AMILYN
Since our encountered at the parking lot, hindi ko na siya nakita. Mag iisang Linggo na. Medyo gumaan ang pakiramdam ko, nakahinga ako ng maluwag.
Siyempre walang nambubuwesit eh. Tuloy tuloy na ba ‘to? Sana..
Tahimik at masaya ang mga lumipas na araw ko nang wala akong nakikita maski anino niya. At sa school naman, unti unti akong nagkaroon ng mga kaibigan.
Pero karamihan sa mga nakikipagkaibigan at lumalapit sa akin, ay may iba yatang pakay.
Most of them kasi laging nagtatanong at nakiki chicka lang sa akin para kumalap ng impormasyon tungkol sa grupo nila kuya Vince.
They are still very popular, kahit pa nga may mga asa-asawa na. Nakakamangha na malamang marami pa ring mga babae ang obsess sa grupo nila.
Pero sa tingin ko, wala ako sa posesyon para magsalita tungkol sa grupo nila kuya.
Kaya madalas, ako na ang umiiwas, pero may pagkakataon na naku-corner nila ako.
“Lagi mo rin ba silang nakikita at nakakasama, Ami?” natigil ako sa pagnguya, nagkibit balikat ako. Heto na naman ang araw araw na pang uusisa nila. Nakapalibot pa talaga sila sa mesa ko. Kumakain ang tao eh.
“H-hindi naman.. kapag may okasyon lang..” ang maikli kong sagot.
“Pero nakita mo na sila at nakilalang lahat?” napatingin ako sa kaklase kong nagtanong.
Simpling tango lang ang sagot ko. “Ang suwerte naman ng mga naging asawa nila, sana tayo rin..” sa totoo lang parang gusto ko nang tapusin agad ang pagkain ko at nang makalayo na sa kanila.
“Buti pa itong si Ami, siguradong sigurado na ang future niya, ikaw ba naman mapalapit sa mayayamang pamilya, easy na lang mamingwit ng mayaman at guwapong mapapangasawa,” napaawang ang mga labi ko.
At bago pa ako makapagbigay ng reaksyon ay nagsalita na ang isa pang kaklase kong nakapalibot sa akin. Sumiksik pa siya sa dalawang nasa harapan ko para makaharap talaga ako.
“Si Noah Olivarez na lang ang wala pang asawa di ba? May ideya ka ba kung anong klase ng babae ang mga tipo niya?” natigilan ako at napalunok.
Sobrang lapit ng mukha niya. Matiim na nakatitig sa akin, at sobrang seryoso ang mukha. Grabe ganito na ba sila kadisperada?
Gosh, kung tutuusin ay ang babata pa namin, di ba parang masyado pang maaga para pangarapin ang pag aasawa?
Dapat sa ganito kabatang edad pag build ng matatag na career muna ang pinagtutuunan ng pansin. At ang pundasyon ng maganda at matatag na career ay ang pag aaral ng mabuti.
“Ano, Ami? May ideya ka ba?” tila ako nagising sa pag untag niya.
Marahan akong napailing, malay ko ba kung anong tipo niya. At bakit ba nila ako tinatanong ng mga ganitong klaseng tanong, masyadong personal.
“At si Klient din, single din di ba? Yun ang magandang target!” Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko, sa ugali ng tikbalang na yun may mga babae pa rin talagang nagkakagusto? Yuck.
“Hoy, bruha. Baka gusto mong masabunutan ni Lorine? Magjowa yata sila ngayon,” tukoy ng isa doon sa babaeng nakita kong kahalikan ni tikbalang nang huli kaming nagkita.
“Tama!” Chorus na sang ayon ng iba sa sinabi niyang iyon.
“Wala tayong laban kay Lorine, bukod sa sikat siyang modelo, malakas ang impluwesya rin dito sa school.” Dagdag pa ng isa.
“Wala na yata talaga tayong pag asa? Si Noah at Klient na lang ang natitirang walang asawa pero malabo pa yata tayong mapansin nila.”
“Guys, iba naman si Klient, mas bata siya at alam ko may iba rin siyang kinabibilangang grupo na mga kaedad niya. Kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa.”
“Gusto ko si Noah, kahit medyo may edad na e, looking fresh at yummy pa rin-“
“Ano ka ba kasi, dapat yung tinatarget natin yung mga tulad ni Klient. At least hindi masyadong nalalayo sa mga edad natin,” anang isa.
“Basta gusto ko si Noah-“
“Puwede rin natin targetin sila Vans, Klierson at si-“
Tumayo na ako sa kumpulan nila, nabibingi na ako, hindi ko nga nakikita si Klient pero panay bukang bibig naman siya ng mga
babaeng ito.
“Saan ka pupunta Ami, kuwentohan muna tayo-“
“Pasensya na, kailangan ko nang umalis may usapan pa kami ni Halena,” agad kong sagot. Tamang tama naman na nakita kong napadaan si Halena kaya kinawayan ko siya para kunin ang kaniyang atensyon.
Nakahinga ako ng maluwag nang huminto siya at kinawayan din ako. “Eww, kakaiba rin ang taste nitong si Ami, sumasama talaga kay Halena?”
“Kaya nga, iwasan mo siya, Ami. Madadamay ka pa sa babaeng ‘yan.”
Hindi ko na sila pinansin pa, deretso at nagmamadali kong nilapitan si Halena.
Mas komportable akong kasama at kausap siya, at wala naman akong pakialam kung ano mang issue ang meron siya.
“You’re scaping, hm?” she teasingly smirked at me.
“Ano pa nga ba?” nakabusangot kong sagot. Sabay kaming naglakad.
“You’re getting popular,” komento niya.
“Akala nila daan ako para makatisod sila ng mga mayayaman-“ she laughed hard.
“You are really different, Ami.” Napatingin ako sa kaniya.
“Alam mo bang sa school na ito wala kang maririnig sa mga estudyante kun ‘di ang mga pangalan ng mayayamang binata sa bansa? Who’s still avaible, who’s the good catch and their next target. Para bang pumapasok lamang sila sa ganito kasikat at kamahal na unibersidad upang maging puhunan sa pagha-hunting ng mayamang mapapangasawa-“
“Ganun ka rin ba?” wala sa sarili kong tanong na sa huli ay pinagsisihan ko. Napayuko ako.
“I’m sorry.. naririnig ko lang na..”
She laughed a little. “In my case, I have my reasons kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ginagawa ko. But I am telling you this, hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal gaano man siya kayaman.” Tiningnan ko siya, nang may pagkamangha. Ngumiti ako sa kaniya.
“Tara,” aniyang yaya sa akin.
Hindi ko alam kung saan ang punta niya pero sinabayan ko siya sa paglalakad. Nagpatianod ako.
Maaga pa naman kasi para sa susunod na subject ko. Kalalabas lang namin ng gate nang hindi sinasadyang mamataan ko ang kilalang kilala kong sasakyan. Umalon ang dibdib ko sa biglang pagsuntok ng kaba. s**t.
He’s here, tinted ang salamin ng sasakyan kaya di ko aninag ang tao sa loob. O, kung may nasa loob nga ba ng sasakyan or wala. Hindi ko alam.
Kumapit ako sa braso ni Halena. Nagtago ako sa gilid niya. Binalingan niya ako, nahihiya akong ngumiti.
“Ang liit mo talaga, Ami. Kapag kumakapit ka sa akin, para akong maghahatid ng anak ko sa school,” natatawang biro niyang kinabusangot ko. “I’m just joking, actually kahit maliit ka sobrang ganda ng shape ng katawan mo. Napakaganda mo rin kaso hindi ka lang talaga nag aayos. Ni hindi ka yata nagsusuklay-“ tinapik ko ang braso niya, “grabe ka naman! Nagsusuklay naman ako bago umalis ng bahay-“
“Amilyn, dalaga ka na. Dapat may baon ka nang pouch ng mga make-up, suklay. Mag retouch ka tuwing breaktime or everytime you have a chance, dapat lagi tayong presentable sa harapan ng mga tao, kaya ka laging inaasar ni Klient-“
“Huwag mo na ngang banggitin ang tikbalang na yun, wala naman talagang goal at gusto sa buhay ang isang yun kun ‘di pistihin ako.” Ang busangot kong sabi.
“Beacuse you’re giving him a reasons to mock you, and insult you. Maganda at sexy kung mag aayos ka lang. Hindi yung kahit na naka uniporme ka mukha ka pa rin mamalingke,” napaawang ang labi ko sa pagiging pranka niya.
“Look at you, maluwag ang uniform na suot at gusot gusot. Parang hindi uso ang plantsa sa bahay niyo.”
“Naplantsa ko yan, nagusot lang kanina.” Pagdadahilan ko.
