AMILYN Kinausap niya ang nanay ko at ang Ate ko, ganun rin si Kuya Vince at Tito Ronald. Gusto niya raw kaming isama, gusto niya kaming masolo. Naiintindihan ko naman ang punto niya. Para kasing hindi siya komportable nang may mga kasama kami sa bahay. Nagkausap naman kami about sa nangyari talaga sa kaniya pero napakaikli at alam kong hindi pa iyon sapat sa akin. Kinatok kasi kami ng kambal din na anak nila Ate at gustong makalaro ang kambal din nilang pinsan. Pero ang mga anak ko ayaw lumayo sa daddy nila. Kaya nanatili sila sa kuwarto at doon naglaro. Hindi rin namin siyempre puweding itaboy ang mga bata. “Hinihingi nga namin kanina pa na pakasalan mo muna ang kapatid ko bago mo gapangin ulit. Naku, Klient ha, baka mapangalawahan ang kambal tapos hindi pa kayo kasal ni Ami,”

