CHAPTER 03- UNKNOWN EMOTION
THIRD PERON'S POV
The man sat silently, sipping whiskey in front of a grand, ornate table. His gaze fixed intently on a large framed picture adorning the expansive mansion wall. Scanning each face, his grip on the glass tightened as his eyes met his father's, positioned centrally amidst their family members.
His eyes locked onto his father's picture, and the darkness of his expression deepened. Memories of childhood trauma, inflicted by the same hands that should have protected him, inundated his thoughts.
" YOU'RE A DISGRACE TO THE FAMILY! WALA KANG KW*NTA SANA AY N A M A T A Y KA NALANG KASAMA NG MAMA MO! KAHIHIYAN KAYO SA PAMILYA KO!
His father's thunderous voice echoed through the room as he relentlessly whipped him. His body accustomed to the repeated abuse by his father. Since childhood, he suffered physical and emotional torment. His father constantly reminded him that he was illegitimate, the son of his mother to another man.
He endured each beating, the painful words losing impact. His heart, body and mind grew numb to the countless insults and ridicule from the man he called father.
He can still remember everything very clear, kung wala siyang naging pakialam sa ginagawa ng kanyang ama noon sa ay lalo na ngayon, na kaya na niyang tumayo sa sariling mga paa at kaya na niyang pabagsakin kahit na sino ang sumubok na kalabanin siya.
Inangat niya ang kanyang sarili mula sa pinaka baba at ngayon na nasa itaas na siya, wala kahit na sino pang tumapak sa pagkatao niya.
"I swear to bury you six feet under if you dare interfere with my life again. I endured your insults and pain before, but those days are over. I won't hesitate to finish you in seconds if you cross me." He said with a low tone as he stare at his father's picture on the frame.
Pagkatapos ng ilang oras na paninitig niya sa malaking larawan ay napag desisyunan niyang tumayo at umalis papunta sa kung saan.
Habang nag lalakad ito sa hallway ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kung sino..
" Got ut already, Greg?.. " Malamig na saad nito sa kanyang kausap.
" Yes boss. Anong gagawin namin sa dito?" Tanong ng nasa kabilang linya.
" Let me do the rest, I'm on my way. Keep it alive so I could finished it with my own hands." Diretsyong sagot nito at agad na ibinaba ang linya.
ZEPHYR'S POV
" Okay ka lang la?" Tanong ko ng makita ko si Lola bibing na nakatingin sa labas.
Sumilip din ako para malaman kung ano o sino ang tinitingnan niya, pero wala namang tao doon.
" Anong tinitingnan mo dyan la?" Takang tanong ko at naupo sa tabi niya.
Hinawakan nito ang hita ko at mahina iyong tinatapik. Hinawakan ko ang kamay ni Lola na nakapatong sa aking hita at pinag siklop ko ang kamay naming dalawa.
" Wala naman. Iniisip ko lang ang Lolo mo." Mahina at nakangiting sambit nito.
Ngumiti din ako habang inaalala ang ilang memoryang meron akong kasama si Lolo. Maging ang kakulitan nito at yung iilang pangyayari na naging strikto ito sa akin.
" Alam natin na masaya na si Lolo ngayon. I'm sure pinapanood niya tayo. " Saad ko sa kanya.
Mahina itong tumawa at lumingon sa akin. Gumagalaw ang kanyang mga mata na parang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko.
" La.. alam kong maganda ako kaya wag niyo na po akong titigan." Mahinang saad ko.
Tumawa si Lola at kinurot ang kamay ko kaya napangiwi ako.
"Pambihirang itong love language niya, physical abused." Sa isip ko at nginiwian siya.
" Alam mo apo, habang tumataas iyong edad mo. Mas lalo mong nagiging kamukha ang papa mong si Zepiro. " Aniya.
Napanguso ako.
Ganun talaga ang reaksyon ko sa t'wing naririnig Kong binanggit nito ang pangalan ni papa. Tunog engkanto kase, hindi ko alam kung anong nakain nila Lola at Lolo para pangalanan si papa ng ganon. At ganun din si papa dahil pinangalanan niya din ako ng Zephyriah Lebeinia.
Sobrang ganda ng pangalan, Hindi gaanong bagay sa mukha ko, although maganda naman ako. Hindi lang talaga sobrang ganda.
" Alam mo apo, sa t'wing ganyan ang ekspresyon ng mukha mo ay kinakabahan ako kung anong tumatakbo dyan sa utak mo." Biglang saad ni Lola.
Nalukot ang mukha ko at tiningnan siya.
" Alam mo la, mana ako sayo kaya wag ka nang magtaka kung bakit ganito ang maganda niyong apo." Saad ko sa kanya at pinag singkit ang mga mata.
" Ewan ko sayo, may pupuntahan ka di'ba? Bakit nandito kapa." Saad nito na parang tinataboy ako.
Isa kasi ako sa mga volunteers na sasama para nag bigay ng mga relief goods sa mga matatagong Lugar dito sa amin. Buwan-buwan iyong ginagawa at mahigit anim na buwan palang akong nakasama sa volunteer.
Nakakatuwa itong gawin dahil nakakapag bonding ako sa mga batang nakaka salamuha ko sa t'wing nag vo-volunteer ako.
" Oo po. Aalis na." Saad ko.
Hinalikan ko ang pisnge ni Lola bago dali-daling nag lakad palabas. Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan si Amanda dahil isa din siyang volunteer.
" San kana?" Diretsyong tanong ko ng sagutin niya ang aking tawag.
