KLIENT “Kukunin ko si Amilyn. Sa akin na muna siya. Puwede mo nang kunin si Andrea. Dito na muna siya sa opisina mo,” hindi ako makatangin kay Kuya Kiel nang sabihin ko yun sa kaniya. He smirked. Naglakad siya papunta sa harapan ng mesa niya. Humalukipkip siya sa harapan ko. Pinag krus niya ang mga binti habang nakasandal sa edge ng mesa nya. Sinadya ko pa talaga siya rito. Gumaganti e, ayaw niyang sagutin ang mga tawag ko. “Noong isang araw lang ayaw mong ibigay si Andrea, kamo kailangan na kailangan mo siya ngayon sa opisina mo, nalaman mo lang na si Amilyn ang magiging acting secretary ko for two weeks nagbago na isip mo,” ang medyo buska niyang sabi sa akin. Nagkibit balikat ako. “Noong isang araw yun, nagbago na isip ko,” ang tila wala lang na sabi ko. Natawa siya. Tinawagan

