Chapter Seventeen

1692 Words
PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO… Naging maayos namana ng takbo ni buhay ni Christian, pagkatapos ng pagkikita nil ani Jester sa University Library atwala namang espesyal na nangyari. Maliban na lamang sa paminsan-minsang pakikipag-usap niya kay Jester sa telepono.  Ilanga raw na ring hindi nagpaparamdam o nagpapakita si Justin sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa kanyang silid at nakatitig sa screen ng kanyang laptop. May tinatapos siyang reaction paper; pinapanood kasi sila ng isang documentary patungkol sa buhay ni William Shakespeare. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano ito isusulat. Halos ilang beses siyang nakaidlip habang sabay-sabay nilang pinapanood ang documentary film. Binuksan na lamang niya ang browser at nagbasa patungkol sa tanyang na manunulat. Ilang pangungusap pa lang ang kanyang nababasa nang mapansin niya ang pagliwanag mula sa kanyang likuran. Kaagad naman siyang natigilan at napalingon. Lumabas naman si Justin mula sa liwanag. “Justin!” ang bulalas naman ni Christian nang makita siya. Napatayo ito at kaagad sinalubong ang kanyang anak sa hinaharap. “Bakit ngayon ka lang nagpakita?” “Bakit? May nangyari bang hindi maganda?” ang tanong naman pabalik sa kanya ni Justin. “Wala naman,” ang tugon ni Christian. “Ilang araw ka kasing hindi nagparamdam.” “Na-miss mo agada anag future handsome son mo?” ang panunukso naman ni Justin. Napasimangot si Christian bilang reaksyon. “Pero seryoso, may masama bang nangyari habang wala ako?” “Wala, nag-alala lang talaga ako para sa’yo,” paliwanag naman ni Christian. “Kamusta naman kayo ni Jester?” ang sunod na tanong ni Justin sa kanya. “Wala naman masyadong ganap,” ang balita ni Christian. “Nagte-text kami sa isa’t isa. Minsan, nakakausap ko siya at ilang beses na rin siyang sumabay sa amin tuwing lunch time. Napatango naman si Justin. “Kung ganoon ay kailangan na nating i-level up ang pang-aakit mo kay Jester.” “Pang-aakit?” ang pag-uulit naman ni Christian. “Hindi ko siya inaakit.” “Kung ano mang tawag sa ginagawa natin ay kailangan na talaga nating mag-level up,” ang komento ni Justin. “Akin na ang phone mo.” “Bakit?” ang gulat namang reaksyon ni Christian. “Huwag ka nang matanong at ibigay mo na lang sa akin,” ang argyumento naman ni Justin. Wala naman siyang ibang nagawa kundi ang iabot ang kanyang smartphone. Nagpadala nga ng mensahe si Justin kay Jester sabay upo sa gilid ng kama. Sinilip ni Christian ang mensaheng ‘yun. “Hi, Jester.” Ito lamang ang nakalagay kasama ang isang smile emoji. “ “Ano bang balak mong sabihin sa kanya?” ang tanong ni Christian. Inilapag naman ni Justin ang smart phone sa night stand at napatingin sa kanya. Pinatahimik naman niya si Christian. “Maghintay ka lang,” ang tugon niya kay Christian. “Bakit nga ba ngayon ka lang muling nagpakita?” ang pagbabalik ni Christian sa kanyang katanungan para kay Justin. “Marami lang akong inasikaso sa hinaharap,” ang nakangiting tugon naman ni Justin. “Christian, makinig ka sa akin. Kailangan na nating magmadali dahil… wala na rin akong natitirang oras.” “A-anong ibig mong sabihin ang naguguluhan namang tanong ni Christian. Napailing naman si