Leia's Pov
1 week after
Oo isang linggo na ang nakalipas nang nawala si mama at hindi na din tuluyang bumalik si Shawn, hindi na din ako pumapasok sa school namin.
Napagisipan ko na din tungkol sa mundo namin kung pupunta ba ako o hindi. Do I even belong there? Am I even welcome there? I'm not even sure if I'm ready. Hindi ko tuloy mapigilang bumuntong hininga dahil sa mga pumapasok sa isipan ko. I though I know everything already. Ito na siguro yung sinasabi nila na 'Life is full of surprises'.
Hayyy isang linggo na ang lumipas at hindi parin ako nakakalimot. Well, I don't think I really need to forget. This is part of life and now I'm gonna use this to make myself stronger.
Kaya napagdesisyonan ko munang lumabas ng bahay. Life must go on.
Pumunta ako sa park dito sa subdivision namin. I wanted to get away for a minute dahil bawat sulok ng bahay ay si mama ang naaalala ko. I just wanted to escape pain for a minute. Doon ko inilabas lahat ng nararamdaman ko at iniyak ko lahat...
I want to know my real identity. Kung hindi si mama ang totoong mommy ko, then sino?
Who are my real parents and do I have enough courage to know the reasons behind all of this?
Napansin kong biglang dumilim ang kalangitan at umuulan na. Alam kong ako ang may dahilan nito.
Tatayo na sana ako at aalis ngunit napahinto ako nang may napansin akong umiilaw sa may bush kaya nilapitan ko iyon at may nakita akong isang magandang kwintas.
Heart ang pendant niya at pinapalibutan ito ng mga kulay pula, asul, abo at tsokolate. Sa gitna ay may nakalagay na letter L kinuha ko iyon at sinuot. Pagkasuot ko may nakita akong lalake papunta sa akin at inilahad ang kanyang kamay
"Leia alam kong madami kang tanong. Alam ko ring nagtataka ka kung paano ako nandito. I'm here to protect and guard you. Sasamahan kita papuntang immortal realm para sanayan ang mga kakayahan mo."sabi niya. Hinarap ko siya. Kahit nagtataka man ay alam kong mapagkakatiwalaan siya. It was like something- no- someone is telling me to go with him.
Tinanggap ko ang kamay niya at napangiti siya.
"Sino ka? At anong pangalan mo?"tanong ko sa kanya
"Ako si Andre ang iyong pinakagwapong guardian niya" sabay pogi sign...
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa simpleng ginawa niya. Napatawa ako kaonti dahil doon at kita ko kung paano rin siya ngumiti sa naging reaksyon ko.
"So are you going or not?"sabi niya
Tumango na lang ako sakanya at pumasok na sa portal na ginawa.
From that moment, I knew that this was a step for me to know who I really am