AMILYN KINAGABIHAN, sa kahimbingan ng aking tulog ay bigla na lamang akong ginising ng pakiramdam na tila may nakabantay sa akin. Parang may nakatitig sa akin. Though, yung presence ng titig sa akin ay pamilyar sa pandama ko. Nagmulat ako ng mga mata at medyo nagulat pa ako nang mabunggaran ang mukha ni Klient sa harapan mismo ng aking mukha. Malapit na malapit, titig na titig siya sa mukha ko, na para bang ayaw niyang kumurap. Kapagkuway, tinitigan ko rin siya, parang pinipiga ang puso ko kasi kitang kita kong puno nang bagabag at pangamba ang mga mata niya. Parang wala rin siya sa sarili. Ramdam ko rin ang matinding tensyon na bumabalot sa katawan niya. Hinaplos ko ang panga niya. “B-Bakit gising kapa? Anong oras na Klient..” ang mahinahon at pinasuyo kong sabi. Kanina aka

