Chapter 72 James Carlo's POV "Are you out of your mind? Tear her apart? Seriously?!" halos umusok ang ilong na tanong sa'kin ni Gian. Tumango lang ako kaya nagsalubong na ang mga kilay niya. At kapag ganun iritado na siya. Baka nga gusto na niya kong upakan ngayon. "Akala ko ba mahal mo? Tapos ngayon pinagpaplanuhan mo ng masama? Hindi ko alam kung gago ka o gago ka ba talaga?" Natawa ko. "Tatawa-tawa ka pa diyan? Hindi ka man lang naawa kay Nirvanna? Pre kung masakit sa'yo na nawala yung baby niyo, sa tingin mo sa kanya hindi? Isipin mo siya ang nagdala nun kaya mas masakit para sa kanya." "Alam ko." "O yun naman pala! Alam mo. Tapos nakulong pa siya ng walang kalaban-laban. Nawala rin yung tatay niya. Double kill o baka nga triple pa tapos dadagdag ka pa?! Mag-isip-isip ka n

