CHAPTER 40 KATAPOS LANG nilang magligpit ni Max ng mga kalat nila sa rooftop. Hindi na sila nagpatulong pa sa iba nilang mga kaibigan dahil alam nila pareho na mga pagod na ang lahat. Walang pagsidlan ang kasiyahang nararamdaman ni Marra at hindi matanggal sa kaniyang labi ang ngiti hanggang ngayon. "Natapos din!" anito kaya napangiti si Marra. Kanina kasi ay sinabihan niya itong siya na lang magt-isa ang magliligpit ngunit hindi pumayag si Max. Mabilis mapagod si Max at napakaantukin. Dapat sa oras na ito ay nagpapahinga na ito kaso ayaw talaga siyang iwanan. "Antok na?" Tumawa ito saka umiling. "Hindi, ah! Ikaw, inaantok ka na ba?" "Medyo. Baba na tayo. Dapat nagpapahinga ka na, e!" wika niya. Nilahad ni Max ang kamay nito sa harapan niya. Saglit niya iyong ti

