MINULAT ko nang dahan-dahan ang mga mata at pigil ang paghinga dahil sa pagsakit ng mga kasukasuan ko sa katawan. Purong puti at amoy disinfectant ang nabungaran ko pagkagising.
Mental rehabilitation ang unang pumasok sa utak ko bago ko napansin na may nakakakabit pang dextrose sa kamay ko.
Napatawa na lamang ako ng pagak no'ng bumalik sa akin ang mga ala-ala kung bakit ako naririto sa sitwasyon ko ngayon.
"Muntik na akong mamatay!" I blurted out at napasapo sa buhok 'tsaka mabilis na pinigilan ang mga luhang nagbabadya na bumuhos sa mga mata ko.
There were no one who wants to save me. Kung hindi nga lang napadaan si Nicolai n'on ay baka nga nasa loob na ako ng kabaong sa nga oras na'to, napapalibutan na ng mga bulaklak at pinaglalamayan na.
I licked the side of my lips and I flinched in pain. Puno rin ng pasa ang mga braso ko habang hawak ko ang puting tela na nakapalibot sa may ulo ko.
"Pasensya ka na. Kailangan namin bawasan ang buhok mo para malinis ang sugat." Pumasok ang Nurse na siya yatang naka-duty sa akin dala ang chart nito sa mga bisig niya.
Inabutan niya ako ng salamin at kita ko ang dati kong hangang shoulder blade ko pa ang haba, ngayon ay pantay na ito sa leeg ko.
"Ma'am Psyche Agape, Check ko lang po saglit ang vital signs niyo." Wala sa wisyong tumango na lang ako bilang tugon sa kanya at hinayaan siyang gawin ang trabaho niya.
"Ano'ng oras na? " Tanong ko dito habang chine-check nito ang pulso ko.
"Naku, dalawang araw ka pong na-comatose dahil sa dami ng dugo ang nawala sa inyo at nagkaroon ka ng biglaang seizure. Buti na lang talaga at naagapan agad." Pagkukwento nito na ikinatahimik ko saglit.
Dalawang araw? Kamusta na kaya si Boo?
"Nasaan ako--" Napasapo ako ulit sa ulo dahil sa biglaang pagkirot ng sugat ko sa ulo.
"Teka lang Ma'am, tatawagin ko lang ang doctor." Nagmamadali itong lumabas.
Aware naman akong nandito ako sa ospital ang gusto kong malaman ay kung saan.
Kalaunan kasunod na pumasok dito ang may katandaan ng Babae na sa tingin ko ay ang doctor at familiar na mukha ng babaeng naka-wheel chair na ngayon.
"Did I told you to call me whenever you need help? You're really just like her... So stubborn." Ma'am Agnes nagged with her eyes worriedly looks at me.
Napakamot na lang ako dahil sa hiya. May tinawagan naman na kasi ako. Maling number nga lang.
"Pasensya na 'ho, nawala sa isip ko." Paghingi ko ng tawad. Sumunod naman na pumasok ang lalaking nagsugod sa akin dito sa hospital... Katulad ng iba naka-plaster sa buong mukha niya ang pag-aalala.
"Okay, since everyone is here. I want to inform the patient about her condition." Panimula ng doctor na nagbigay sa akin ng kaba.
Hindi naman siguro ako nagka-internal hemorrhage diba? Malakas na napakapit ako sa puting kumot dahil sa seryosong tingin na pinupukol ni doctora sa akin.
"I'm sorry to say this but you have brain tumor. It must be treated as early as possible," Parang nalaglag ako sa isang napakalalim na bangin dahil sa balitang narinig.
Ba't ang aga naman. Paige died at the age of 25, bakit sakin? Kaka-18 ko pa lang!
Puno ng pagtataka akong napatingin kay Ma'am Agnes pero malamlam niya lang akong nginitian.
"I can help you. Maagapan pa natin 'yan, may kilala akong magaling na neurologist sa Canada." Alok ng ginang habang lumapit ito sa akin sakay ng kanyang wheel chair at agad na hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Sasabog ba ang utak ko pag hindi naagapan?" Parang tangang tanong ko kay Nic nang iwanan muna kami saglit ng doctor at ni ma'am Agnes.
Hindi ako makaimik o makabuo man lang ng salita dahil ayaw i-digest ng utak ko ang mga sinabi nila. Parang hindi ako matutunawan dahil sa nalaman ko.
The man beside me laugh and gently tapped my shoulder. Napabuga ako ng hangin dahil mukhang hindi man lang kayang seryosohin ng lalaking 'to ang kalagayan ko.
"HAH...Pftt.. Sorry-sorry. I can't help it."
"Para kang nakakaloko ah. Tingin mo ba sa buhay ko, entertainment show?" Inirapan ko siya kaya naman mas lalong tumawa siya ng malakas para mas asarin ako.
