AMILYN Suddenly, naging komportable sa kaniya ang mga anak niya ng tuluyan. The whole duration yata ng lunch namin wala akong ginawa kun ‘di sulyap sulyapan lang silang mag-aama. Hindi na nga ako nililingon ng mga anak ko e. Like, I am not exist anymore to their eyes. Napapanguso ako. Siyempre medyo masakit lang ng kaunti na itsapuwera ka na agad. Kanina lang takot na takot sila sa daddy nila. Naglalambitin sila sa akin, pero ngayon biglang bigla para wala na silang amor sa akin, hindi na nila ako kilala. Napangisi sa akin ang Ate ko. “Pana-panahon lang yan Amilyn, kapag nakasanayan na nila ang Ama nila at hindi ka na pansinin ng tuluyan ng mga anak mo, baka ikaw na ang umungot kay Klient na gumawa na ng pangalawang kambal,” mahinang asar ng ate ko sa akin, pero narinig pa rin n

