AMILYN Niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran, naramdaman ko na parang natigilan siya. He maybe not expecting na papasukin ko siya dito sa banyo. He’s about to turn around. “H-Huwag m-mo m-muna a-akong t-titingnan, please. Hayaan mo muna ako na yakapin kita,” pigil ang hikbi kong sabi. Panay ang daloy ng masagana kong mga luha. Naninikip talaga ang dibdib kong pagmasadan ang katawan niya. Pigil na pigil ko ang sariling huwag mapahagolgol ng tuluyan dahil sa nararamdaman kong kirot sa dibdib at matinding sama ng loob dahil sa mga nangyari sa kaniya. Alam kong magsisi man ako ng lubos, hindi ko na naman maibabalik pa ang nakaraan na. Nangyari na ang nangyari. Naiinis lang ako sa sarili ko, sana naalagaan ko siya. Sana sa lahat ng laban niya nasa tabi niya ako. Kahit naman

