Leia's Pov
*Krinnngggggg* *Krinnnggggg*
Hayyy good morning world
Maaga akong nagising sapagkat may klase ako ngayon. Its exactly 6 in the morning at 8 pa naman ang klase. Yes, I woke up 2 hours before may class, eh kasi kailangan. Mahirap na baka mastuck sa traffic.
Agad akong tumayo at ginawa ang morning routine ko.
I simply wore a black t-shirt na may nakasulat na "Back Off I'm THE BOSS" atsaka white na ripped jeans, tinuck in ko ang shirt at naglagay ng red belt para dagdag style, and lastly... snickers na black. I was obviously going on for a black and white ootd so..... yeah!
Pagkatapos nun bumaba na ako at nakasalubong si mommy sa table.
"Good morning ma *mwah*" me, and just like what I do every morning ay humalik ako sa pisngi ni mama
"Good morning sweetie oh kain na first day mo pa naman doon sa school mo baka malate ka, nako! Hindi talga kita ieexcuse kapag na late ka. Hindi porket tayo ang may-ari eh magloloko ka na" ganda naman, may dalang pangaral ang morning greetings ni mama
Ngumuso ako at nagsalita "Mom, kailangan ba ako nagloko sa pag-aaral? Never. I am always on top and I'm planning to keep it that way." Inubos ko muna ang isang slice ng bread bago nagsalita ulit "Anyways I gotta go now mom. Ikaw na ang nagsabi't malelate ako. Byeee" napatawa nalang si mommy saakin. Lalo na nang pinahigh pitch ko ang boses ko sa huli.
And with that, umalis na ako kasama si Kuya Manuel, na driver namin at hinatid ako papuntang eskwelahan.
Habang papunta doon ay napatigil kami. Humarap ako at bumuntong hininga, just as I expected..... Traffic.
Nanlaki ang mata ko nang narealize kong may nakalimutan ako. I just forgot to do something important! Oh my gosh!
Hehe just kidding!
Well nakalimutan ko lang naman magpakilala
Ako nga pala si Leia Andromeda Legazpi Reyes 18 years of existence and confidently beautiful with the heart ❤️, brown hair and violet eyes.
Our family is one of the richest and influential people in the country. We own 8 mansions including from other countries, 10 hotels, 6 restaurants, 7 condos, 6 malls, 8 beach resorts and etc. Our family is mostly inclined to real estate.
At may secret ako wag niyo sabihin ha kami lang nila mama at best friend ko nakakaalam nito. Baka isipin niyo monster ako! Well don't ever think about it. Tch, sa ganda kong toh? Hehe char.
Meron akong kapangyarihan - yeah you read it right. Not financial power but literal power.
Fire
Water
Earth
Wind
At may abilities din ako like
Teleportation
Brain Power
Cloning
Mind Reading
At marami pa... but my favorite is, sense replacement. It's where I can use other people's eyes to see and such.
Sa kakadaldal ko hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa school ko
Angelical University
Pagpasok ko pa mismo bulungan everywhere
girl ang ganda o talbog beauty natin- girl 1
Girl crush ko na ata siya eh- g2
Hindi talaga kukupas si Leia- g3
Maputi lang yan- palaka 1
Attention seeker- p2
Brad si Leia oh, chicks- boy 1
Oo nga brad ligawan ko kaya- b2
She has high standards- b1
An ideal girlfriend- b3
Sarap nga ikama eh- manyak 1
Nanlaki mata ko doon at hinanap ang nagsabi nun pero hindi ko na nakita so using my sense replacement ability, nakita ko siya.
Kaso pagharap ko nagulat ako dahil nakita ko siya doon. May halong pagtataka nga lang ang gulat na iyon.
Kumindat pa ito at nagsalita "Hey baby looking for me" I looked at him and I can't deny that he's very good looking. He could be a model or an actor.... but I knew better.
Inirapan ko lang siya at nagmamadaling lumakad. I even heard him laugh bago ako umalis
Hindi mawala sa isip ko kung anong nangyari at bakit iba ang nakita ko nung ginamit ko ang sense replacement ko na ability sa kanya kanina. I saw a door, it's like he was approaching the classroom and then suddenly I saw black and I saw him infront of me...
Maingay na classroom ang bumungad saakin ngunit agad iyong tumahimik pagdating ko. Hindi ko na iyon pinansin at pumunta na sa upuan ko
"Goodmorning class" sabi nung teacher namin
"Good morning maam"
"I am Miss Maria Salvador and I will be your adviser, and teacher in Accounting"
Isa-isa silang nagpakilala hanggang sa ako nalang ang naiwan. I walked my way going to the front with confidence.
"Hi, I am Leia Andromeda Legazpi Reyes. 18. And my quote in life is 'Do your best today because tomorrow is not promised' "I smiled at the end and went back at my seat
After school hours...
Agad rin kaming pinauwi ngayon dahil unang araw pa naman ng klase. Magtataxi lang ako ngayon dahil occupied lahat ng driver namin dahil may inutos si mama. She wanted to fetch me instead but I insisted dahil ayaw kong makaabala.
