Chapter Sixteen

1256 Words
“Sa totoo lang, hindi ko alam kung maniniwala ako sa’yo o hindi,” ang saad naman ni Mark bago sumunod sa kanya. “Nasa sa iyo na ‘yan kung maniniwala ka o hindi,” komento naman ni Christian. “Ang hirap namang kasing paniwalaan ang sinasabi mo, Christian,” ang argyumento naman ni Mark. “Hindi ba’t sinabi ko naman sa iyo na hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na paniwalaan ako,” ang wika naman ni Christian. “May ideya ako,” ang anunsyo ni Mark kaya naman natigilan si Christian at napatingin sa kanya. “Ano namang binabalak mo?” ang tanong ni Christian sa kanya. “Bakit hndi mo ipakilala sa akin ‘yung sinsabi mong anak mo sa hinaharap nang makilatis ko.” “Hindi puwede,” ang kaagad namang pagtanggi ni Christian. “At bakit naman hindi?” “Isa ‘yun sa mga bagay na hindi ko dapat gawin, Mark,” ang paliwanag ni Christian bago pumasok ng Campus store. “Mahirap na at baka mabago ang hinaharap.” “Hindi ba’t kaya nga siya nagtungo rito upang baguhin ang hinaharap?” ang retorikal namang tanong ni Mark sa kanya bago ito sumunod sa kanya. “Ang hinaharap ko,” ang dagdag naman ni Christian sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Kaya lang naman siya pumunta rito dahil hindi naging maganda ang nangyari sa akin.” “Bakit ano raw ba ang nagyari sa’yo sa hinaharap?” ang nagtatakang tanong nito. “Ayon sa kanya, sinasaktan daw ako ng nakatuluyan ko,” ang paliwanag ni Christian. Sabay naman silang sumilip sa refrigerator at nagsimulang mamili ng ice cream flavor. “Sino raw ba ‘yung nakatuluyan mo?” ang tanong ni Mark sabay bukas ng pinto ng refrigerator at kumuha ng isang ice cream cone. Bago pa alng maisara ni Mark ang pinto ay pinigilan siya ni Christian at kumuha rin ng sa kanya. Siya na mismo ang nagsara ng pinto at tumingin kay Mark. “Ikaw,” ang tugon naman ni Christian, rinig sa kanyang boses ang pagiging seryoso nito. Inabot naman niya ang ice cream kay Mark na napanganga sa gulat dahil sa kanyang narinig. “A-ako?!” ang bulalas naman ni Mark. “Aba’t sigurado akong peke nga ang nagpakilala sa’yo na anak mo.” Napakunot naman ng noo si Christian. “Ano bang sinasabi mo? Ang tinutukoy ko ay ikaw ang magbabayad nito.” “A-ah, oo nga,” ang pagkumpirma naman ni Mark sabay kamot sa kanyang leeg. “Halika na,” ang pagtawag ni Christian. “Matutunaw na ang mga ‘yan.” Tumango naman si Mark at pumila sa cashier. Habang hinihintay si Mark ay naglakad-lakad naman si Christian sa paligid at tinignan ang ilan sa mga produkto na naroon kabilang na ang ilang university merchandise na binebenta roon tulad ng mga heat changing mugs, bags, T-shirts at kung anu-ano pang naroon na puwedeng bilhin, hindi lang ng mga estudyante kundi ng kung sino mang mga taong bumibisita sa pamantasang ‘yun. “Christian,” ang pagtawag ni Mark nang mabayaran niya ang kinuha nilang ice cream. Napatingin naman si Christian sa kanya bago siya sumunod. Sabay silang lumabas ng campus store. “Tumambay muna tayo diyan sa damuhan. Kailangan nating magbasa. Kilala mo naman si Prof. Minsan, nasa mood na lang siyang magpa-quiz.” Dumeretso naman ang dalawa sa isang damuhan sa tapat ng College of Arts and Sciences. Naupo sila roon at nagsimulang kainin ang binili nilang ice cream. Inilabas naman nila ang kanilang mga manual at nagsimulang magbasa-basa. “Nasa isang page pa lang ako pero ramdam ko na agad ang antok,” ang saad ni Mark. Napabuntong-hiniga naman si Christian. Tulad ng karamihan ng mga kabataang katulad niya ay hindi rin siya nasaabik sa pag-aaral. “Wala naman tayong magagawa,” ang saad ni Christian habang nakatitig sa kanyang manual ngunit hindi niya pa ring magawang ituon ang kanyang sarili sa dapat niyang pinag-aaralan sapagkat abala ito sa kanyang kinakain. Naalala naman niya ang naging pananghalian nila ni Mark kasama si Jester. Napangiti naman si Christian nang maalala ni Christian ang pagtulong ni Jester sa pagbabalat ng ng sugpo.  “Hindi naman niya kailangang gawin ‘yun para sa akin,” ang saad ni Christian sa kanyang sarili. Hinugot naman niya ang kanyang smart phone at tinignan ang mensaheng ipinadala ni Jester sa kanyang kanina. Gusto niya itong padalhan ng mensahe ngunit wala siyang naiisipan sabihin. Matapos ng ilang beses niyang pagtatangkang mag-type ay sumuko rin siya at ibinalik sa kanyang bulsa ang kanyang telepono. Napatingin naman siya sa paligid. Karamihan ng mga estudyanteng naroon ay mga magkasintahan. Napabuntong-hininga naman siya na naaagaw niya ang atensyon ni Mark na pilit na nagre-review kung sakali mang may pa-surprise quiz ang kanilang propesor. “O, anong problema?” ang nagtataka naman niyang tanong sa kanyang kaibigan na mukhang problemado sa kung ano mang bagay. “Mark, eighteen na ako peron wala pa rin akong jowa,” ang malungkot naman niyang wika habang nakatitig sa isang magkasintahan sa malayo na sweet na nagsusubuan. Sinundan naman ‘yun ng tingin ni Mark.  “Ano ba ‘yan?” ang reaksyon naman ni Mark nang masaksihan ang ginagawa ng dalawang estudyante. “Nakalimutan yata nila na nasa loob sila ng campus at wala sila sa Burnham Park.” “Ikaw ba, Mark? Wala ka bang liniligawan ngayon?” ang biglaang tanong ni Christian kay Mark. “Mukhang mauuna pa akong magkaroon kaysa sa’yo.” “Ang totoo niyan ay may nakilala ako,” ang mabagal namang pag-amin ni Mark. Nanlaki naman ang mga mata ni Christian sa kanyang narinig. “Sino naman?” ang sunod na tanong ni Christian. “Noong weekend kasi, nagpunta ako sa isang birthday party nung kilala ko sa mga Science Major,” ang kuwento ni mark. “Tapos?” “Ayun, may pinakilala sa akin na galing sa ibang university,” ang pagpapatuloy ni Mark. “Alam mo ‘yun? Unang beses pa lang namin nag-usap pero pakiramdam ko ay may koneksyon na kami sa sa isa’t-isa.” “So, liniligawan mo na nga? Agad-agad?” “Hoy, hindi no!” ang reaksyon naman ni Mark. “Ang ibig kong sabihin ay hindi pa pero gusto ko siyang makilala nang lubusan. Kaya ayun, naglakas loob na rin ako na kunin ang number niya.” Napatango naman si Christian at hinintay ang susunod pang sasabihin ni Mark. “Hanggang ngayon ay nagte-text kami sa isa’t-sa,” ang pagpapatuloy ni Mark. “Kamusta naman?” “Nagkakasundo kami sa maraming bagay,” ang masayang tugon ni Mark. “Halos lahat ng gusto ko ay gusto niya rin. Magkikita nga kami mamaya para kumain. Bakit hindi mo tawagin si Jester na kumain kasama mo?” “H-ha? Hindi ko kaya,” ang kaagad namang pagtanggi ni Christian. “Kung gusto mo, ako na lang.” ‘Huwag!” ang pagpigil naman ni Christian. “Nakakahiya.” “Sa bagay, panigurado namang gagawa ng paraan yung anak mo sa hinaharap.” “Ang ibig sabihin niyan ay naniniwala ka na sa akin?” ang tanong naman ni Christian sa kanya. “Hindi pa masyado,” ang pag-amin ni Christian. “Sa tingin ko pa rin ay isang malaking coincidence ang naikwento ni Jester kaninana. Maliit lang ang Universioty Library kaya naman talagang ilang bese kayong magkikita at malaki ang pagkakataon na ganoon na nga. Pero yung straw… isang malaking wow ‘yun.” Napangiti na lamang si Christian at napatango. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD