Third Person's Pov Lahat ng mga tao ay halatang halatang may malalim na iniisip Iniisip kung ano ang mangyayari sa kanila pagkatapos ng digmaan. Kung masisilayan ba nila muli ang mga ngiti ng kanilang mahal sa buhay, kung masasalubong ba nila ng mahigpit na yakap ang kanilang pamilya, at higit sa lahat kung mabibigyan ba nila ng matamis na halik ang kanilang kasintahan. "Magsihanda na kayong lahat!" Umalingawngaw ang boses ng mag-ama sa buong Dark Kingdom, may mga malademonyong ngiti, na kung aakalin mo'y sila nga ang mananalo sa digmaan, pero sila nga ba??? Sa kabilang dako naman, sa Enchantsia ay okupado sila sakanilang mga ginagawa, ang pagyakap sa kanilang pamilya, kaibigan, at kasintahan, nagdadasal para humingi na gabay at tulong sa Gods and Goddesses Habang ginagawa nila ang mg

