CHAPTER 10

2021 Words
AMILYN He made me cry so many times because of the extreme annoyance. It seems like for him, each day making my life miserable was a great achievement. But I didn't let him see even one of my tears. Alam ko kasi mas lalo siyang matutuwa. Seeing me cry and lose I know will give him great joy and satisfaction. Parang fertiliser yon sa ego niya, lalong lalago. Kapag nakita niya akong sobrang apektado sa mga pangbubuwesit niya. Madalas siya sa mansion nila Ate, talagang nananadya. Paano nagagawa ng isang taong busy daw sa negosyo ang maglaan ng oras para lamang buwesitin ako? May pagkakataon na kapag sama sama sila, nagagawa nilang itukso siya sa akin ng ibang kaibigan nila. Hindi ko alam kung bakit sa dami dami ng lalaking puwede nilang itukso sa akin ang tikbalang pang yun? Hate namin ang isat isa that’s the fact. Himala na lang yata ang lunas para magkasundo kami, and by then baka pagunaw na ang mundo. “Magpa-pari na lang ako kung si Amilyn bansot lang din naman ang makakatuluyan ko,” awtomatikong napatikwas ang kilay ko sa yabang at angas ng boses niya. “Ang pangit pangit niyan, bansot pa. Alam niyo naman ang taste ko di ba? Wala sa kalingkingan nga niya yung last gf ko. Tingnan nyo naman yan, para pang lalaking kumilos, walang lalaking susulyap man lang diyan, sayang oras, tsk.” Uminit ang bunbunan ko sa sinabi niyang iyon pero pinilit ko pa ring magpakahinahon. Sarkastiko ko itong binalingan, “wow, kapal naman ng apog mo. Feeling mo gusto kita? Para sa ikapapanatag ng kaluluwa mo, hindi rin kita magugustuhan kahit ikaw na lang ang namumukod tanging lalaking natitira sa mundo,” imbyerna kong sabi. Nang uuyam akong ngumisi. “Ano kamo, walang lalaking susulyap sa akin at aksaya lang ako sa oras? Patawa ka naman tikbalang! Halos mabaliktad nga mata mo kapag nakikita ako e, at halos ubusin mo rin oras mo sa akin e, wala ka naman napapala-“ “Anong walang napapala, makita ko lang yang inis na inis at galit na galit mong mukha lumiliwanag ang paligid ko. Lalo ka kasing pumapangit! Pero seryoso, kapag ikaw na lang natitirang babae sa mundo papasok talaga ako sa seminaryo!” Napatiim ang labi ko. Lahat sila ay kita kong pigil na pigil ang ngiti. Halos maiyak na ako sa pagpapahiya niya at panglalait pero hinamig ko ang dibdib kong unti unting nilulukob ng emosyon. Iiyak ako sa harapan niya? Nunca! Sumusubra na talaga ang tikbalang na ‘to kung makapamintas sa akin. Wala siyang pakialam kahit pa nagiging katawatawa ako sa harapan ng ibang tao. Hindi niya ba naiisip na baka nasasaktan rin ako? Tsk. Bakit niya ba yun maiisip? Nakikita ko pa ngang mas tuwang tuwa pa siya kapag nagiging kahiya hiya ako sa harapan ng iba. Pero hindi ko dadagdagan ang tuwa niya. Never talaga akong iiyak sa harapan ng impaktong to! “Magpa-pari ka?” Pilit ang tawang pinakawalan ko saka nang uuyam na tiningnan siya. “Baka nasa pintuan ka pa lang ng simbahan mag liyab ka na, banned dun ang kanang kamay ni Satanas kaya huwag kang ambisyoso. Hindi mo malilinlang si San Pedro!” Umiikot ang eye balls ko sa inis na iniwan sila. “Hindi na nahiya, feeling guwapo talaga ang kupal!” Ang bubulong bulong ko pang sabi habang papalayo. Dinig ko ang tawanan nila. “Kupal ka pala!” “Anong kupal, ano yun?” Napairap ako sa hangin, kupal lang hindi pa alam. Narinig ko pa ang pahabol niyang banat pati ang kanyaw sa kaniya ng mga kaibigan pero hindi ko na siya pinansin pa at tuloy tuloy akong umakyat sa kuwarto ko. “Nice one, Bansot! Kung hindi ko pa talaga pansin e, no? Na ang totoo guwapong guwapo ka sa akin. Pero sorry ka, hindi talaga kita type!” Kahit nang makarating ako ng kuwarto, parang nag-e-echo pa ang boses niya sa isip ko. Ang nakakabuwesit na pang aasar niya. Pabagsak kong sinara ang pintuan na tila maiibsan nun ang panggigigil na nararamdaman ko