ZEPHYR'S POV
TATLONG ARAW na ang lumipas nang magkasama kaming mag volunteer ni mayor. Masasabi kong mabait talaga siya, akalain mong lagi siyang sumasama sa pag bibigay ng relief goods at tumutulong din ito sa mga taong na ngangailangan. Naalala ko pa yung Isang ginang na umiiyak at lumapit Kay mayor dahil sa kaso ng anak nito..
" FLASHBACKS "
"M-mayor.." umiiyak na saad ng babae ng makalapit ito kay mayor Diego.
" Ano pong problema?" Agad na tanong ni mayor sa kanya habang naka hawak ito sa magka bilang braso ng ginang na Panay ang hagulgul..
Tiningnan ko ang reaksyon ni mayor at naka kunot ang noo nito na parang nag aalala ng husto habang diretsyong nakatingin sa ginang..
" T-tulungan niyo po ang a-anak ko, mayor.." nahihirapang saad nito dahil sa pag iyak.
" Zephyr.. pasuyo ako ng tubig please.." mahinang saad nito sa akin.
Nasa tabi niya lang kasi ako at tahimik na nanood, tumango lang ako at agad kumuha ng Isang maliit na water bottle.
Ilang minuto lang ay naka balik na ako at inabot iyon sa ginang.
" Thank you." Magiliw na saad nito at tipid lang akong ngumiti.
Iginiya niya ang babae paupo.
" Uminom po muna kayo ng tubig para kumalma kayo." Magalang na saad nito.
Ginawa ng ginang ang sinabi nito pagkatapos ay malalim na bumuntong hininga at muling nag angat ng tingin kay mayor.
" Ni-r a p e po ang anak ko m-mayor... " Saad nito..
Nagulat ako sa sinabi nito. Hindi ko maatim na makinig sa ganong usapan, pero gusto kong malaman kung anong isasagot ni mayor kaya nanatili ako sa tabi nila at nag iwas lamang ng tingin.
" Pumunta na po ako sa police station, pero mag dadalawang linggo na po at wala pa rin pong resulta. Mayaman po ang pamilya ng gum@h*s@ sa anak ko kaya po siguro ganun ang nangyari. " Dugtong nito..
Muli akong lumingon sa kanila.
Nakita ko kung paano tumiin ang bagang ni mayor at bahagyang nakakuyom ang kamao nito. Marahas ang naging pag hinga niya at bahagyang yumuko..
" That's fvcking irritating.. " bulong na sagot ni mayor.
Pinupunasan ng ginang ang kanyang luha dahil sa patuloy na pag iyak nito..
Maya-maya lang ay nakita kong sandaling tumingala sa mayor. Nang mag baba ito ng tingin ay muli niyang tinapik ang balikat ng ginang.
" Huwag na po kayong mag alala, ako na ang bahala sa kasong yan. Bigyan niyo lang ako ng Isang araw, I will make them pay for what they've done to your daughter. " Saad nito at mabilis na tumayo at nag lakad papalayo sa ginang.
" END OF FLASHBACK "
" lalim ng iniisip mo ah, pwedeng pa share? " Nagulat ako ng biglang tumambad sa harapan ko ang malapad na mukha Amanda.
" Buang jd ay." Asik ko at inilayo ang mukha nito sa akin at nag iwas ng tingin.
" Asus... Nag tabi lang kayo ng ilang oras ni mayor noong nakaraang araw gaganyan-ganyan ka na. Wag mag assume." Banat nito.
Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang inirapan..
" Inisip ko lang kung anong nangyari sa anak nang ginang na lumapit Kay mayor noong nag vo-volunteer tayo." Saad ko habang nakatingin sa kawalan.
" Muntik ko ng nakalimutan... Kaya nandito ako para ibalita sayo ang tungkol sa bagay na yan. " Saad nito.
Bigla akong naging interesado kaya mabilis akong humarap sa kanya..
" Dali na, sabihin mo na amanda. Spill the tea." Sunod-sunod kong saad sa kanya.
Mayabang itong ngumiti at pinagkrus ang kanyang braso.
" The news is. Nakakulong na ang gum@h*s@ sa batang babae. At alam mo kung anong mas Malala?" Pambibitin nito..
" Sabihin mo nalang kasi lahat, hindi yung pa ganyan-ganyan ka pa. " Reklamo ko sa kanya..
" Mag hintay ka, gusto ko May thrill eh, bakit ba?" Nakataas kilay na sagot nito.
" Dali na kasi. " Mahinang saad ko.
Sandali muna siyang pumikit.
" 12 hours ang nakalipas simula ng makulong ang lalaki ay pin@t*y ang buong pamilya niya. " Saad nito.