Hay salamat at tapos na ang araw na to
*peep peeep*
"Ay palaka" napatalon ako sa gulat nung may bumisina sa akin habang nagaantay ng taxi.
"Babes sakay ka na" Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking nakasakay sa sasakyan. He has this smirk on his face. Wala namang siyang ginagawa pero naiinis ako. Hindi parin mawala sa isipan ko yung ginawa niya kanina. Remember readers yung manyak ew!
"Sorry not interested" Tumalikod na ako at hindi na siya pinansin ngunit bumusina uli ito. Napatingin ako sa paligid. Kumukuha na kami ng atensyon sa ibang tao.
"Grabe ganyan ka na pala makipag act sa magiging fiancee mo ngayon" Tch, in your dreams. Pangit mong magpapansin!
"Fiancee mo mukha mo, we're still 1st year of college and your dreaming that high"
"Hahaha" Tinawanan niya lang ako at bumaba na sa kanyang sasakyan. He gave me a sincere, apologetic smile "Ok look Im sorry nung sinabi ko sayo kanina ok?"
"Then? Do you expect me that I will believe you?" Hmm, it wont hurt kung hindi ako maniniwala right?
"Ok fine. Para naman maniwala ka saakin, magpapakilala ako. My name is Shawn" siya sabay lahad ng kamay.
Lingon doon lingon dito
"Sino ba kausap mo? baliw ka ba?" Pikon niya akong tiningnan
"Ahhh tulong may baliw di-"sigaw ko kaso tinakpan niya bibig ko at parang sako na bigas na binitbit at pinasok sa kotse niya. I tried fighting back but it's like he did something to me because I cannot move.
"Hoy ibaba mo nga ako, bakla!" Sabi ko
"Tss tumahimik ka kung ayaw mong halikan kita" Nakapasok na ako sa kotse niya at agad niya namang pinagana ang child's lock. Hindi ko tuloy mabuksan.
"Wag na nga kasi. Baka mamaya pagalitan pa ako ni tita pag may nangyaring masama sa iyo"
Ano daw? He knows my mom?
"Yes, I know your mom" sabi ni shawn
Hala mind reader ba siya?
"Yes I am a mind reader" di ako makapaniwalang napatingin sakanya. Woah meron pa palang nakakabasa ng isipan maliban saakin?
"Oo naman. Everyone in our world can" nagtataka akong tumingin sakanya dahil sa huling sinabi niya.
Its my first time to meet someone like me. Tsh, I don't care anymore, he got me there..... ok, we're friends now.
"Yes! May mga kasama na ako!"sabi ko
Napatawa na lang siya
Ilang araw ang lumipas ay char lang minuto lang ha ay dumating na din kami sa bahay
*Ding dong*
Binuksan ko na ang pinto ngunit tahimik parin sa loob
"Oh shawn pasok ka na lang muna"sabi ko
"Ah eh sige ba"
"Mom! Im home!"
"Saan ba si tita? Pinatawag niya kasi ako kanina para bantayan ka" sabi ni Shawn
Tumango na lang ako
Pumunta ako sa kwarto, sa c.r, sa garden na nagmamadali pero wala si mama doon
Ah baka pala nasa kusina, sus tanga mo Leia!
Pagpasok ko sa kusina may nakita akong mga footsteps na parang pula kaya sa curiosity ko hinawakan ko ito at na realize na dugo pala ito
"Mama!" Sigaw ko
At dun ko siya nakita na nakahandusay sa sahig at sumusuka ng dugo na lumalaban sa mga may itim na kapa
Tumakbo ako pero hindi ako makapasok. Its like they were talking about something pero hindi ako makarinig kaya sinubukan kong sirain ito.
"Barriero destroyito!!!" At kinalaban ang mga naka itim na kapa habang pinipigilan ang pag agos ng luha ko
"Magandang gabi mahal na prinsesa" sambit ng isa sa kanila
"Hindi ako prinsesa at lalong lalo hindi maganda ang gabi ko!!"
At doon ko lang napansin na wala na si Shawn, siguro umalis na yun
"Huminahon ka mahal na prins- "hindi ko na pina tapos sa pagsasalita ang isa sa kanila nang tinira ko ito
"Blazing fire!" Sambit ko at pinakawalan sa isa sa kanila
"Magaling prinsesa. Until we meet again" this person is really getting into my nerves
At bigla nalang silang nawala
"Mommy! Mom! Uy mom! Wag na man magbiro ng ganyan ohh!" Mangiyak ngiyak kong sabi
Idinilat ni mama ang kanyang mata at sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan
"Anak p-promise m-me y-you'll know w-who y-you rea-lly a-are" Kita ang pagtataka sa mga mata ko. It broke my heart seeing her so weak. Lalo lang sumakit ang dibdib ko nang nalaman ko ang totoo. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon niya pa sinabi?
"I am n-not y-your re-al m-mot-ther Leia. F-find t-them. Y-your r-real p-parents. Y-you have s-someo-one g-guarding y-you." Those were her last words. I was there so broken watching her take her last breath
"Mom! I won't let your life go to waste. I promise you, someday I'll know who I really am " its like that was my cue dahil bigla nalang nagsibagsakan ang mga luha ko. How could this day turn into something so dark?