Chapter Nineteen

1479 Words
Sumapit naman ang hapon at naghanda na nga si Christian sa pagkikita nila ni Jester. Isinuot naman ni Christian ang mga damit na ibinigay sa kanya ni Justin. Tinulungan anman siya ni Justin na ayusin ang kanyang buhok. Hindi kasi sigurado si Christian kung aling hairstyle ang babagay sa kanya. Iang segundo namang napatitig si Christian sa kanyang sarili sa salamin. Hindi niya alam ang mararamdaman ngayong nakatodo ayos siya. Ito ang unang beses na nagbihis siya para lang mapansin ng iba. Napatingin naman siya kay Justin. “Sigurado ka ba rito?” ang tanong naman ni Christian. “Hindi ba napasobra yata ang ayos ko?” “Hindi naman,” ang saad ni Justin. “Hindi ka lang sanay sa ganitong istilo ng pananamit.” “Hindi ko inasahan na wala namang kinabahan ang pananamit sa panahon sa panahon niyo,” ang komento naman ni Christian. “Bakit? Ano ba sa tingin mo ang istilo ng pananamit ng mga tao sa hinaharap?” ang tanong naman ni Justin. Nais niya ring malaman kung anong isasagot ni Christian.  Akto namang napaisip si Christian. “Sa tingin ko kasi parang sa mga scifi movies na napapanood ko,” ang paliwanag naman ni Christian. “Yung metallic ang damit. Parang ganun.” Natawa naman si Justin sa kanyang narinig at napailing. “Walang ganun sa panahong pinanggalingan ko. Handa ka na ba?” Napailing naman si Christian sabay ngiwi. “Hindi ko alam,” ang saad niya. “Kinakabahan talaga ako, Justin.” “Hindi ba’t sinabi kong wala ka namang dapat alalahanin,” ang wika ni Justin. “Hindi ba’t ikaw na ang nagsabi na hindi naman ‘yun date, mamamasyal lang kayo.” Natigilan naman si Christian. “Oo nga, no?” ang reaksyon niya nang maintindihan ang ibig sabihin ni Justin. Napangiti naman siya. “Handa na ako.” “Magpaalam na muna tayo sa mama mo,” ang payo ni Jusutin bago sila lumabas ng silid at nagtungo sa sala. Nagpaalam naman ang dalawa ngunit bago sila pinayagang umalis ay inabot ni Aling Marites ang binalot nitong spaghetti na ipinangako niya kay Justin. “Maraming salamat po, Tita.” “Walang anuman. Huwag kang mahihiyang dalaw-dalawin si Christian,” ang tugon naman ni Aling Marites bago bumalik sa kanyang ginagawa, ang manood ng teleserye tuwing hapon. “Babalik na rin ako sa hinaharap,” ang paalam naman ni Justin kay Chrsitian. “Basta ang maipapayo ko sa’yo ay maging totoo ka lang sa sarili mo. Babalik ako mamaya para mangamusta. Pumunta ka na; baka mahuli ka pa at paghintayin mo pa si Jester.” “S-sige,” ang pagpayag naman ni Christian. Muling pumasok si Justin sa silid ni Christian samantalang lumabas na nga ng bahay ang isa. Napatingin naman si Jester sa kabuuan ng silid ni Christian. Napakasimple nito tulad ng pagiging simple rin ni Christian. Hindi naman nagtagal ay tinignan niya ang kanyang relos at sinimulang kalikutin ito. May liwanag na nagmula rito na siya namang bulamot sa kanya. Sa pagkawala ng liwanag ay siya rin anmang kanyang paglaho. NAGLALAKAD si Christian patungo sa malapit na kalsada upang sumakay ng jeep. Isa lang namang pangkaraniwan na araw na ‘yun. Ang kalangitan ay puno ng mga ulap, normal sa mga panahon ngayon sa Baguio. Palagi naman syang may dalang payong sa kanyang bag. Palagi kasi itong binibilin sa kanya kaya anamn nakaugalian niya na rin naman ang pagdala nito. Hinugot naman niya ang kanyang smart phone. Naisipan niya na mas makakabuti kung ipapaalam niya kay Jester na papunta na siya. Kaagad din namang nag-reply si Jesterna papunta na rin ito. Nakapagsunduan ng dalawa na magkita sa foodcourt ng pinakamalaking mall sa syudan na ‘yun. Ilang minuto pa siyang naghintay ng jeep; hindi kasi madalas na magdaan ang mga jeep kaya naman kinakailangan ng matagal na pasensya. Pagkalaipas ng ilang minuto ay hindi nan ga siya nakatiis at nagsimulang maglakad palabas ng village. May paradahan kasi ng jeep na puwedeng lakarin. At sa puntong ito ay wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ang maglakad kahit na paakyat ang daang kailangan niyang lakarin. Ilang minuto pa lang siyang naglalakad ay ramdam na niya ang pagod; mas lalo niya pang naramdaman ang pagod dahil nagmamadali siyang makarating sa paradahan. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating siya sa paradahan. Kaagad naman siyang pumila. Mabuti na lamang ay maikli lang ang linya, hapon kasi. Sakto namang may dumating na jeep kaya naman kaagad siyang nakasakay. Sinuot naman niya ang kanyang earphones at nagsimulang makinig ng mga awitin sa kanyang playlist. Kanina lang ay gumawa ng panibagong playlist si Justin, ayon sa kanya, ito ang mga awiting gusto ni Jester. Kung paano ‘yun nalaman ni Justin ay hindi niya rin alam ang kasaagutan sa tanong na ‘yon. Ang relos lang ang tanging alam niyang paraan ni Justin upang malaman ang mga ganitong bagay. Sa totoo lang ay hindi niya gusto ang mga awitin na nasa playlist na ‘yun ngunit alang-alang sa kahilingan sa kanya ni Justin ay ginawa niyang pakinggan ang mga awiting naroon. PAGKARATING niya ng city proper ay muli siyang suumkay ng ibang jeep patungo sa mall. Nang makarating siya ay dumeretso naman siya sa food court at hinanap si Jester sa mga taong nakaupo roon ngunit kahit na inisa-isa niya ang mga tao roon ay hindi niya ito makita. “Patay, ghinost yata ako ni Jester,” ang bulong niya sa kanyang sarili. Kaagad naman niyang hinugot ang kanyang smart phone at pinadalhan si Jester ng mensahe, na naroon na siya. “Christian,” ang pagtawag ng isang pamilyar na tinig. Kaagad naman napalingon si Christian. Naroon nan ga si Jester. “K-kanina ka pa diyan?” ang tanong naman sa kanya ni Christian. “Kararating ko lang din,” ang tugon naman ni Jester. “Kanina ka pa ba naghihintay?” “Kararating ko rin.” “Gusto mo ba munang kumain?” ang tanong ni Jester sa kanya. “Hamak din lang na narito na tayo.” “Sige,” ang pagpayag naman ni Christian. Inikot naman nila ang mga stall sa food court. “Anong gusto mong kainin?” ang tanong ni Jester. “Ayokong kumain ng mabigat,” ang tugon naman ni Christian. “Nagluto kasi si Mamam ng spaghetti kanina kaya naman medyo busog pa ako.” Napatango naman si Jester. “Gusto mo ba ng crepes?” ang tanong ni Jester sa kanya. Pumayag naman si Christian. “Anong flavor ang gusto mo?” “St—,” kaagad namang natigilan si Christian nang makitang nakatitig si Jester sa isa sa mga display. Napangiwi naman siya sabay sabing, “Ayoko sa strawberries.” Halos mapanganga si Christian sa kanyang narinig. Strawberries kasi ang paboritong prutas ni Christian kaya anman kahit sa flavor ay strawberry din ang palagi niyang kinukuha. “Ang pangit ng texture, parang may buhangin.” Kaagad namang naintindihan ni Christian ang ipinaglalaban ni Jester. Ang mga buto ng strawberries sa balat nito ang tinutukoy niya. ‘Hindin ko maintindihan kung bakit maraming tao ang may gusto sa prutas na ‘yan. Ano sa tingin mo, Christian?” “H-ha? Oo, tama ka nga sa sinabi mo,” ang pagsang-ayon ni Christian. “Ayoko rin sa strawberries,” ang saad niya. “So, ano nga palang flavor ang gusto mo?” ang muling pagbabalik ni Jester sa naudlot nilang usapan. “Ah, yung chocolate,” ang tugon naman ni Christian bago napasulyapn sa strawberry crepes. ‘Yun ang gusto niyang kainin. “Farewell, strawberries,” ang wika nito sa kanyang sarili. Napabuntong-hininga naman ito at sinabihan si Jester na maghahanap siya ng mauupuan. Ito nga ang kanyang ginawa. Nang makahanap siya ng upuan ay pumwesto siya at napatingin sa paligid. Nasa isipan niya si Jester. Maraming bagay na hindi sila magkatulad. Tulad na lamang sa pagkadisgusto ni Jester sa strawberries na siyang paborito naman niyang prutos. Isa pa, ang playlist ng mga awitin na gusto ni Jester. Hindi siya nakikinig sa mga ganoong klase ng musika at hindi rin siya sigurado kung pagkalaipas ng ilang araw o linggo ay kung magugustuhan niya nga rin ang mga awiting ‘yun. Hindi naman nagtagal ay dumating si Jester. Bitbit niya ang mga crepe na in-order niya. Ipinatong naman niya ang chocolate crepe sa tapat ni Christian. Hindi naman sa ayaw ni Christian sa chocolate pero simula nang makita niya ang naka-display kanina ay gusto niya na itong tikman. “Jester,” ang pagtawag sa kanya ni Christian. “Anong klase ng mga kanta ang gusto mong pinapakinggan?” ang tanong niya rito. Sumagot naman si Jester. “Ikaw ba?” “Pareho tayo,” ang tugon naman ni Christian. “Akalain mo!” ang masayang reaksyon ni Jester. “Ang dami palang bagay na magkapareho tayo!” “Oo nga, eh,” ang pagsang-ayon naman ni Christian. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD