CHAPTER 35 HINDI NAMAN nahirapan si Harra na magbyahe. Kahit na nakakapagod ang byahe dahil kulang apat na oras siyang nagmamaneho upang sundan lang si Reed. Totoo ang sinabi niya kanina sa ate at mga kaibigan nila na nadala na siya ni Reed sa bahay ng mga magulang nito. Masasabi nga na label na lang talaga ang wala sa kanila nito noon dahil naipakilala na siya sa mga magulang nito. Close din siya at ang pamilya rito at kahit na sinubukan niyang iwasan si Reed ay may komunikasyon pa rin siya sa mama at sa kuya nito. Habang papalapit siya sa bahay ng mga ito ay palakas nang palakas ang kabog ng kaniyang puso. Ilang buwan na rin nang huling beses siyang nagtungo rito. Ito kasing si Reed, kahit na hindi niya tinanggap ang panliligaw nito sa kaniya ay pinilit pa rin siya nitong i

