AMILYN Hindi ko na kayang tagalan ang nakikitang emosyon mula sa kaniya. Ang tila sakit na gumuguhit sa mga mata niya na sa tuwing tatangkain niyang hawakan ang anak niya ay umaayaw at umaatungaw ng iyak. Kahit nang muling tangkain niyang lapitan ang bunso ay ganun rin ang reaksyon. “G-Gusto lang kayong mayakap ni Daddy,” halos gumaralgal na naman ang boses niya. And s**t. Naaapektuhan talaga ako. Naninikip ang dibdib ko. Kaya pinilit kong inangat ang mga paa ko mula sa pagkakatulos sa kinatatayuan ko. Gusto ko munang umiwas at lumayo kahit saglit lang. Babalik na lang sana ako sa kusina nang mapatingin sa aking ang anak kong panganay. “Mama!” Ang naiiyak nitong sambit. Parang humihingi ng saklolo. Kumawag ito sa kandungan ni Kuya Klierzon. Gustong bumaba. Walang nagawa ang t

