BTLY |12

2062 Words
"Aba'y muntikan ko ng ipamigay 'tong mga naiwan mong gamit d'on sa gwapong nakatira sa kabila! Akala ko hindi ka na babalik! " Bungad na putak ni Aling Dragona sa akin. "Para mahigit dalawang linggo lang akong nawala. Kayo naman ho, " Napakamot pa ako sa ulo at iniwasan siyang tarayan baka mapalayas nga ako bigla. Mahirap na. Pagkatapos akong ibaba ni Nicolai dito sa tapat ng apartment ay nakatanggap ang lalaki ng biglaang tawag, nakalimutan niya na ngang magpaalam sa akin at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Napapailing na lang ako habang inaalala ang namumutla niyang mukha kanina. Para siyang pinatawag sa impyerno para makipagmeet-up kay Santanas. "Ako naman ang mahigit dalawang linggong kinukulit ni Jaeden kakatanong kung nakauwi kana ba. Awang-awa na'ko sa batang 'yon. Halos mabaliw kakahanap sayo!" Naiirita ang tenga ko kakasermon niya sa akin pero marinig ang tungkol kay Boo ay parang pinipiga ang puso ko. "Ah, may inasikaso lang 'ho akong importanteng bagay sa probinsya. Mahina ang reception ng signal d'on kaya hindi ako makatawag. Pasensya na 'ho pala sa abala. " Tinaasan niya ako ng kilay sabay irap at maarteng pinaalala sa akin ang bayarin ko para sa buwanang bayad ng upa. Mukhang Pera!! Gusto kong ibalibag sa mukha niya ang pinto buti na lang at nagawa kong idahan-dahan ang pagsara nito. Tahimik kong pinanggigilan ang life size brown teddy bear na bigay pa sakin ni Boo noong 16 Birthday ko. "Sa'n kaya ngayon si Daddy Boo natin?" Kausap ko dito matapos ko itong sakalin at nanlulumong sinubsob ang mukha sa leeg ng stuff toy. Nilibot ko ang paningin sa paligid ng sala ay halatang hinalughog ang mga gamit ko may iilan pa ngang mga bote ng alak sa may sala n'ong napadaan ako kanina. Nangingilid ang mga luhang binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at nakita ang nakasaradong bintana ng unit ni Boo. Sinubukan kong tapunan ng lapis na na dampot ko pero mukhang wala 'yatang tao d'on ngayon. May date siguro with Agatha. Tsk may pa balita pa silang nabaliw na kakahanap sakin, sus! Puro na lang ako Asa, haysstt. Sinarado ko ulit ang bintana at napagdesisyunan na linisan na lang ang naiwanang apartment. Una kong pinagliligpit ang mga bote ng alak na kanina pang nakakalat sa sahig. Si Boo lang naman ang may spare key ng apartment ko kaya malamang pa sa alamang siya ang nagkalat ng mga 'to. Mag-iisang oras akong nagwalis at nagpunas ng mga inalikabok ko ng bintana at hindi karamihang furnitures, nagawa ko na rin labhan ang mga damit, nakapagpalit na rin ako ng bed sheets at nalinis na rin ang mga sofa pero 'yung hinihintay ko parang Wala ng plano pang magpakita. Pabalik-balik pa nga ang tingin ko sa wall clock tapos silip ulit sa bintana kung nakabalik na ba si Boo. Para kaming nagha-hide and seek at tila nasa isang parallel universes dahil hindi kami pinagtatagpo ng tadhana sa makalipas na mga araw. Sobrang Miss ko na siya. Nagpabaliktad patuwad na ako, nag-yoga at acrobatics pa nga pero wala pa rin. Dumating pa sa point na naisipan kong gumawa ng ritwal para lang mai-summon si Boo at ng ma-cuddle ko na. Paniguradong Miss nako n'on. "Asa ka," My mind immediately disagree. Masyadong KJ, ngayon na nga lang ulit ako nakapag-isip ng mga ganitong bagay. Ilang araw na rin akong nawawalan ng pag-asang makakasama ko pa si Boo ng mas matagal. Ayaw ko din naman siyang tawagan para sabihing naka-uwi na'ko kaso mas gusto ko siyang surpresahin, paniguradong malaki ang tampo n'on sa biglaan ko na lang na pagkawala. Bumigat na ang mga talukap ko at hindi ko namalayan na nakatulog na lang ako bigla habang akap-akap ang life size teddy bear ko sa kama. Napamulat at napabalikwas na lang ako nang malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa nito ang kanina ko pang hinihintay. Mahigit dalawang linggo ko lang siyang hindi nakita pero sobrang laki na ng pinagbago ng itsura niya. Mas lalo siyang gumwapo! Kahit pa may eye bags siya ay hindi nito kayang sirain ang genes ng mga Wilde. Humahangos siyang lumapit sa akin at mabilis pa sa alas kwatrong sumampa sa kama. Napasandal na lang ako sa head board ng maliit kong kama at gulantang siyang tinignan habang nakanganga. Pakiramdam ko konting lapit niya pa tutulo na ang laway ko. Tagaktak siya sa pawis niya at malayang tumutulo ito sa matangos niyang ilong at makinis niyang pisngi habang matalim na pinukulan ako ng tingin. Kinulong niya ako sa pagitan ng mga bisig niya at tanging mabibigat lang naming paghinga ang naririnig sa apat na sulok ng kwarto. 