"Parang ganun na nga," He uttered with a grinned.
"Halatang bored na bored ka nga sa buhay, mas mukha kang may sakit sa utak kesa sa akin." Humilata ako sa kama at nagtulakbong ng kumot. Bahala siya kausapin niya sarili niya.
"Si Jaeden," Aniya na agad nakapagpabalikwas sa akin mula sa pagkakahiga.
"Alisto ah! Hindi ka naman mukhang patay na patay," He added at tumawang muli.
"Argh! Ikaw ang papatayin ko pag hindi mo tinapos ang pagkukwento!" Buti na lang at sa isang pribadong kwarto ako nilagay kung hindi ay baka nakastorbo na kami ng iba pang mga pasyente.
"H'wag ka kasing atat. Ayun nga, as usual madaming nakadikit sa kanyang mga babae lalo na 'yung chix na lagi niyang kasama." Napangalumbaba ako at tamad siyang tinignan habang nagkukwento.
"Oh tapos? Ano'ng bago?" Tanong ko.
"The latest is he seems restless, lately. Parang zombie tuwing nakikita kong pumapasok siya ng campus." Kwento niya pa at inaantay ang magiging reaksyon ko.
"Yun lang?" Hindi ko pinahalatang napuno ako ng pangamba at nagkunwaring inaantok sa kwento niya. Dahan-dahan pa siyang tumango at nakaabang pa'rin sa magiging reaksyon ko.
Ilang minuto pa akong nakipagtitigan sa kanya at hindi ko na mapigilan magsalita.
"Pahiram ng cellphone." I commanded. Pigil naman ang ngiti nito habang dinudukot ang cellphone sa bulsa ng suit niya.
Inabot niya sa akin ang iphone 13 pro max at tinuro kung ano ang password. Mukha ko ang wallpaper niya na kuha pa 'yata simula nung wala akong malay.
Panakot niya yata sa mga daga or baka naman souvenir na nabugbog ako. Mabilis ko naman dinelete ang picture ko sa cellphone niya bago ako pumunta sa dial app.
Baka gamitin niya pa pam-blackmail kay Boo para huthutan siya ng pera, mahirap na. Ayaw kong mamulubi ang baby ko.
"Ah, Wala nga pala akong load." Akto pa sana akong magtitipa na ng number ng magsalita siya. Inis na nilingon ko siya habang may 'what the fvck'- look na naka-display sa buong mukha ko.
Bumulalas siya ng tawa 'tsaka mabilis na kinuha ang cellphone niya.
"Ibibili na lang kita ng cellphone na may sandamakmak na load pag balik ko.. Your face was priceless HAHAHAH" Nangangalaiti kong tinapon sa kanya ang unan ko pero patuloy parin siya sa pag tawa kahit sa paglabas niya ng pinto ay rinig ko parin ang halakhak niya.
Hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang siyang maisugod sa mental rehabilitation center.
"Ang gandang cellphone tapos walang load? Ako ba, ginagago ng lalaking 'yon?" Hindi paring makapaniwalang bulalas ko sa sarili.
TRUE as what Nicolai said. Binilhan niya nga 'ko ng mamahaling cellphone na may prepaid load at dahil pala desisyon ang lalaki ay nangunguna pa ang contact number nito sa bagong cellphone ko. Dagdag pa na may mga unfamiliar contacts at halata'ng hiningi niya ang buong number ng mga nurses and doctors sa ospital kung saan ako naka-confine.
Ilang beses ko na rin naisip na ibato ang bago kong cellphone sa kung saan dahil sa maya't maya niyang tawag para lang pumatay ng oras!
Kung hindi lang talaga ito mamahalin, ay nako!
Naka-ilang tawag pa siya habang nasa kalagitnaan ako ng paglamon pero hindi ko ito sinagot at ni-silent ko muna ang cellphone ko at iniwan sa may tabi hanggang sa matapos akong kumain bago ko ito binalikan.... Halos nakalimang missed calls pa ito. Bibitawan ko na sana ang bago kong cellphone nang mag register ang pangalan nito sa screen.
"Gwapong Ibon... Calling..." Basa ko pa sa pangalan nito na siya mismo ang naglagay, 'tsaka ko pinindot ang answe button.
"Oh ano, na naman? Tapos na'ko kumain. No need to remind me from time to time!" Bungad ko at iritang nginawngawan si Nicolai sa kabilang linya. Nakapamaywang pa ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
Nanatiling tahimik ang lalaki, tanging malalalim na paghinga lang ang naririnig ko.
Baka siya naman ngayon ang nakahanap ng gulo.
"Hoy, nic! Nand'yan ka pa?.... Haloo!?" I muttered dahil wala man lang akong sagot na tanggap. Parang tanga lang, tatawag-tawag tapos wala naman pa lang sasabihin.
