KLIENT Nang mawala si Vance sa landas namin, talagang pinursigi ko ring mapalapit sa kaniya. Ayaw kong maunahan, babakuran ko na siya. Lihim akong nagtalaga ng taong magbabantay sa kaniya sa loob. Bukod diyan, naglalaan din talaga ako ng oras para lang mapuntahan ko siya ng madalas sa university na iyon. Well, ever since naman na nag umpisa ang pasukan niya sa school na iyon, siniguro ko na talagang magiging maayos siya sa loob. Like, noong umpisa pa lang ng pasukan at nalaman kong parang nabu-bully siya ng ibang estudyante, gumawa na agad ako ng hakbang para maiwasan itong lumala. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko iyon ginagawa. Dapat si Vince ang sumusubaybay sa mga nangyayari sa kaniya, pero parang walang balak yatang gawan iyon ng aksyon ni Villamar kaya ako na lang ang na