" Papunta na ako dyan sa inyo, my dear friend. " Sagot nito.
Hindi na ako sumagot at tinapos na ang tawag. Ilang minuto lang ay natanaw ko na si amanda na naglalakad papalapit sa gawi ko.
" Mamimigay lang tayo ng relief goods Amanda, pero parang a-attend ka ng modeling sa ayos mong yan." Asik ko sa kanya.
Aba ang loko, rumampa pa talaga sa harap ko na abot tainga ang ngiti.
" Ang pangit mong rumampa." Angal ko sa kanya.
Bumusangot ito at malakas na sinipa ang binti ko kaya hinampas ko din ang braso niya.
" Panira ka talaga, hindi ba pwedeng support nalang?" Naka taas kilay niyang tanong.
Inirapan ko siya. " Alam kong prangka akong tao, parang hindi mo ako Kilala eh." Saad ko at tinalikuran siya.
" Nag mamadali lang Zeph?" Tanong nito habang naka sunod sa'kin.
" Nakaka-hiya naman kasi, baka tayong dalawa nalang ang wala pa doon. Ano yun special guest lang?" Sarkastikong saad ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagsipol nito, kaya nagtataka ko siyang nilingon at nakita ko ang isang nakakalokong ngisi sa labi niya.
" Itigil mo yang imagination na nasa utak mo amanda." Asik ko.
Pasayaw-sayaw itong nag lakad at nilagpasan ako.
" Wala akong sinasabi zeph." Aniya at mabilis na tumakbo.
Nag habulan kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa gymnasium ng barangay. Marami ng tao na nandoon mga volunteers at ang mga residente sa lugar namin ay nandoon na din.
" Amanda.... Si kapitan oh." Tudyo ko sa kanya at mahinang inikot ang ulo niya paharap sa kung saan ako nakatingin.
" Ano ba.. Baka mabalian ako ng leeg sa ginagawa mo." Saad nito at malakas na tinampal ang kamay kong naka hawak sa leeg niya.
" Energy booster nga eh." Saad ko dito.
Pagkatapos ay agad akong umalis sa tabi niya at pumunta sa ilang volunteers na kasundo ko. Yung iba kase masama ang ugali.
" Morning Manang." Bati ko sa Isang volunteers.
Nag angat ito ng tingin sa akin at ngumiti.
" Magandang Umaga Zeph, si amanda kasama mo?" Tanong nito at tumango ako.
Nakita kong may bitbit itong nga eco bag na may lamang relief goods kaya kinuha ko ang iba at ako na ang bumitbit at para maibigay na sa mga tao.
" Hello po. " Masayang bati ko sa kanila.
Nginitian ako ng Isang matandang babae. Kinurot pa nito ang pisnge ko pagkatapos niyang tanggapin Ang eco bag na ibinibigay ko bago siya umalis sa aking harapan.
" I guess, everyone loves you." Mahinang saad ng kung sino sa likod ko.
Kaya lumingon ako at halos manghina ang tuhod ko ng makita kong si mayor Diego iyon. Naka suot ito ng itim na polo, naka tupi hanggang siko habang naka tayo sa tabi ko.
Sandali akong natigilan, Wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko at nakatitig lang ako sa kanya. AS IN NAKATITIG.
" Relax Zephyriah.. you look tense." Nakangiting saad nito.
Agad akong nakabalik sa ulirat at nginitian pabalik sa mayor.
" Sorry po." Pag hingi ko ng pasensya.
Tumango lang ito habang diretsyong nakatingin sa harapan. Ilang beses pa akong napalunok bago hinarap ang mga tao na nasa harapan ko.
" Single ka po ba ma'am? " Biglang tanong Ng isang lalaki sa harapan ko.
Nanliit ang mga mata ko habang ngumuso dito.
" Reserved na po kuya." Saad ko sabay abot sa kanya ng eco bag na hawak ko.
" Sayang akala ko pa naman available pa, manliligaw sana ako. " Sagot nito kaya natawa naman ako.
" Hello po mayor. " Bati niya ng lumingon siya sa gawi ni mayor Diego..
" Good morning." Nakangiting sagot nito sa lalaki.
Muli akong nilingon ng lalaki. " Alis na po ako miss ganda." Paalam nito.
Nag thumbs up lang ako sa kanya at tinanaw siyang nag lalakad paalis.
" D*mn it. " Narinig kong bulong ni mayor.
Nilingon ko ito at nakita kong dumilim ang kanyang ekspresyon at diretsyong nakatingin sa harap. Umigting ang kanyang panga na parang galit na galit siya.
" Mayor...." Mahinang tawag ko.
Naging maliwanag ang ekspresyon nito ng lingunin niya ako, maging ang mga ngipin niya ay lumilitaw dahil sa laki ng kanyang ngiti habang nakatingin sa akin.
" Yes Zephyriah? " Masuyong tanong niya.
Umiling lang ako at iniwas sa kanya ng tingin ko.
He's weird. Kanina lang ay madilim ang ekspresyon niya at agad iyong nag iba ng lingunin niya ako. Kahit ang paraan ng pagtawag nito sa akin ay kakaiba ang dating.
At hindi ko maintindihan kong ano ang nararamdaman ko. May parte sa aking natutuwa dahil tinatawag niya ako sa pangalan ko na hindi madalas ginagawa ng mga kakilala ko, pero may parte din sa kaloob-looban ko na kinakabahan dahil napapansin kong may kakaiba sa kanya.
TO BE CONTINUE