Nanlaki ang mga mata ko. Natigilan ako at naramdaman ko ang panlalamig ng buong katawan ko sa sinabi nito.
" Sabi ng mga police ay sinadyang patayin ang pamilya niya at nahuli nila ang gumawa nito at kasalukuyang ini-imbistigahan ngayon." Dugtong ni amanda.
Natahimik ako at hindi makapag salita.
Napapa-isip ako kung gaano kasama ang pamilya ng nangg@h@sa para mangyari sa kanila ang ganon. at kung gaano ka tindi ang galit ng gumawa nito sa kanila dahil wala talaga siyang tinira kahit isa..
" Katakot..." Bulalas ko.
Narinig ko ang maiangat na pag galaw ni amanda sa tabi ko.
" Pahingi ako isa." Saad ko sa kanya ng makita ko siyang kumuha ng sigarilyo sa bag niya.
Kinunutan niya ako ng noo bago abutan ng isang piraso ng yosi. Agad ko iyong sinindihan.
" Hayyy.. " saad ko habang nakatingala pagkatapos kong ibuga ang usok ng sigarilyongbhawak ko.
" Kung sino man ang gumawa ng ganun sa pamilya ng lalaki ay gusto kong mag pasalamat." Na iusal ko..
Naramdaman ko ang pag lingon ni amanda sa akin..
" May batas tayo sa bansa na ito Zeph. Bakit hindi nalang hayaan ang batas na gumalaw sa ganyang bagay, bakit kailangan pang pum@t*y. Walang kahit na sinuman ang may karapatang tumapos sa Buhay ng Isang tao " Saad niya.
Ngumiwi ako dahil hindi ako sang ayon sa sinasabi niya.
" May batas nga tayo, pero mayayaman lang naman ang nakaka benipisyo. " Saad ko at muling humithit ng sigarilyo.
" But still, dapat nating sumunod sa batas zephyr. No one is above the law. " Aniya.
Bumuntong hininga ako.
" Oo nga. May batas tayo, pero nakita mo naman kung paano nag makaawa ang ginang para mabigyan ng hustisya ang ginawa sa anak niya. Sa tingin mo ba kung napapatupad ng maayos ang batas natin ay hihinga pa siya ng tulong sa iba? Our justice system aren't fair. Lagi iyong bumabase sa estado ng buhay ng mga taong humihingi ng hustisya. Bulok ng sistema ng batas sa Bansa natin amanda, Kung ako ang nasa kalagayan ng ginang ay magagawa ko iyon. Kung hindi makuha sa maayos na paraan ay dadaanin ko sa maduming pamamaraan para makuha ko lang ang hustisyang nararapat sa'kin. " Mahabang paliwanag ko sa kanya..
" Oo na. Alam mong wala akong laban sayo kapag ganito ka seryoso ang usapan. " Saad nito habang nakataas ang parehong kamay.
" Wag mo kasing simulan." Diretsyong sagot ko sa kanya at tumango-tango lang din siya.
Hindi na din ako nag salita pang muli at patuloy lang sa ginagawa ko.
THIRD PERSON'S POV
Abala si Diego sa kung ano ng biglang pumasok ang kanyang ama at galit na galit itong nakatingin sa kanya.
"I know you did it, Diego. What's wrong with you? Do you want to humiliate me?" his father thundered.
Diego, unmoved, merely glanced at his father before returning his gaze to the paper he was reading. Like he didn't hear anything.
His father stepped closer, slamming his fist on the table, prompting Diego to lay down his paper. Their eyes locked, his father's blazing with anger, habang siya ay mukhang walang pakealam sa nakatingin sa kanyang ama.
"What's in it for me if I did?" Diego asked calmly. "Do you think I'd benefit from staining my hands?" His expression remained blank, devoid of emotion.
Enraged, his father retorted, "We all know your madness, Diego. No one will believe your denials. Everyone in this household knows your true nature." He's father's voice thundered.
Diego silently smiled, ignoring his father's accusations, that made his father more angry.
" I'M STILL TALKING TO YO--
"Can't you see I'm busy? Just leave me alone," Diego snapped.
Pero hindi gumalaw ang kanyang ama kaya muli siyang nag angat ng tingin dito.
"Spare your breath your groundless accusations aren't worth my time. And one more thing... What you are saying are irrelevant and I won't be swayed by it. " Diego said in a cold expression.
His father stormed out, slamming the door. Diego gazed at the closed door, chuckling softly as he pondered who killed the family of the man he imprisoned.
" Fvcker.. I should be the one
who killed them, not you. "A haunting chuckle escaped his lips as he reclaimed the paper, his gaze devouring its darkness.
TO BE CONTINUE