Chapter 70 Nirvanna's POV "To make her fall. And break her afterwards...kagaya ng ginawa niya sa'kin. Sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko palagi na sinira niya ang pangarap kong magkaroon kami ng masayang pamilya. I want to tear her apart..." Iyon pala ang plano ni JC sakin? Paghigantihan ako? Imbes na lapitan siya'y mas pinili kong balikan si Samantha sa loob. Nagulat pa ko ng makasalubong ko siya palabas ng kusina habang hawak sa kamay si Gavin. "O bakit ka tumayo? Di ba masakit ang tiyan mo?" nag-aalalang tanong ko habang pinipigilan ang pagpatak ng nagbabadyang luha sa mga mata ko. "Naku okay na ko. Kaya nga kita balak habulin to tell na i'm okay. Pasumpong sumpong lang talaga 'tong sakit ng tiyan ko." Napatango-tango ako. "Ay nakita mo ba sina Gian?" tanong pa niya. "H-H

