KLIENT Nadatnan ko silang lahat sa sala, pawang mga seryoso ang pagmumukha. Nang makita ako ni Villamar ay agad kumulimlim ang mukha niya, tumalim din ang mga mata niya sa akin. Gusto kong mapahagalpak ng tawa. Pero siyempre patay malisya na lang ako, masaya ang araw ko e. So, hanggang batok talaga ang ngiti kong sumandal sa hamba ng pintuan. “Mas guwapo ka Villamar kapag nakangiti ka,” kindat kong sabi sa kaniya. Umigting agad ang panga niya, napapikit si Marvin. “Tang ina mo talaga, kapag nagka second wave yung pang gugulpi saiyo, out na ako diyan! Hindi ko gagamutin ang mga pasa at sugat mo gagu ka!” Ang yamot na babala niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako pero hindi pa rin mawala ang ngisi ko. Ang ganda ganda ng sikat ng araw pero puro makulimlim ang mga pagmumukha nila. Hi