'Yung puso ko parang kakawala na sa loob ng dibdib ko. "Why aren't you saying anything?" Sa wakas siya ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin. "Oh, lines ko na ba? Hala sorry direk," bulalas ko at kunwaring lumingon ako sa gilid para lang maiwasan ang matatalim niyang titig sa akin. "Ain't Funny," His cold voice sends shivers down my spine as he lean closer to me. Pinagsiksikan ko na halos ang katawan ko palubog sa kama and now he's towering over me. Ano'ng trip ngayon ni Boo? Dapat umiiyak siya ngayon habang yakap ako. "T-teka... Hindi pa'ko ready!" Usal ko at pilit siyang tinutulak paalis sa ibabaw ko. "You should explain yourself... I almost got crazy thinking that you had already left me." Pahina ng pahina ang boses na sabi niya at nanghihinang sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. I can feel his hot breath fanning onto my nape. Para akong napapaso sa init ng katawan niya. As I gently caresses his hair like the usual I felt something wet streamed on my bare neck. "Hmm.. Are you crying Boo?" I said using a soothing voice. Naramdaman ko na lang pag-iling niya at ang mga bisig niya na ngayon ay nasa bewang ko 'tsaka ako kinulong sa mahigpit na yakap. "I'm not crying. Hindi umiiyak ang totoong lalaki," Pagtanggi niya habang umiiling pa sa pagitan ng leeg at balikat ko. "Lalaki ka pala?" I laughed at my own joke but I stopped after I noticed that he didn't give a reaction and stayed silent. "Joke lang 'to naman...." Bawi ko at patuloy na nilalaro ang buhok niya sa pagitan ng mga daliri ko. " Real Men cries, Boo. Hindi ka naman nagmumukhang mahina pag umiiyak ka. You are brave enough to letting me see your true emotions.... I'm sorry for leaving without saying anything. " I explained. My body shivered when he licks my neck. "Hindi nga 'ko umiiyak. Tumulo lang laway ko. " Gamit ang malamlam na boses na saad niya pagkatapos akong dilaan sa leeg. Buti na lang talaga at nakaligo ako kanina pagkatapos kong maglinis ng apartment. Kung hindi ay baka pati libag ko nadilaan niya na! Akmang tatayo na ako at itutulak na sana siya nang siya namang pagdagan niya sakin lalo at inalis niya rin ang pagkakasubsob ng mukha niya sa leeg ko. "H-hoy B-boo! Ano'ng trip na naman ba 'yang nasa isip mo!?" I shouted in panicked. Lalo na nang bigla niyang hulihin ang mga kamay ko at ikulong ito gamit ang dalawang kamay niya. "You still didn't answered my question, Psyche. Where have you been this past few weeks? Who were you with?" Alam kong sobrang dami niyang itatanong sa akin kaya naman prepared ako sa lahat ng isasagot ko sa kanya pero sa posisyon namin ngayon masyado akong nai-intimidate at nape-pressure. Damang-dama ko ang pagiinit ng buo kong mukha. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa gan'to! Tanging sa mga panaginip at imahinasyon ko lang nakikita ang sarili ko na nasa ilalim ni Boo. "P'wede naman siguro tayong mag-usap ng maayos 'diba, Boo?" He just smirk at me. "Nope. I want to make sure that you are not lying. I won't let you hide something from me." Matigas niyang saad habang nakatingin sa akin ng mariin na ikinalunok ko ng laway. Was he became paranoid when I was away? Bumuntong hininga muna ako at magsasalita na sana nang inunahan niya ako. "What if I reciprocate your love? You'll never leave me again right? " Napalitan ng pagsusumamo ang matang nakatingin sa akin. Parang piniga ang puso ko sa nakikita. Kahit pa naman