Chapter 68 Nirvanna's POV "Ano'ng sabi mo?" nakakunot ang noo at tila hindi makapaniwalang tanong ni JC. "S-Sabi ko mahal kita." lakas loob na ulit ko. "Talaga?" tila ayaw pa ring maniwalang tanong niya. Hindi ko nga alam kung guni-guni ko lang na nahihimigan ko ang pagkasarkastiko sa boses niya. Na parang nais niyang sabihin sa'kin na kalokohan lang ang sinabi ko? "O-Oo. Mahal kita. Hindi ko lang nasabi sa'yo kaagad dati dahil kahit sa sarili ko hindi ko maamin yun. Pero ngayon sigurado na ko. Mahal kita." Natahimik siya at seryosong tinitigan ako sa mata habang kandong pa rin niya ko at yakap. Mas pinili kong makipatitigan sa kanya kesa sa umiwas ng tingin. Eyes is the window of the soul. Gusto kong makita niya na totoo sa puso ko ang sinabi kong mahal ko siya. "Okay." ani