I am ready to tap the end call when a familiar voice spoke from the other line. The voice a longed for almost a week.
I miss him so much.
"You're busy answering this assholes calls? While I almost got insane to know where you are? Almost got fvcking crazy if you're safe!? Really, Psyche?! " Bulyaw niya sa kabilang linya. My heart got overwhelmed just by listening to his voice.
Parang lahat ng sama ng loob ko sa kanya at ang mga sakit na nararamdaman ko sa katawan ay basta na lang biglang nawala.
I am already emotionally healed in an instant.
"Na-miss din kita...." I mouthed. Hindi ko kayang isa tinig ang nararamdaman ko. Kahit sa cellphone lang ay ramdam ko ang pag-aalala niya.
"... Sorry, you do not have enough load balance to make this call.... Toot... Toot.. " Tangi kong nai-usal dahil hindi pa ako handang sumagot sa mga tanong na alam kong ilang araw niya ring hinanda.
I hanged up... Labag sa loob ko pero pakiramdam ko 'yun ang tama. Hindi naman kasi pwedeng bigla kong ipaalam sa kanya na may cancer ako sa utak. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya?!
Mauuwi lang sa pagiging mas overprotective si Boo at baka ipadala ako sa malayo para magpagamot. Ayaw kong mahiwalay sa kanya.
Masaya akong mamamatay ng nasa tabi niya.
May pumatak na mga luha sa screen ng hawak kong cellphone na tititigan ko. Hinihintay kong tumawag ulit si Boo pero hindi na ulit ito nangyare.
"Hindi kita pipilitin na magpagamot pero laging bukas ang offer ko para sayo, Paige." Nanghihina nang usal ni ma'am Agnes.
" Si Psyche nga po ako..." Pagtatama ko sa ginang. Paulit-ulit niya akong tinatawag sa pangalan ng yumao niyang kaibigan. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Maria tuwing inaasar ko siya.
" At malaki po ang pagpapasalamat ko sa kabutihan niyo," Sinsero kong dagdag at mahigpit siyang niyakap. Wala akong prinoblema sa gastusin ko sa hospital dahil sinagot 'yon lahat ni Ma'am Agnes kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya.
Isang linggo bago ako na discharge sa hospital at excited na akong umuwi at makapiling si Boo. May mga galos at pasa pa ako sa mga braso at kita pa ang kulay-violet sa gilid ng labi ko. Pero matatago naman ang mga 'yon ng concealer e.
Napaisip pa nga ako kung hindi pa ako nabugbog at na-hospital ay baka hindi ko pa malalaman na may malalang sakit na pala akong iniinda.
Madami pa'ng pinagbilin ang ginang sa akin at bibigyan niya pa nga raw ako ng mga tips para humaba pa ang buhay na ikinangiti ko na lamang bago niya ako tuluyan nang pinakawalan.
I already made my decision. Kung gusto ng tadhana na mamatay ako, then be it. I'll treasure every moment with Boo and gave leave something special for him to remember.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako na nakita ko si Boo sa hospital pero agad ko din binalewala at baka nagkataon lang na may kamukha siya.
Ano naman din ang gagawin ni Boo sa hospital? Alangan naman puntahan ako at sunduin. Eh, hindi niya nga alam kung na saan ako.
Minuto lang ang tinagal 'kong paghihintay sa may garahe ng Hospital building bago dumating si Nicolai na siyang sundo ko.
"Dala ko ba?" Tanong ko.
"Yes, boss." Sumaludo pa ito at inabot sa akin ang foundation at concealer na pinadaanan ko muna sa kanya bago niya ako sunduin dito.
"Pagbutihin mo lang ang trabaho mo at makakatikim ka sa akin," I jokingly said. Tatawa-tawang pinagbuksan niya ako ng pinto 'tsaka niya ako inalalayan papasok ng kotse niya at agad na binuhay ang makina 'saka ito minani-obra.
Kapansin-pansin ang maliit na cut sa gilid ng kilay at labi niya. He flinched away on my action as I caresses the side of his lips.
"Pa-fall ka na niyan?" He said na may ngiti sa labi.
"Basagulero ka na niyan?" Bara ko pabalik sa kanya. At malakas na pinitik ang sugat niya sa labi bago bumulalas ng tawa.
"Hindi, pero si Jaeden mo. Oo." Natahimik ako at gulat na mukhang tinignan siya. Nang makita ang reaksyon ko ay siya naman ang tumatawa.
"Kainosente lang ni Boo," Usal ko sabay irap sa kanya.
"You're head over heals to that man." Babarahin ko pa sana siya nang bumulong pa ito na malinaw naman na nakarating sa pandinig ko.
"Damn, what a lucky bastard." Bulong niya habang hindi inaalis ang mga paningin sa daan.
(。♡‿♡。)