“Email?” ang muli namang reaksyon ni Christian sabay tawa. Napailing na lamang si Justin sabay ikot ng kanyang mga mata.
“Sandali lang,” ang saad ni Justin bago tumayo at kinalikot ang ang kanyang relos.
“Babalik ka ng hinaharap?” ang tanong ni Christian. Napatango naman si Justin. “Bakit naman? Ipinagluluto ka pa naman ni Mama ng spaghetti dahil hiniling mo sa kanya.”
“Hindi naman ako magtatagal. May kukunin lang ako,” ang tugon ni Justin. Bago siya nagliwanag at tuluyang naglaho. Pagkalipas naman ng ilang minuto ay muling nagliwanag kasunod ng muling pagpapakita ni Justin.
“Ang bilis mo nga!” ang bulalas ni Christian nang muling makita si Justin.
“Sinabi ko naman sa’yo, mabilisan lang ako,” ang wika naman ni Justin.
“Ano ba kasi ‘yung kinuha mo?” ang nagtataka namang tanong ni Christian.
“Heto,” ang tugon ni Justin sabay pakita ng hawak niyang puting paper bag. Inabot namana niya ‘yun kay Christian.
“Ano ito? Pagkain?” tanong naman ni Christian.
“Wala bang ibang laman ang isipan mo kundi pagkain?” ang tanong naman pabalik ni Justin. Hindi naman umimik si Christian, bagkus ay binuksan niya ang paer bag at sinilip ang laman nito.
“Damit,” ang nagtataka niyang saad bago tumingin kay Justin. “Para saan itong damit?”
“Hindi ba magkikita kayo ni Jester mamayang hapon?” ang pagpapaalala naman ni Justin sa kanya. “Yan ang isuot mo sa date niyo.
“Hala siya! Hindi ‘yun date!” ang reaksyon naman ni Christian sabay tingin sa damit na ibinigay sa kanya ni Justin.
“Kung hindi ‘yun date, ano palang tawag mo sa paglabas niyo?” ang tanong naman sa kanya ni Justin.
“Hang-out?” ang hindin naman siguradong tugon ni Christian kaya napaikot ng mga mata si Justin.
“Seryoso ka? Okay ka lang?’ ang reaksyon naman ni Justin. “Date ‘yun, at wala nang iba pang tawag.”
“Mas lalo akong kinakabahan kapag tinatawag mong date ‘yun,” ang argyumento naman ni Christian.
“Hindi mo naman kailangang kabahan,” ang wika ni Justin. “Tulad nga ng sinabi ko sa’yo kanina, wala kang dapat alalahananin. Ang kailangan mo lang naman gawin ay maging totoo sa saarili mo kapag nagkita kayo ni Jester. Maniwala ka sa akin, magugustuhan ka niya.”
“Masyado mo yata akong binebenta sa kanya,” ang komento naman ni Christian.
“Malamang!” ang natatawang tugon ni Justin. “Kaya nga ako narito, hindi ba? Dahil gusto kong makatuluyan mo si Jester.”
“Sa bagay may tama ka,” ang wika ni Christian. Kapwa naman sila natigilan anng may kumatok sa pinto, si Aling Marites.
“Handa ang meryenda,” ang wika nito sabay bukas ng pinto. “Halina kayo sa kusina.”
“Tara na!” Kaagad namang nagliwanag ang mga mata ni Justin. Sabay naman silang nagtungo sa kusina. Kaagad na inihanda ni Aling Marites ang inihanda niyang spaghetti para sa kanyang anak at kay Justin.
“Kumain kayo ng marami,” ang wika ni Aling Marites. Sabik namang kumuha si Justin. Pinanood naman siya ni Christian at ni Aling Marites; sabay din nilang inabangan ang pagtikim nito sa luto.
“Kamusta?” ang tanong ni Aling Marites kay Justin nang maksaubo ito ng spaghetti. Ngumuya muna si Justin bago masayang napatango.
“Ang sarap!” ang wika naman ni Justin. “Dapat mo, magtayo kayo ng restawrant sa sarap niyong magluto.”
“Nakakatuwa ka talagang bata ka!” ang reaksyon ni Aling Justin. “Marami pa ‘yan. Kumain ka lang, at mag-uwi ka na rin.”
“T-talaga po?” ang tanong ni Justin. Hindi naman siya makapaniwala sa kanyang narinig.
“Oo naman!” ang tugon ni Aling Marites. “Dalasan mo ang pagbisita rito nang maipagluto pa kita ng ibang putahe.”
“Samantalang ako, hindi mo man lang tinatanong kung anong gusto ko,” ang komento naman ni Christian. “Yung totoo, anak niyo po ba talaga ako?”
Kapwa naman natawa si Justin at Aling Marites sa kanilang narinig. “Paano kung sabihin kong , ampon ka lang?” tanong naman ni Aling Marites.
“Kung gayon ay hahanapin ko na po ang mga tunay kong magulang,” ang tugon naman ni Christian. “Baka sakaling anak ako ng isang business tycoon o kaya ng isang mafia lord. Tapso mayaman talagang pamilya ang pinanggalingan ko. Aapihin ako nng mga tunay kong kapatid dahil hindi nila ako tanggap. Gagawing katulong, ikukulong sa chimeneya at pagbabalatin ng patatas. Malalaman na sana ng aking ama ang pagmamaltrato sa akin ng aking stepmother at mga stepsister pero misteryoso siyang nawalan ng buhay kaya mas lalo akong pinahirapan. Sa aking pamamalengke, may nakasalubong akong lalaking ubod ng guwapo. Siyempre, magkakabanggaan kami. Hihingi siya ng paumanhin. Mahinhi ko namang tatanggapin ang paghingi niya ng paumanhin. At sa isang tingin ko lang ay mahuhulog an ang loob niya sa akin.”