Justin at pinilit na ngumiti. “Hindi mo na kailangang malaman,” ang tugon naman niya. Sabay naman silang napatingin sa smartphone ni Christian anng umilaw ito at mag-vibrate. Kaagad namang kinuha ‘yun ni Justin at binasa ang reply ni Jester. “Hello, Christian,” ang pagbati naman pabalik ni Jester. “Anong ginagawa mo ngayon?” “Ano bang ginagawa mo?” ang tanong naman ni Justin kay Christian. “Ah, gumagawa ako ng reaction paper,” ang tugon naman ni Christian an ibinalita naman ni Justin kay Jester. Hindi naman nagtagal ay inabot din ni Justin ang phone ni Christian pabalik sa kanya. “Ikaw na ang makipag-usap,” utos nito. “A-anaong sasabihin ko?” ang nauutal namang tanong ni Christian. “Ikaw na ang bahala,” ang tugon naman ni Justin. “Yayain mong lumabas mamayang hapon.” “Ha?!” ang bayolente namang reaksyon ni Christian. ‘Justin, hindi ko magagawa ‘yan! Naku naman.” “Kailangan mo,” ang argyumento naman ni Justin. “Para na rin sa sarili mong kapakanan.” “Christian! Christian” ang pagtawaqg naman ni Marites sa kanya bago kumatok at binuksan ang pinto. “Bakit ka ba sumisigaw?” pagalit na tanong niya sa kanyang anak ngunit kaagad siyang natigilan anng makitang may iba siyang kasama sa kanyang silid. “Justin!” ang bulalas ni Aling Marites. “Narito ka pala. Hidni ko man lang napansin na dumating ka para bisitahin si Christian.” “Pasensya na po sa pagdating ko nanag walang paalam,” ang paghingi naman ng paumanhin ni Justin. “Asus, wala ‘yun,” ang tugon naman ni Aling Marites. “Anong gusto mong meryendahin at dadaan ako sa tindahan?” “Grabe ka talaga, Mama,” ang reklamo naman ni Christian. “Ano na namang pinagpuputak mo diyan?” ang masungit namang tanong ni Aling Marites sa kanyang unico hijo. “Ngayon ka lang nagtanong kung kailan narito si Justin,” ang paliwanag naman ni Christian. “Magpaslamat ka na lang dahil nagtanong ako,” ang tugon naman ni Aling Marites. “Ikaw talagang bata ka.” Muling itinuon ni Aling Marites ang kanyang tingin kay Justin. “May gusto po sana akong i-request sa inyo,” ang saad naman ni Justin. ‘Narinig ko po kasi mula kay Christian na masarap po kayong magluto ng spaghetti.” “Spaghetti?” ang nagtatakang tanong ni Aling Marites. “Kaarawan ko rin po kasi kahapon,” ang pahabol pa ni Justin sabay kamot ng ulo. “Hindi nga?” ang sabay na reaksyon ni Christian at Aling Marites. Napatango naman si Justin. “Osiya, sige,” ang pagpayag naman ni Aling Marites. Mabuti an lang at nakabili akon ng stock. Magluluto na muna ako,” “Kailangan niyo po ng tulong?” ang tanong naman ni Justin. “Hindi na,” ang pagtanggi naman ni Aling Marites. “Napakasuwere naman ng mga magulang mo. May pagkukusa ka; hindi tulad ng kilala kong iba diyan,” apagpapariniog niya pa. Napasimangot naman si Christian. “Tumutulong kaya ako parati dito sa loob ng bahay,” ang argyumento ni Christian. “Binibiro lang kita,” ang tugon naman ni Aling Marites bago tuluyang lumabas. Napatingin naman si Christian at Justin sa isa’t-isa. “Justin, hindi ko talaga kaya ang gusto mong gawin mo,” ang saad ni Christian. Napaikot naman ng mga mata si Justin sabay buntong hininga. “Osiya, ako na ang gagawa,” ang anunsyo nito bago kinuha ang smart phone ni Christian. Nagsimula naman itong mag-type bago ibinalik  kay Christian. Binasa naman niya ang mensaheng ipinadala ni Justin. Yinaya na nga nito si Jester na lumabas sila. Napalunok naman si Christian sa kaba; hindi lang sa paghihintay niya ng magiging kasagutan ni Jester kundi kung anong magiging eksena mamayang hapon kung mapagkakasundua nga nilang magkita. Mabilis namang nagreply si Jester. “Anong sabi?” tanong ni Justin kay Christian. “Hindi ko kayang basahin,” wika anamn ni Christian bago inabot ang kanyang phone kay Justin. Kinuha naman ‘yun ni Justin at binuksan ang reply ni Jester. Napangiwi naman si Christian. Naiintindihan naman ni Justin ang naging reaksyon ni Christian. Sa mga oras ng kanilang kabataan, natural na ang pagiging overdramatic. “Pumayag siya,” ang balita naman ni Justin. “Talaga?” “Oo. Tinatanong na nga niya kung saan daw kayo magkikita at kung anong balak niyong gawin?” “Wala akong kaide-ideya!” ang reaksyon naman ni Christian sabay baon ng kanyang mukha sa kanyang unan. Napabuntong-hininga naman si Justin bago napailing. Ipinagpatuloy naman niya ang pakikipag-usap kay Jester. “Sa mall kayo magkikita. Tapos yinaya ka niya sa arcade.” Napatingin naman si Christian kay Justin. “Pero hindi ako magalng sa mga games doon.” “Hindi naman ‘yun ang importante,” ang saad ni Justin. “Ang importante ay magkaroon kayo ng sariling oras para sa isa’t-isa. Para tuluyan ka niya na ring magustuhan. Ang kailangan mo lang namang gawin ay magpakatotoo sa iyong sarili.” Napatango naman si Christian. “Hindi ako makapaniwala na makikipagdate ako kay Jester.” Ngumiti naman si Justin. ‘Huwag ka munang ma-excite,” komento nito. “May reaction paper ka pang kailangang tapusin. Hindi mo puwedeng ipagpaliban ang bagay na ‘yan. Kilala kita.” Napasimangot naman si Christian bago tumayo at umupo sa study area nito. “Minsan napapaisip ako,” ang saad niya habang nakatuon ang kanyang mga mata sa montor ng kanyang laptop. “Kung anak ba atalaga kita. Mas tunog tatay ka kaysa isang anak. Sandali lang.” Ibinaling naman niya ang kanyang tingin kay Justin na nakaupo pa rin sa gilid ng kanyang kama. “Paano mo naman nalaman na may katamaran akong mag-aral?” ang tanong ni Christian sa kanya. “Dahil palagi mong bukang bibig,” paliwanag naman ni Justin bago tumayo at lumapit sa kanya. Inilapit naman nito ang kanyang mukha sa screen ng laptop. “William Shakespeare,” ang wika nito. Nakatitig lang naman si Christian sa kanya. Hndi kasi maitatanggi ang kagandahang lalaki nito. Ang totoo nga niya ay mas guwapo pa ito kay Jester. Kung nasa parehong panahon siguro sila ay malaki ang pagkakataong sa kanya magkagusto si Christian. Nahuli naman ni Justin si Christian na nakatitig sa kanya. “Bakit? May dumi ba ang mukha ko?” ang nagtataka namang tanong ni Justin. “Wala,” sagot naman ni Christian. “Anong nasa isipan mo?” “Napaisip lang ako… siguro ay sikat ka sa pinag-aaralan mo sa hinaharap,” ang tugon ni Christian. Napangiti naman si Justin at tumayo nang deretso bago itinupi ang kanyang mga kamay. “Hindi naman,” ang wika nito. “Kaunti lang. Yung halos araw-araw na may nagpapadala sa akin ng liham.” “Liham? Sa hinaharap? Uso pa pala ‘yun?” “Uhm, email ang tinutukoy ko,” paglilinaw naman ni Justin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD