KLIENT Sa kabila ng problemang kinakaharap ko, naging masigasig pa rin ako. Mas nag-focus ako sa paghahanap ng malalaking investors. Halos hindi na nga ako magpahinga, as long as possible ay gusto ko nang makalikom ng sapat na pera. Thankfully, ramdam ko ang mabilis at malakas na pag umbong ng kompanya ko. All I have to do now is to push A little bit more to the limit. Habang kumikilos ako ng palihim, I forced myself to play nice with the Ramirez. So, I talked with Eloida again. Ramdam na ramdam ko sa kabilang linya ang walang kapantay niyang tuwa. “Pag uwi ko, kailangan na talaga nating planohin agad ang kasal natin Klient, hindi na tayo bumabata.” Hindi ako nakaimik. Wala kasi sa kaniya ang isip ko, na kay Amilyn. “Klient?” “Oh, yes sweetheart.. Uhm yeah, you’re right.”