para sa kaniya. Nang sandaling iyon, pakiramdam ko parang ang sarap manakit. Ilabas ang galit at inis na pigil na pigil kong sumabog. Wala sa sariling naikuyom ko ang kamao kasabay ng pangangalit ng mga ngipin ko dahil sa sobrang inis. Sa isip ko ay nilalamukos ko na ang mukha niya. Duguan at puno ng kalmot. Tiniris tiris ko na siya na parang kuto, pero hanggang dun lang ang magagawa ko ang paslangin siya sa isip ko. Ibang iba sa reyalidad dahil ako ang laging talo, ang laging apektado. Nakakapikon kasi talaga siya! Nagsasawa na ako sa walang sawang pangbubuwesit niya. It feels like, it’s not healthy anymore to be around him. Gusto kong kahit paano, maiwasan na siya. May pagkakataon kasi na hindi na ako nakakapag focus sa pag aaral ko, naaapektuhan rin at bumababa ang kumpeyansa ko sa sarili. Naso-sofucate na ako sa kaniya. He’s a kind of poison na pakiramdam ko, unti unting pumapatay sa bait ko. Baka kapag nagpatuloy to, hindi ko na makilala ang sarili ko dahil baka tuluyan akong lamunin ng galit para sa kaniya. I want to breath. I want to meditate at refresh myself in a very positive way. So, dapat positive din ang inviroment ko. Kaya dapat talaga, makalayo ako sa kaniya. Pero paano? SA MADALAS kong pag iisip kung paano ko maiiwasan ang tikbalang na yun, isang ideya na sa tingin koy makakatulong sa akin para kahit paano ay makaiwas ako sa madalas na pamimisti niya sa akin. Hiningi ko ang permiso ni Nanay at ni ate Via na kung maari akong bumukod at mangupahan na lang ng apartment. Gusto kong subukang mamuhay ng mag isa. Noong una ay mahigpit ang pagtutol nila sa binabalak kong gawin, lalo na si Ate Via. “ Bakit kailangan mo pang mangupahan e, dito mas komportable ka. May driver naman na nagsusundo at naghahatid saiyo so, bakit mo pa naiisipan ang bumukod-“ “Pero madalas busy si Kuya June at hindi ako nasusundo di ba?” sambot kong putol sa kaniya na tila bahagya niyang kinamangha. Napanguso ako. “Panay ang sundo sa akin ni Tikbalang, nakakahiya na lagi na siyang naiistorbo,” I was sounded a bit sarcastic. Tinitigan niya ako. “Sige na Ate, pumayag ka na please..” subok kong lambing sa kaniya. “Malapit lang sa school yung apartment na titirahan ko ate, isa pa iwas hassle sa akin sa biyahe, makakapag-focus ako sa pag aaral ko. Walang asungot na mangbubuwesit sa akin araw araw,” ang makahulugan ko pang dagdag na sabi. Dahil sa paghimay himay ko ng paliwanag, sa wari koy nagawang maintindihan ni Ate ang dahilan ko. At alam kong aware din siya sa tila asot pusa naming bangayan ni Klient. Sa huli, unti unti ko na rin silang nakumbinsi at napapayag sa gusto ko. But before I finally moved into my apartment, marami pa kaming worst encountered ni Klient. Then, ang nakakagimbal, yung araw na aksidente ko siyang nakita sa parking lot sa harap ng school namin, may kahalikang babae. Medyo nabigla ako at saglit na hindi nakakilos. Gagu talaga, walang pinipiling lugar. Kahit dito sa laging matao na lugar? Wala talagang kahihiyan ang tekbalang na to. Nakilala ko ang babae. The girl was senior student, matalino at maganda. Bukod dyan, kilala rin itong modelo mula sa ilang kilalang brand ng ibat ibang produkto. Napangiwi ako at nakaramdam ng pandidiri habang nakikita ko ang pagkiwal ng labi nila. Shit. Bakit dito pa kasi ako napadaan. Umiwas ako ng tingin at nilampasan sila. I pretended na hindi ko sila napansin or nakita, after a few steps, “bansot!” Napapikit ako. Kamalas malasan naman talaga. Napakagat labi ako nang tawagin niya ako, hindi ko siya pinansin at nagpanggap na hindi siya narinig. “Isasabay mo ba siya sa atin?” dinig ko pang maarting tanong ng kasama niya. “Yes, sweety. Pinakiusap sa akin ni Vince na isabay na siya sa pag uwi,” napatirik ang mga mata ko dahil sa narinig. Tsk. Sinadya pa niyang palambingin ang boses. Bigla akong kinilabutan. Gusto kong matawa. Sinungaling ‘tong si tekbalang. Pinapasundo raw? Huli na ba siya sa balita? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, natatawa sa isip at napapailing. Kung alam lang ni Tekbalang, limang minutong lakad na lang ang layo ko sa school namin. Narinig ko siyang nakasunod, ramdam at dinig ko ang malalaki niyang hakbang. “Bansot, ano ba?” pinigilan niya ako sa siko. Agad kong niwaksi ang kamay niya, ayaw kong magtagal sa balat ko ang palad niya. Nandidiri ako. Humalukipkip ako sa harapan niya. Nakita ko ang babaeng kasama niya na nakasandal na sa pintuan ng kotse niya. Ano pang kailangan ng sira ulong to sa akin? Balak pa yata akong gawing chaperon? Or hindi talaga kompleto ang araw niya nang hindi naman niya nasisira ang araw ko? “Saan ka pupunta? Maglalakwatsa ka pa? Pinasusundo ka na ng ate mo at ni Vince, and unfortunately ako na naman ang available nilang abalahin,” matiim ko siyang tinitigan. Titig na may babala, pero nasa character na talaga ni Klient ang pagiging makapal ang mukha. He smirked. Mayabang pa ang dating ng ngisi niya. “Baka gusto mo pang bitbitin na naman kita ulit para ipasok sa sasakyan, tukmol kasama ko girlfriend ko at pinaghihintay mo siya, nakakaabala ka na talaga-“ “Bakit kasi hindi mo na siya puntahan at ihatid siya kung saan man hantungan kayo papunta?” Inis kong putol sa kaniya. Nakita kong kumislap ang mga mata niya, matiim niya akong tinitigan. Kasunod nun ang nakakainis pang lalo na ngisi niya. “Nagseselos kaba?” Natigilan ako sa pagsulpot ng tanong na yon mula sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang tanong na yun. Nagpapatawa ba siya? Ano daw? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napabunghalit talaga ako ng malakas na tawa. Ngumisi pa siyang lalo, “you’re jelous, aminin mo na,” mahina niyang sabi habang nakangising aso pa rin. Pero hindi ako nagpatalo. Nakikita ko na ang tagumpay kong mapahiya ang mayabang na ‘to. “Nasa dugo mo na ba talaga ang pagiging feelingero? Kahit ilang babae pa ang makita kong katukaan mo, ang ihatid mo saan mang lupalop ng mundo ay wala akong pakialam! Kaya ako, nagseselos? Napapatawa ka ba?” Napalis ang ngisi niya at biglang tumiim ang titig niya sa akin. “Wala ka naman palang pakialam e, then get inside the car now, huwag mo na akong pahirapan dahil masyado ka nang nakakaabala sa amin-“ “Sino bang may sabing abalain mo ang sarili mo? Nahuli ka na ba sa balita?” Nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Natuwa ako sa nakita kong reaksyon, mapapahiya talaga sa akin ang tekbalang na ‘to sa pagkakataong ito. “I no longer live with my sister and brother Vince, I have obtained the blessing of my family to allow me, living with my own, so hindi ka na maabala.” Gsuto kong matawa sa reaksyon niya, tila ba hindi ito makapaniwala sa narinig. “S-saan ka ngayon n-nakatira?” tila natitigilan pa niyang tanong. Tatawa sana ako ulit ng malakas pero natigilan ako nang makita ang tila tuliro niyang mga mata. Big deal ba talaga sa gagung to ang malaman na hindi na niya ako ngayon mabubuwesit nang basta basta kasi hindi na ako kila kuya Vince nakatira? “S-saan ka ngayon nakatira Ami-“ “Pakialam mo ba? Ikaw lang ang umaabala sa sarili mo. Kaya kung ako saiyo, lubayan mo na ako wala kang mapapala sa pangbubuwesit sa akin!” nakita ko ang bahagyang pagtigas ng mukha niya at paggalaw ng panga niya. Medyo natigilan din ako at lihim na napalunok. “Ano ba Klient? Kung ayaw niyang sumabay sa atin let her be! May pupuntahan pa tayo,” ang tila bagot na anang babae. Walang sabi sabi ko na rin siyang tinalikuran, “pinapasundo, sinungaling. Pumunta ka lang dito para pistihin ang araw ko,” yamot kong bulong na iniwan siya. Ni hindi ko na inabala pang lingunin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD