THE RUTHLESS DADDY EPILOGUE A N D R E I "MISS!" tawag ko sa stewardess na nakasuot ng yellow na uniform. Taray ni Bakla. Pak na pak ang make up. Mukha tuloy syang minion. Lumingon ito sa akin at saka ngumiti. "Yes, sir. How may I help you?" Tinitigan ko siyang mabuti. Titig na titig ako rito hanggang sa matunaw na lang siya sa kinatatayuan. Sa ganda kong 'to tatawagin niya ako Sir?! Oo may talong akong dala-dala sa gitna ng mga hita ko pero babae ang aking damdamin. Pero hindi ko na lang iyon pinansin pa baka masabunutan ko lang siya. "Nasaan ang Piloto nitong eroplano at bakit ang tagal nating makarating?" tanong ko. Wala rito si Sir Henry dahil pumunta siya ng banyo. Naiinis na nga ako dahil kanina pa siya roon. 'Wag niyang sabihin sa akin pagbalik niya na tumae siya. Mag-iisang or

