Third Person's Pov Patuloy parin ang laban sa pagitan ng light at dark magix users, ni isa sa dalawa ay walang nagpapatalo "Don't give up guys!" Sigaw ni Leia na kasalukuyang nakikipaglaban sa mahigit sampu na kabilang sa mga bagong kalaban na ipinadala ni Sandro, alam ni Leia na may dadating pang iba kaya naman ay pinaalam niya na agad ito sa lahat. "Elemental Blaze!" Sigaw niya at pumakawala ng malakas na atake na naging dahilan kung bakit natumba agad ang kanyang kalaban. Napangisi nalang si Leia dahil sa naggawa niya. Tiningnan niya ang kabuohan ng Enchantsia, may ngiting tagumpay siya sa kanyang labi nang nakita niyang unti-unting lumiliit na ang bilang ng mga dark users "Fire Galaxy!" Rinig na rinig ng lahat ang napakalakas na sigaw ni Nathan, malaki ang naging epekto nun sakani