subukan at pag-aralan niya akong mahalin. Aalis parin naman ako at iiwan siya. Tumawa ako hindi dahil sa sinabi niya kun'di dahil sa karupukan. Parang kailan lang sobrang sama ng loob ko dahil hindi niya ako niligtas sa kapahamakan. Pero kahit na pekeng pagmamahal basta galing sa kanya. Tatanggapin ko. "So you mean, We are now lovers? Gan'on ba?" I asked in confusion. Tumango siya na ikinalaki ng mata ko at literal ding nalaglag ang panga ko. P'wede na'kong mamatay. Charot, 'wag naman muna. Kakasimula pa lang ng love story namin ni Boo! I pulled out my hands away from his grip and instantly snake my arms around his neck and kissed him passionately while his on top of me. He kissed me back with the same intensity while his tongue entered and roam around inside my mouth. My cheeks flushed when I did moan in pleasure. "Don't seduce me, Love." Una siyang bumitaw sa halik pero pakiramdam ko ay magkadikit parin ang aming mga labi. "We're still both young at gusto ko pang ma-enjoy natin dalawa nang magkasama ang kabataan." His chinito eyes crinkled as he smiles. I also don't want to take away his youth. Pangarap ko pa na matupad lahat ng mga pangarap niya pero siempre ayaw ko naman na mamatay na virgin noh! "You want to know where I've been right?" Seryoso siyang tumango at umayos ng upo sa ibabaw ng kama ko kaya naman inayos ko rin ang sarili tila ba walang laplapan na naganap sa pagitan naming dalawa. "Hold o-on. Why are you stripping?" Nakita ko ang pagtaas-baba ng Adams apple niya nang sinimulan kong itaas ang Grey v-neck loose shirt na suot ko. Pero napalitan lang din 'yon ng gulat pagkakita niya sa pasa na animo'y naka-imprenta na sa balat. Nagfe-fade na rin naman na 'yung iba pero marami pa rin ang visible. He lifted his fingers and gently touches and traces my bruises. Napapapiksi ako tuwing lumalapat ang daliri niya sa katawan ko. "I was hospitalized for more than two weeks." Pagkukwento ko. Wala na akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang lahat simula sa bugbog na inabot ko sa kamay ni Philip at sa bruhildang babaeng mukhang taga kumbento. Except na may cancer ako, siempre. "Why didn't you even called me?" Madilim na ngayon ang itsurang saad niya. Parang isang kalabit mo lang sa kanya ay sasabog na siya. " I don't want you to worry about m-" "What do you think happened to me? Sobrang alala ko Psyche! And only to find out some a♪sh♪le is taking care of you, na ako dapat ang gumagawa." Sinabunutan nito ang sarili habang napapatiim ang bagang na umiwas sa akin ng tingin. Tinulay ko ang pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit. "But that a♪sh♪le saves my as♪." Sabi ko. Pero gulat ang mukha ko ng bigla siyang tumalon sa kama na para bang sinilihan siya sa pwet. "Argh! Put your d♪mn clothes on!" Sigaw niya at napapatakip ng bibig at pilit iniiwas ang tingin sa akin. Namumulang napakamot ako ng ulo dahil sa hiya. Nakalimutan kong hindi ko pa pala naisusuot uli ang hinubad kong pan-itaas. "Overreacting ka Boo," I whispered while pouting. Mas nadagdagan pa pagkapahiya dahil sa biglaang pagtunog ng tiyan ko. "Fix yourself first. Magluluto muna 'ko" Mabilis na nagpakakpakan ang tenga ko dahil sa narinig habang nakangiting napapailing na lang si Boo na umalis ng kwarto ko para magluto. Pagka-alis ni Boo sa kwarto ko, natulala muna ako saglit at maya lang ay pigil hininga akong umirit ng tili dahil sa kilig 'saka parang bulateng bunudburan ng asin na nagpagulong-gulong sa kama. Pinagsasampal ko pa ang sarili dahil baka nasa isang panaginip lang ako, ay nako! Ayaw ko na gumising pa kung ganoon! Martyr na kung martyr. Opportunity 'to para turuan pa lalo si Boo na mahalin ako! Mali man na hadlangan ang tadhana pero 'eto ang gusto ng puso ko. Kahit ilang beses niya pa kaming hilahin ni Boo papalayo sa isa't isa, maghahanap at maghahanap ako ng ibang paraan para makasama pa siya. In this life I will make him love me for real!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD