AMILYN NAPANGITI ako at medyo napasinghap nang mula sa likuran ko ay yumapos siya. Napakagat na ako sa ibabang labi nang umpisahan niyang amoy amoyin ang leeg ko. Abala ako sa pagtitimpla ng kape naming dalawa. “Ang bango bango,” bulong niya. Lumawak ang ngiti ko. Binalingan ko siya. “Itong kape?” natatawa kong tanong. “Hm no, ikaw.” Bahagyang nakanguso na aniya. Bigla siyang naging cute sa paningin ko. Suddely, parang ang laki ng pinagbago ng awra niya simula kahapon. Magaan kong hinalikan ang labi niya. Hindi niya agad pinakawalan ang labi ko kaya medyo nagtagal ang halikan namin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pagkatapos ng halikan namin ay pinagpatuloy ko ang pagtitimpla. Pinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko. Magpahanggang ngayon, kayang kaya pa rin ni

