AMILYN “Ma’am nakahanda na po ang mesa sa garden “ ang simpling imporma ng isa sa mga kasambahay nila Ate. Niyaya na ni Ate Via ang lahat na lumipat sa garden kung saan naghihintay na ang napaka sarap na tanghalian. Nauna nang nagtakbuhan ang mga bata. Napangiti ako. Parang wala pa ring pagbabago. Ganitong ganito pa rin yung mga eksena noon. Nakakatuwa naman. Ang pagkakaiba lang ngayon e, nagsilakihan na ang mga bata at mas dumami rin sila. Si kuya Matt at Ate Alexie may maliit na naman. Talagang kotang kota si Kuya Matthew sa pagpaparami ng anak. At ito yung legit, at walang pagbabago. Ang eksena ni Ate Marielle. Hanggang ngayon ganun pa rin! Si Ate Marielle pa rin ang pinakamaingay at tila stress na stress sa kakasaway sa mga anak nila ni Kuya Uno. “Wala pa rin bang nagbago

