AMILYN Napapalingon ako sa dereksyon ng banyo habang nilalabas ko ang ibang gamit namin sa maleta para ilipat sa closet ng tutuluyan naming kuwarto dito sa mansion nila Ate. Dinig na dinig ko ang ingay nilang mag-aama. Buhay na buhay ang hagikgik at tawa ng mga anak ko. Paglabas nila ng banyo, karga karga na niya ang kambal sa magkabila niyang braso at pawang naka balot pa ng tuwalya. Malalawak ang ngiti nilang tatlo. Nagkatinginan kami ni Klient. Umiwas ako agad. Kinuha ko ang maleta ng damit ko at yun naman ang napagdiskitahan kong maging dahilan para makaiwas sa maya maya ay titig niya sa akin. Baba na lang kaya ako? Pero baka hanapin ako ng mga anak ko kapag tulugan na. Well, hahanapin kaya nila ako? E, parang hindi na nga nila ako kilala eh. Saka maaga pa baka di pa matu

