AMILYN Napatingin ako sa loob ng kuwarto, nang muli kong marinig ang ingay nila. Parang ito na ang pinakapaborito kong eksena ng aking mag-aama. Ang sarap nilang pakinggan, ang sarap sa pakiramdam. Napapangiti at napapailing na lang ako sa tuwing maririnig ko ang napakainosenting boses at tawa ng mga anak ko. “ Ayaw ko lapit, kikiliti na naman ako ni Daddy!” ang masayang boses ng bunso kasunod nun ay ang sarap na halakhak niya. “Tama na daddy!” Ang tili at halakhak nila pareho. “Sinong love ni Klay at ni Klaid?” Ang dinig kong masiglang tanong ni Klient sa kanila. “Daddy and mama!” Halos sabay pa nilang masayang sigaw. Nasanay ang mga anak ko na mama ang tawag nila sa akin gayong yun ang nakagisnan nila, at daddy naman ang tawag nila kay Klient. Buhay na buhay ang kanilang b

