Chapter 71 "Nirvanna? Natulog ka na yata diyan?" katok niyang muli sa pintuan. "O-Oo. Inaantok nga ako. Sige na magpapahinga lang ako. Iwan mo muna ko." pagdadahilan ko. "Ha? Labo naman? Samahan na lang kita diyan. Inaantok din ako." Parang gusto kong mapairap kahit hindi kami magkaharap. Sasamahan daw niya kong matulog? As if patutulugin niya ko? Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo na. Humigit ako ng malalim na hininga saka ko hinawakan ang doorknob. Binuksan ko na ang pintuan at nakita ko siyang nakapamulsa na halatang hinihintay na mapagbuksan ko siya. "Ano na-" Naputol siya sa pagsasalita ng yakapin ko siya at halikan sa labi. "Is that my sweet punishment for being defeated?" nakangiti niyang tanong nung humiwalay ako sa halik. "I-I'll make you fall JC. I'll make you fal

