Or let's say, pagmamahal ko sa kanya.
Tumabi ako kay Boo at tahimik na sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Ibabalik ko rin naman ang lalaking 'to sa totoong nagmamay-ari sa kanya.
Hinihiram ko lang muna saglit.
SATURDAY nights came at maraming tao sa Central Ave. May mga neon lights sa kalsada at mga food stalls, marami ka ring couples na ineenjoy ang mga games at rides.
"Hindi halatang excited ka. Parang kahapon lang bagsak ka ah," Sabi ng lalaking nasa tabi ko. We're wearing the same shirt that has a design indicating that I'm his and he's mine. Nakashort shorts ako exposing my thick and yummy thighs habang naka men's jeans naman ang pang-ibaba niya.
We are like normal couple right now as we walk the street holding each others hand with our fingers intertwined.
And Yes, I got 7/40 sa final Exam namin kahapon. Akala ko naman kasi magkatabi kami ni Boo. Sa sobra ba namang bida-bida nung kaklase namin na feeling genius at sinabi sa teacher na mag one seat apart na lang para iwas dayaan.
Argghh! Akala mo naman sa kanya mangongopya!
Pansin ko rin na absent si Agatha kahapon sa klase at kalat na sa buong campus na naglayas siya. I looked at Boo's reaction and he wasn't bothered by it.
But his strings are glowing bright Red. He's restraining his feelings real hard.
"Che!" Asik ko at sinamaan ko ng tingin ang lalaki bago binalik ulit ang tingin sa ganda ng paligid. Grabe, pinaghandaan talaga ang event na'to.
Una namin pinuntahan ang mga stalls for souvenirs. We bought couple shirts and best friend anklets. Pagkatapos ay kumain kami sa bagong bukas na pennylicious restaurant. They serve the best deserts! Buti na lang at may lasagna sila.
"It brings back memories. The time na nasa probinsya pa tayo, we usually sneak from the mansion in the middle of the night just to go to the carnaval during fiesta." He recalled the time when we were still at San Lorenzo province. Nakaka-miss naman talaga.
"Let's go back there, together. After our graduation? What do you think?" He asked suddenly. Napatulala ako at buti na lang at inalalayan niya ako sa pagsakay sa ferris wheel kun'di ay baka nabuwal na ako sa kinatatayuan ko.
To be honest, I'm being torn between choosing him or reconsidering ma'am Agnes offer. Habang tumatagal gusto kong mabuhay ng mas matagal kasama siya but unfortunately, I know that we can't.
Pagmagpapagamot ako kailangan ko siyang iwan at kung sakali man na gumaling ako, ay baka naman wala na akong babalikan pa. At kung hindi naman ako magpapagamot.... Iiwan ko rin naman siya- habang buhay nga lang.
"Ayieee. Papakilala mo na ako kina tita as girlfriend?" Usal ko at binalewala muna ang mga isipin.
"Tsk. Edi wag, " namumula itong tumingin palayo. Hinuli ko ang mukha niya gamit ang mga kamay ko at nginitian siya 'tsaka binigyan ng halik sa gilid ng labi.
Nakalimutan na namin na nasa pinakatuktok na pala kami ng Ferris wheel.
"Kitang-kita ko 'yung apartment ko mula rito!" Mangha kong usal. Pilit kong hindi mag-overthink pero hindi ko mapigilan, umaagos ang mga scenario at what if's sa utak ko.
I'm being selfish, I don't want this moment to come to an end. I'm being greedy, ayaw ko na siyang isauli.
"Boo?" Tanong ko dahil sa biglaan niyang pagkatahimik habang nakatanaw ako sa ibaba ng Ferris wheel, halos gabutil ma ng bigas ang mga tao mula sa kinaroroonan namin.
"Hmmm..." he moaned. I felt his stares at my back.
"Kung paulit-ulit ba akong mabubuhay para mahalin ka? Magiging masaya ka ba?" I asked out of the context.
Fate is playing with me. In the past and I know up to the present, I'm still playing its game.
"Oo naman.... Kulang ang mabuhay ng isang beses para mahalin ka." My heart totally skipped a beat as i turn my gaze on him. Sinabayan ito nang isang malakas na putok at sumabog iba't ibang kulay sa paligid.
Inipit niya ang takas kong buhok na hanggang leeg ang haba sa likod ng tenga ko. He mouthed something pero hindi ko marinig dahil sa lakas ng fireworks display.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit bago bumulong.
"But, I don't want to get reincarnated... " Again... Nakaupo ako paharap sa mga hita niya. "I don't want to face the same fate over and over again. Living and loving you once, will be enough." I know its a lie. But I feel that each passing days ramdam ko na nanghihina na ang katawan ko. Madalas na akong nakakalimot at lumalabo na rin ang paningin ko.
Gusto kong ipagdikdikan sa sarili na pagkatapos ng buhay ko na'to. Ayaw ko ng maipanganak pa ulit. Sapat nang napili ako ng isang beses.
I am greedy. No, I want to be greedy. I am selfish. No, I want to become selfish.
Pero kailangan ko na din siyang isauli after our graduation.
"May bagong teleserye ka naman bang inaabangan? Kaya ka nagmo-monologue?" He laughed and tapped my head. Nakasandal lang ang ulo ko sa dibdib niya his heart was pounding fast and synchronizes with mine.
"Yes and it is entitled 'Bound to love you'"
"I am bound to love you too, " nagulat ako sa banat niya at wala sa sariling nasuntok siya sa dibdib na ikinaubo niya.
"Ganyan ka ba talaga pag kinikilig!" He hissed at minamasahe ang nasaktang dibdib.
"Eh, bat ka nanggugulat!" I hisses back.
"Ginulat saan? Sa I'm bound to love you too? Anong masama d'on? " He fight back. And we ended up fighting.
I looked at the strings and it's glowing again. Napasimangot na lang ako at pinagkrus ang mga braso sa inis.
"Aminin mo na kinilig ka lang," He uttered when we got off from the Ferris wheel. Sinadya kong apakan ang paa niya kaya napangiwi siya sa sakit.
"'yung ingrown ko napatay mo 'yata" Tinawanan ko lang siya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Kakahithit mo 'yan ng katol!" Alaska niya pero binelatan ko lang siya 'tsaka nauna ng maglakad sa kanya.
I know he only loves me as his best friend. It meant that way. Pero kinilig talaga ako sa banat niyang 'yon!
Kailan pa'ko naging ganito?!
Nakahawak ang dalawa kong kamay sa mukha at pinakikiramdaman ang init nito. My Boo is a natural flirt!
TBC