AMILYN Pumunta kami sa sala para doon uminom ng kape. Then, doon ko pa lang naalala ang gustong gusto ko nang itanong mula pa kanina pero nawala sa isip ko. “Klient, siya nga pala..” medyo ingat kong kuha sa atensyon niya. Nilapag niya ang mug niya sa center table at napabaling sa akin. Then, I paused and cleared my throat. Wala naman sigurong masama kung maitanong ko sa kaniya, gusto ko lang malaman dahil alam kong masigasig si Andrea sa pagtratrabaho sa kaniya. Alam ko rin na gustong gusto ni Klient ang trabaho ni Andrea. “Si Andrea, yung secretary mo, nakita ko kanina sa news kasama yung anak na panganay ni Ebrahim Ramirez,” ang natitigilan kong sabi. Medyo nag-alala pa ako na baka ma-trigger na naman ang emosyon niya kapag nabanggit ko ang mga Ramirez. Sa tuwing nababanggit k

