AMILYN Nang sabihin ko sa kaniyang hindi ko na siya mahal, parang ako rin yung lubos na nasaktan. Lalo na nang makita ko ang matinding lungkot na bumalatay sa mga mata niya. Nagmamakaawa siya. Pero gusto kong tuparin ang pangako ko sa sarili. Magiging maingat na ako pagdating sa pagbubukas muli ng puso ko. Mula ngayon, hindi na ako basta patitibag, lalo na ngayon na ang lahat ng desisyon ko ay hindi na lamang para sa sarili ko, damay na rin ngayon ang mga anak ko. Dahil kung magpapadalos dalos ako, maaring madamay ang mga anak ko sa bawat maling desisyon ko sa buhay. Kahit nga hindi na ako mag-asawa okay lang basta kontento na akong kasama ang mga anak ko. Maging maayos lang sila masaya na ako. This time, ayaw kong magpadala sa simpleng pagmamakaawa at pakilig. Dahil hindi