Natahimik naman si Justin at Aling Marites sa mga pinagsasabi ni Christian. Napakalawak talaga ng imahinasyon ni Christian at kapwa nila alam ang katotohanang ito. “Tuloy mo lang,” ang saad ni Aling Marites na na-hook sa mga kabalbalan ni Christian.
“Taposhindi ko pala alam na ‘yung lalaking makakabanggaan ko ay ang lalaking tanging minamahal ng isa sa mga stepsister ko. Hindi niya matanggap na sa akin nahulog ang lalaking pinakamamahal niya kaya naman gumawa siya ng paraan para masira kami sa isa’t-isa. Nagtagumpay siya kaya naman mas pinili kong lumayo.”
“Tapos?” ang tanong naman ni Justin habang kumakain pa rin ng spaghetti. “Nagpatalo ka lang?”
“Siyempre, sa una, ganun talaga,” ang saad ni Christian habang naglalagay ng softdrinks sa mga baso. Ramdam niya na kasi ang pagod sa pagkuwekwento. “Hahanapin ako ng abugadong kaiklala ng aking yumaong ama. Malalaman ko na sa akin pinamana ang pinakamalaking parte ng kanyang yaman. At dahil may yaman na ako, matitikman nila ang ganti ng isang api!”
“Paano naman?”
Napaisip naman si Christian. “Magtutungo ako sa America at ilang buwan akong maninirahan doon. Pagbalik ko ng Pilipinas, parang ibang tao na ako. Sa una ay hindi ako makikilala ng mga taong umapi sa akin. Magugulat na lamang sila na kinakalaban ko ang negosyong kanilang ipinundar. Mas papatok ‘yung s akin kaya gusto nilang makilala ang may-ari ng negosyong kanilang kakompetensya.”
“Nakaka-excite naman ang mga susunod na mangyayari,” ang komento ni Aling Marites sa kuwento ng kanyang anak. “Anong sunod na mangyayari?”
“Malalaman ko na naging mag-syota ang ex ko at ang stepsister ko kaya naman mas tumindi ang pagnanais kong maghiganti sa kanila,” ang tugon ni Christian. “Ma event na magkikita kaming lahat kayanaman pinaghandaan ko ang aking grand entrance. Naka-all black ako para ramdam ng lahat ang aking pagbabalik!”
“So, paano ka maghihiganti sa mga nang-api sa’yo?” ang tanong ni Justin.
“Aagawin ko ulit ang ex ko,” sagot ni Christian.
“Parang masyadong cliché ‘yan,” ang komento anman ni Justin.
“Talaga ba?” ang tanong ni Christian. “Kung ganoon ay ano ba dapat kong gawin?”
“Ano yung cliché?’ ang tanong naman ni Aling Marites sa kanila.
“Gasgas na po,” ang simple namang paliwanag ni Justin.
“Magdagdag ka ng isa pang male lead,” ang suhestyon ni Justin. “Mas magandang may rason upang magbago ang isipan mo.”
“Sa tingin ko ay tama si Justin,” ang pagsang-ayon naman ni Aling Marites. “Tapos maguguluhan ang puso mo at mapapaisip ka kung talagang ikakasaya mo ang paghihiganti.”
“Ay, oo nga,” ang saad naman ni Christian. “So, ampon talaga ako?”
“Loko-loko, hindi,” ang tugon naman ni Aling Marites. “Paanong ampon ka? Magkamukhang-magkumaha tayo. Hindi ba, Justin?”
“Para po kayong pinagbiyak na bunga,” ang pagsang-ayon naman ni Justin. Napangiwi naman si Christian sa kanyang narinig.
“Parang hindi anman,” protest ani Christian.
“Hoy, ang agnda ko kaya!” ang argyumento naman ni Aling Marites.
“Oo na lang po,” ang sarkastiko namang saad ni Christian bago ipinagpatuloy ang pagkain. “Ma, aalis pala ako mamayang hapon,” paalam niya sa kanyag ina.
“Saan ka naman pupunta?” ang tanong ni Aling Marites. Napatingin naman si Christian kay Justin na abala sa kinakain kaya naman hindi naman siya napapansin. Hindi naman nagtagal ay siniko niya si Justin na kaagad namang natigilan at napatingin sa kanya.
“May group project po kaming gagawin sa labas,” ang pagdadahilan naman ni Justin kay Aling Marites. “Deretso uwi rin po kami pagkatapos.”
Napatingin naman si Aling Marites kay Christian. “Uuwin rin po ako kaagad,” ang saad naman niya.
“Kahit hindi ka na muna umuwi,” ang komento naman ni Aling Marites.
“Ha?” ang gulat namang reaksyoni Christian.
“Buong araw kang nasa loob ng silid mo,” ang paliwanag ni Aling Marites. “Mas makabubuti sa’yon kung nasa maglalabas-labas ka. Baka tubuan ka nma niyan ng kabute.”
“Uuwi ako,” ang giit naman ni Christian. Pagkatapos niang kumain ay bumalik naman si Christian at Justin sa silid. Ipinagpatuloy ni Christian ang paggawa ng kanyang reaksyon paper samantalang naupo sa gilid ng kama si Justin; binabasa niya ang isang librong nakita niya sa study table ni Christian. Lihim niyang pinagmamasdan ang taong kanyang pinuntahan sa panahong ito. Pilit siyang ngumiti.