THE RUTHLESS DADDY CHAPTER 50 A N D R E I "Baks, talaga bang aalis ka na?" Tumingin ako rito. Nangingilid ang kaniyang luha. 'Di ko alam kung malungkot siya o hindi, kasi kahit ano'ng ekpresiyon niya'y pangit pa rin siya. Char! No offense pero totoo lang tayo rito. Tiningnan ko naman ang mga bagahe ko. Isang maletang kulay pink na may glitters pa, tapos isang bag, at paperbag na laman lang ay mga dried foods tapos iilang pasalubong ng pamilya ni Auntie Dolly sa kaniya. Bumuntonghininga ako. Makalipas ang halos isang Linggong pag-iisip. Napagtanto kong may isip pala ako, salamat naman! Dahil 'di ako nahawaan ni Berting. "Hindi pa, 'te. Magpapalaba lang ako sa Manila!" inis kong sagot at kung 'di ko lang talaga pinipigilan ang sarili ko, baka kanina pa 'to nakalbo. "Malamang! Aalis na