“Hindi pa maayos ang buhok mo, looking dry at sabog. Masuwerte ka na nga lang at maputi kang talaga at maganda ang iyong mukha dahil kun ‘di, mapagkakamalan ka dito sa school na naligaw para utusang bumili ng suka!”
Uminit ang buong mukha ko sa pagkapahiya.
“G-grabe ka sa akin, akala ko pa naman kaibigan kita..” kunway tampo kong sabi.
Malutong siyang tumawa.
“Look at me, kahit anong bad reputation ang binabato nila sa akin, kapag nakatalikod ako, I could still face them with so much pride no?Bakit hindi, alam kong mas maganda ako kaysa sa kanila, matalino din ako, and I earned my money by not begging to anyone.” Proud na proud niyang sabi.
“Lahat ba ng paratang nila saiyo ay totoo?” Alanganin kong tanong. She laughed.
“There’s some truth, yes. I am a stripper... I am paid escort by some politicians, and wealthy businessmen. And I earn a significant amount of money for that.
If you want to ask me if I like what I am doing? No. But I have no choice. Ito lang ang alam kong trabaho para kumita ng malaking halaga at nang hindi ako magdildil ng asin. Pero, wala pa naman akong client na nakarelasyon ko, ganun man ang trabaho ko, I am very professional. Wala akong niwasak na pamilya or nilamangan. For me, I am just doing my job to earn much money.. to sustain my lifestyle na meron ako. At wala akong dapat ipaliwanag sa mga taong humuhusga sa akin.”
Nakikinig lamang ako sa kaniya, at some point tama naman siya. Ano bang pakialam namin sa trabaho niya kung kinikita naman niya ang pera niya nang walang nasasagasahang iba?
Pumasok kami sa isang cafe, na malapit lang din sa school.
Nakasunod lang ako kay Halena. Umupo siya siya sa pangdalawang mesa na bakanti.
Shit. Napapuwesto pa talaga kami kung saan tanaw ang parking lot. Tanaw na tanaw namin ang kotse ni Klient. Nilibot ko ang paningin sa loob. Gusto kong lumipat kami ng puwesto, pero puno at yun na lang talaga ang bakanting puwesto.
Sinikap kong iwasang mapadako ang tingin sa kotse ni Tikbalang. Hanggang sa mag order na kami. Dalawang milk tea.
Pakiramdam ko may mainit na matang nakatitig lang sa akin. Meron ba talaga or guni guni ko lang? Niwaksi ko ang kabang nararamdaman ko at nag focus sa kuwentuhan namin ni Halena. Masaya talaga siyang kausap.
May saysay ang bawat sinasabi. Ang ganda ganda niya at sosyal na sosyal ang dating. Ibang iba sa ayos ko.
Nakakadagdag sa ganda niya ang mga ngiti niyang matatamis at mga matang mapanghalena kung tumingin.
Bagay na bagay ang pangalan niya Halena.
Para siyang diyamanteng maningning.
May malaking tv screen sa cafe na iyon. Sa kuwentuhan namin ay pumaibabaw ang alingasngas ng usapan.
“Engage? Si Ream?”
“No, si Rue. May balibalitang ikakasal na nga siya eh.” Napaangat ang mukha ko sa tv screen.
Isang lalake ang dinudumog ng mga reporters.
“Mr. Baltimore. Anong masasabi mo na hindi sumipot sa mismong engagement party niyo ang fiancee mo? How much affect your-“ hinawi ng mga body guards niya ang reporters.
“May clarification ba kung matutuloy pa ang kasal? Kailan niyo siya ipakikilala sa mga tao?” hindi pinansin yun ng lalake at agad nang sumakay ng kotse.
“Iba rin talaga ang dating ni Rue.”
“Oo, pero para sa akin mas charming at approachable si Ream.” Dinig pa namin ang usapan ng kalapit na mesa.
“Kilala mo ba ang mga Baltimore twins-“
Hindi ko na naipagpatuloy ang tanong ko, nang makita ko ang tila tulala at namumutlang mukha ni Halena. Ang mala diyamanteng awra ay tila biglang lumimlim.
“Halena, okay ka lang ba?” Untag ko sa kaniya.
Parang bigla siyang natauhan, pilit siyang ngumiti pero dama ko ang nerbyos niya.
“Aah, y-yes.. Okay lang naman.. Tara? Baka mahuli pa tayo sa klase,” ang tila natitigilang aniya. Tumango ako ng marahan.
Pagtayo namin, saka rin namin nakita ang papasok na si Klient at Lorine. Nakakapit ang babae sa braso niya.